Matagal tagal din akong nawala sa sirkulasyon...
Nawalan ng ganang magsulat..
Napagod...
Nanawa...
Naumay sa mga araw araw na ginagawa sa buhay...
Ngunit makalipas ang sunod sunod na kaguluhan at trahedya na ating nasaksihan, dulo't man ito ng mapanakop na sangkatauhan oh ganti sa atin ng Inang kalikasan.
Bukod pa dito ang mga personal na pagsubok na dumating sa aking buhay.
Nabago ang pananaw ko...
Bigla na lamang akong namulat at nagising sa reyalidad ng buhay...
Na maaaring sa isang iglap lamang ay wala na ang lupang iyong nakasanayang apakan...
Wala na ang mga yamang kalikasang patuloy na inaabuso ng sangkatauhan..
At maging ang taong pinakamalapit sa buhay mo, hindi mo alam kaluluwa na pala..
Maaaring sa iyong pag-idlip ay hindi mo na gustuhing magising pa sapagkat ang inaakala mong dahilan kung bakit ika'y nabubuhay ay naglaho ng parang bula lumang..
Kinain ng nanunuyot na lupa at patuloy na tinutupok ng nagliliyab na apoy.
Nakakatakot isipin na dahil sa ating pagkakamali at kasakiman ay unti unti ng kinukuha at ginuguho ang mundong sa atin ay ipinahiram lamang..
Ang sariwang hangin na ating nilalanghap...
Mga halaman, bulaklak at mga punong kahoy na ating sinisilungan..
Yamang tubig na nagsisilbing pamatid uhaw sa ating nanunuyong lalamunan.
Lahat ito wala na... lahat ito, binawi na...
Sana ay hindi pa huli ang lahat...
Sana may magawa pa tayo...
Kumilos tayo hanggat may panahon pa...
TARA NA!
Para san ang post na to? Wala lang.. gusto ko lang magseryoso kahit minsan...
Pero seryosong sagot.. Para mapalitan na yung BRIPKONGRED.. NAGtututong na eh!