First of all.... (yown, ako na umi-english)! There are too many things, wag na nga lang parang di naman bagay.
Eto lang naman gusto kong sabihin, pinapahaba ko pa.
Shet! Namiss ko toh. Namiss ko ang mga tao sa makamundong blogospero.
Matagal tagal din akong nawala sa sirkulasyon. Mayroon kasing isang pangyayari na hindi ko inaasahan na siyang magiging dahilan para mawalan ako ng ganang mag-sulat (feeling writer ang drama ng driver). Pero nakausad na ko, everything's happen for a reason ika nga, mahirap ipilit ang isang bagay kung hindi naman tama, mas marami ang masasaktan at higit sa lahat, baka magdugo pag pinipilit di ba? Sabi nga nila, ang importante ay yung matuto ka. Pag ikaw ay nadapa, matuto kang tumunganga, yung parang walang nangyari, you know! para nadin di ka pagtawanan, basta tandaan mo lang kung san yung sitwasyon na ikaw ay nadapa para di na muling maulit pa. In my part, alam ko nadun naman yung learning, coz there's a relatively permanent change in my behaviour after what happened. Yun na yun eh. Pag hindi ukol, for sure iba ang bubukol. hehe
Osha osha.. humahaba na tong pasakalye ko.. Ang mahalaga nadito na kong muli, kahit pa walang mga kwenta yung mga sinusulat ko, atleast nadyan naman kayo diba para magtyaga sa walang kwenta.. hehe, kaya naman para sa mga kablog, kapamilya, kapuso, kapatid, kabarkada, ka-Q, Kabisyo, katropa, ka-clan, ka-fb (fubu), ka-eyebol (SEB), ka-twitter (follow me IamMidnytDriver), ka-fs (freestyle), kabanda, kagrupo (MD&Co), kaklase, katorse, kalabaw, kapitan, kapitolyo at sa kalaro ng apoy...
TY! :)