Its time for appreciation baby! this is for you! :)
Ang pagiging talentado ang iyong puhunan,
At pagkakaroon ng nunal ang iyong sandigan,
Kaya't ikaw parin ang nanguna sa list na ito,
Dahil ikaw ang nagturo sa akin sa mundo ng blogospero.
Alam ko, alam ko, panalo ka sa kalokohan,
Alam ko, alam ko, kilabot ka ng kababaihan,
Pero hindi dahil sa pagiging babaero kaya ka nadito,
Kundi dahil ikaw ang kaibigan kong maaasahan hanggang sa dulo.
Pagdating sa teknolohiya, sa amin ikaw ang nangunguna,
Pagdating sa simpleng diskarte, shet.. ikaw parin ang nangunguna?
Mahirap man paniwalaan, ngunit iyon ang katotohanan,
Na kakaunti lamang sa iyong kaibigan ang siyang tunay na nakakaalam.
Dumudugo man ang ilong ko, kakabasa ng entry mo.
Pumapalipit man ang dila ko, sa mga slang na english mo,
Natutuwa padin akong basahin ang mga post mo,
Hindi dahil sa topic mo, kundi dahil sa iyo. yown! haha
May alam ako sa iyo na isang sikreto,
Kilala ko kung sino ang Boyfriend mo sa blogospero,
Handa ka na bang ilantad ko ito sa mga tao,
Na ang karelasyon ay walang iba kundi si Ano. haha
Hanga ako sa katatagan ng iyong pagkatao,
Hanga ako sa determinasyon at pagkamakaprinsipyo mo,
Ikaw ang dapat na bigyan ng isang patimpalak,
Isang babae na nangangarap at shet hanep kung humalakhak. :)
Nagtiwala ka sa akin kahit nung una pa lamang,
Pinalakas ang loob ko para makipagsabayan,
Tinuring akong kaibigan kahit wala pang kinalaman,
Sa mundong ginagalawan na aking sinubukang pasukan.
Mayroon man tayong mga hindi pinagkakaunawaan,
Mayroon mang mga pagsubok na sa atin ay humaharang,
Ikaw ay mananatili sa puso ko at isipan,
At magsisilbing inspirasyon bilang tunay na kaibigan.
Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin,
Dito sa babaeng sa PEBA entry ko ay nag-Plugging,
Hindi ko pa sya lubos na kakilala,
Pero ako ay humahanga at naiinspire sa mga naisusulat nya.
Mga kilabot ng kalalakihan,
Mga pinapantasya ng sangkatauhan,
Mga babaeng nagsisimbolo ng kagandahan,
Mga babaeng parang gusto kong diskartehan. hahaha.. joke
Ang isa ay aking kababayan na puno ng kalokohan.
Ang isa naman ay di ko kababayan pero puno rin ng kalokohan,
Hindi ko alam kung ano sasabihin ko sa dalawang toh,
Pero sinisigurado kong kaibigan ang turing ko sa inyo.
Mga bayani ng bagong henerasyon,
Mga simbolo ng katatagan at tunay na kadakilaan,
Kayo ang mga OFW na aking hinahangan,
Sinasaluduhan at yung isang girl ay pinagpapantasyahan. wahahaha
Mga idol ko sa mundo ng blogospero,
Mga hanep kung magsulat, siguradong mga babaero
Pero seryoso, hanga ako sa mga toh,
Ang tataba ng kautakan, panalo sa mga paliwanagan.
Huli man daw at magaling, ikaw ay nasa dulo padin. wahahaha
Langya, bat pagdating sayo nahihirapan ako?
Bat pagdating sayo di ko alam kung ano isusulat ko?
Anak ng.., di ko kasi alam kung kakasya ang page nato,
Sa mga pwede kong sabihin para sa isang taong katulad mo. :)
naks... haha
37 comments:
malibi...
este...
mahusay pala...
ikaw na ang magaling...
ikaw na ang aning...
ikaw na makata...
huling huli mahilig gumawa ng bata...
sa dami ng babae mo di ibubunyag...
kahit na mukha mo ay kutis bay*g...
dahil kaibigan mo kong totoo...
pagiging babaero mo isisikreto ng todo...
salamat sa pag tag mo...
nafasaya at napahanga mo ako...
un lang..
bow...
Salamat sa effortless mong tula! :) Ako'y iyong napaligaya. :) Hindeh,seryoso, salamat. :)
Ayeeeeeee anong meron kay Ate Rose. AYEEEEEEEEEEE hahahahaha
ang hinanap ko talaga ay yung para kay rose kasi may iba akong nararamdaman sa inyong dalawa lolzz
Salamat naman dito :)
3 tagalog entries so far lol!
pero salamat dito :D
hangang ngaun hindi ko maisip kung pano ko naging sandigan ang aking nunal???
ganunpaman, maraming salamat kaibigan.
tunay na ako'y iyong nahipuan,
tugon ko'y hindi man kasing husay,
pakatandaang ito'y galing sa kaibuturan.
BOW.
LOL to sobra ha... sobra ka naman.. di naman ako babaero... wag ganun hehee.. thanks sa pag sali EFFORTLESS sir... lupit :D
ayos!!!
effortless na effortless ang iyong pagkakagawa...
halatang gawain to kahit nung bata ka pa!.
Teka di kaya sa fliptop isa ka sa kanila??
pagdating sa rhyming walang duda!
IKAW NA!! hahahaha
salamat bossing!
yown oh. salamat naman at nasama ako dito sa tula mo mr. makata. ako ay bulakenyo din. lol. pede din ako dun sa isang talata. haha.
SALAMAT SA NAPAKAEFFORTLESS MO NA TULA..
Oh!! Jhakie ikaw ay walang duda,
na henyong makata at babaerong talaga!
Sa mga tula mong effortless ang banat
Sa lahat ng naka-tag siguradong kayong mata-touch.....
>> Thanks Jhakie, you are one of those blogger friends that I will surely treasure until death!! thanks for visiting me all the time!!!
Congrats on your wedding in advance!!
Di ko rin alam kung anong dapat kong isulat,
bilang sagot sa iyong poste na kay astig ng banat.
Ikaw na ang magaling magsulat ng tula,
Walang ka effort-effort.. Ikaw na ang makata.
Oo nga at di pa tayo lubusang magkakilala,
pero hindi rasun yun para ako'y di humanga.
Unang basa ko palang ng iyong entry sa PEBA,
Ako'y namangha.. "Magaling! Walang duda."
Kaya ika'y ibinoto nang wlang pag-alinlangan.
At kahit na anong bayad ay hindi na kailangan.
But if you insist, na ako ay ilibre
ng burger o pizza, di ako tatanggi.
Maraming salamat rin sa iyong pagbisita
sa aking bahay.. kahit walang sopdrinks at Fita.
Kung walang oras mag-update, lagi mo lang tandaan..
Kami'y maghihintay.. ang iyong mga kaibigan.
BOW!
P.S.
Congrats!!! =)
wow.. ang sarap naman pala ng nasa last. hehe.
thank you kuya, na-appreciate ko to ng times 1 million. at natuwa naman ako ng times 2 million. sana lang hindi convertible sa cash ang tuwa saka yung appreciation. wala akong pambayad. =P
thank you thank you! ang galing galing talaga! idol! pa-autograph! =D
ikaw na ang may effortless gumawa ng tula!!!panalo to!!
bat napasali ako dun sa mga magagandang geelllsss mali ata ahahha,,,,,pero tatanggapin ko yun dahil nag effort ka less nga lang hahahhaa,,,
horray@!
-unni
ayaw kong mag log in :P
Bwahahahahha... adik ka! hehehehehe... salamat parekoy at dinamay mo pa ako... hahahahahhaha... ayos!
maraming salamat sa iyo kaibigan at napasama ako sa iyong poste. isang karangalan ang mabigyang pansin ng isang tao na napaka-tibay, napaka-makabuluhan at nakapa-malikhain kung lumikha ng poste. ako ay nagtataka kung bakit hanggang sa ngayon ay hindi ka pa nilalapitan ng meralco. hehehehe.
tawagan ko lang ng pansin ang link ni jag, sapagkat ita ay inbalido. hehehehe. di ka makakarating sa mundo ni kaibigang jag.
- samatalahin ko na rin ang pagkakataon na mapabilang dito sa iyong poste upang i-anunsiyo sa karamihan ang aking bagong bahay dito sa mundo ng blag. ;-)
sa mga nakapalitan ko ng link, nakiki-usap po ako at nagsusumamo na sana ay i-update ang aking link.
at sa mga hindi ko pa po nakakapalitan ng link, nagmamaka-awa po ako, halina't magpalitan po tayo.
sana wag akong sagasaan ng at gwapong driver sa ginawa kong ito. hehehehe.
salamat ulit kaibigan.
MD
Anong kaguluhan ito,aber? Huwag mo kong daanin sa pambobola mo, ang nais kong isang gabing kapiling ka..bwahahaha
Teka baka magselos si Marco..sige na join kana..Lol!
haha pagod ako from wrk pero natuwa namn ako dito sa ginawa mo effortless na effortless..lol...salamat parekoy! da best ka! cheers!
wah! tsk tsk. naghahanap ako ng pangalan ko! wala ako makita hehehe.. nadaan lang ako jaywalking sa blog mo! magtwitter ka n nga lang para don na lang kita kumustahin,
nice.
natawa ako sa ginawang tula ni nafa para sa iyo. :p
effortless ang paggawa mo ng entry.
thanks sa pagkakasama sa entry :D
Effort naman ito!!!!!! Maraming salamat sa honor na napahanay ako sa mga bloggers na yan lalo yang si Kikilabotz sya ang hari ng blogosphere sya na! Hahahahahaha
Wow! Repa muka ngang walang effort ang pagsusulat mo.. malupit ka pa rin! Salamat sa appreciation sa mga pinagsusulat kong walang kabuluhan! haha! ikaw ang idol. :D
haha..ayos ah...pero di ako babaero hahaha.....^^ salamat salamat marami ng marami
wow! nakakataba ng utak :) joke. :)
TOP 5 girls ba ito? :D nakakatuwa!
5 stars for this. ♥
"Mga kilabot ng kalalakihan,
Mga pinapantasya ng sangkatauhan,
Mga babaeng nagsisimbolo ng kagandahan,
Mga babaeng parang gusto kong diskartehan. hahaha.. joke"
Aw!taba fes ko dito sa entry mo. Parang gusto malaglag ng sunglass ko. hahahaha!
Napaka talented mo pala talaga no'Effortless galing galing!
btw,ganda ng background music mo.love it!
Whew! Effortless pa ang lagay na 'to pare ha. Ikaw na ang MAKATA!
Salamat at nadamay ako dito sa tulang mo. LOL!
One acre of thanks na mapabilang sa iyong tula.
appreciate ko ito.
One acre of thanks na mapabilang sa iyong tula.
appreciate ko ito.
napakahusay!!! clap.. clap clap.. ahahaha.. wag mo nang sabihin kung cnu, baka maunsyami yung pagiging chickboy d2.. wahahaha
Ako ba yung girl? Akala ko si Poldo. heheheh! aha! sabi ko na eh, diskarteng marino na naman yan!
wow galing naman! hanga talaga ako sa pagiging makata mo. :) 2 thumbs up!
yikes.. ikaw nga ang dapat gawan naming lahat ng ganto.
salamat napasama ako. nakakahiya naman.
talented ka talaga
ayun..ngayon lang ako nakapagcomment..hehehe...kaw na kaya nagpakalap ng mga diskarte na sinasabi mo na yan....hahaha...piz pre!...
salamat parekoy sa pagsama sa skin sa post mo na to...
wala naman ako sa tula pero bakit ako magcocomment?? :D LOL
talentadong tsuper ka talaga :)
MD, dito ko na lng ipo-post yung question dun sa tag. sana mabasa mo to.. "What's the most shameful thing you've ever did" (english hahaha) kwento mo ha... in english haha. joke lang po!
kopyahin mo na lng yung logo. ant eto yung recommended blog :
http://roselledavid.blogspot.com/
thanks sa pagsali... :)
malibi. makata ka pala. lol
kala ko andito ako. (AMBISYOSA!)
HAHA!
btw, im back! :D
Post a Comment