Thursday, March 17, 2011

SERYOSO??? No Way!

Matagal tagal din akong nawala sa sirkulasyon...
Nawalan ng ganang magsulat..
Napagod...
Nanawa...
Naumay sa mga araw araw na ginagawa sa buhay...

Ngunit makalipas ang sunod sunod na kaguluhan at trahedya na ating nasaksihan, dulo't man ito ng mapanakop na sangkatauhan oh ganti sa atin ng Inang kalikasan.
Bukod pa dito ang mga personal na pagsubok na dumating sa aking buhay.

Nabago ang pananaw ko...

Bigla na lamang akong namulat at nagising sa reyalidad ng buhay...

Na maaaring sa isang iglap lamang ay wala na ang lupang iyong nakasanayang apakan...

Wala na ang mga yamang kalikasang patuloy na inaabuso ng sangkatauhan..

At maging ang taong pinakamalapit sa buhay mo, hindi mo alam kaluluwa na pala..

Maaaring sa iyong pag-idlip ay hindi mo na gustuhing magising pa sapagkat ang inaakala mong dahilan kung bakit ika'y nabubuhay ay naglaho ng parang bula lumang..

Kinain ng nanunuyot na lupa at patuloy na tinutupok ng nagliliyab na apoy.

Nakakatakot isipin na dahil sa ating pagkakamali at kasakiman ay unti unti ng kinukuha at ginuguho ang mundong sa atin ay ipinahiram lamang..

Ang sariwang hangin na ating nilalanghap...

Mga halaman, bulaklak at mga punong kahoy na ating sinisilungan..

Yamang tubig na nagsisilbing pamatid uhaw sa ating nanunuyong lalamunan.

Lahat ito wala na... lahat ito, binawi na...

Sana ay hindi pa huli ang lahat...

Sana may magawa pa tayo...

Kumilos tayo hanggat may panahon pa...

TARA NA!



Para san ang post na to? Wala lang.. gusto ko lang magseryoso kahit minsan...

Pero seryosong sagot.. Para mapalitan na yung BRIPKONGRED.. NAGtututong na eh!

43 comments:

Anonymous said...

welkam bak!

well sabi nga nila, if you are to do something, DO IT NOW.

walang dapat ibang sisihin sa mga pangyayari kundi ang tao lang din. tayo naman may kagagawan nyan e.

sana lang may makuha pang solusyon para sa mga susunod na generations.

khantotantra said...

wakakaka. napansin ko pareho kayo ni nafa na may new entry

Diamond R said...

ganon ba pag nagaasawa busy. Tagal kong nakatutok parekoy sa 'Bripkongred' post mo, sa wakas nagbago rin. welcome back.

The Gasoline Dude™ said...

Welcome back sa pagba-blog. Sana tuluy-tuloy na 'yan. :)

Apple Bee said...

malapit na kasi ang end of the world.. kaya bago man lng magunaw ang mundo, palitan mu na ang BRIPMONGRED. feeling close din. hehe. =)

EngrMoks said...

nakanamn serious? hindi nga...kaw ba yan? hehehe

MaginoongBulakenyo said...

Alam ko kung bakit ka busy?

May binubuo ka di ba? Gaya ng sabi ko nasa positioning lang yan..Lol!

Wow! serious ka rin pala..hehehe

Sey said...

buti naman napalitan na nag BRIMORED...hehe. labhan mo ah.

may panahon yata talaga a minsan wala tayong masulat at nawawalan ng gana. ako din nangyari na yan, napatigil ng mga apat na buwan.

Tama, kumilos tayo habang may panahon pa.

Bino said...

may times talaga na nakakatamad magsulat. welcome back :D

Anonymous said...

isa sa mga post mo na gusto ko.. kahanay to nung entry mo last year..
natumbok mo ang lahat ng ipinag-aalala ng mga tao sa ngaun..

\kadalasan, kung anu mang nagaganap sa paligid/buhay natin ay resulta ng kung ano mang pinagagagwa natin sa araw-araw.



-YanaH-

www.lifes-a-twitch.com


***ayaw gumana nung name/url option mo eh***

petitay said...

way come back MD!!! =) ah miss yah na...

SuperBasS said...

great article. galing! WB

Kamila said...

oyst oyst oyst.. oo nga seryoso ka.. ako naman tinatamad din... pero super nakakatakot nga.. parang dami pa dapat gawin..pero parang due date na

Anonymous said...

welcum back pare! mwaaah mwaaah. na-miss kita ah.

Anonymous said...

WB MD...

seryosohan na to..tara :)

eMPi said...

Nagbago ka na... Lol!


May magagawa pa tayo MD! :D

dranreb said...

hay salamat at nakaroon ulit ako ng interest magbasa ng blog....ang tagal mo namahinga pre!!!

Steph Degamo said...

yehey! so you're back? asan na ang medyas ko? pa LBC mo nalang :)

Anonymous said...

nice to meet you!!!

Hack To The Max said...

pare hindi bagay... hindi ka bagay... hayup ka... kasalanan ni kuri toh nagpost tau ng di oras...si enteng kaya ano masasabi?

magyeyero said...

dko alam seryoso k din pala..

janjan said...

matagal tagal din bago ka nag post ah! at may seryosong pala c MD...galing!

Anonymous said...

tama, dapat na ngang kumilos ang tao, baguhin ang masamang gawaing nakasanayan.....

at xempre. magdasal sa poong may kapal....


:)

glentot said...

Ano pong klaseng pagkilos ang maisusuggest mo hehehe

iya_khin said...

san tayo pupunta???!!

seriously nakakatakot nga lalo na pag di ka handa......

bripkongred??? naging bacon na yan ata!! hahaha

Arvin U. de la Peña said...

maligayang pagbabalik..

Gnetch said...

I've only been to your blog a few times. Ang ganda ng post na to, I must say. Bagay pala sayo serious. Pero palitan mo na nga ang BRIPMONGRED. Hahaha. :p

EMOTERA said...

Kaya pala kung maka DM 'to :) oks. ako din eh napagtanto ko rin na kahit na updated ka sa mga gadgets kapag nawalan ng kuryente at nawalang ng net connection. walang sibli silang lahat.

:D

Anonymous said...

Nakakalungkot ano? Lagi na lang tayong naglalaro ng blame game, pero alam na alam natin na iisa lang naman ang may sala - tayo rin. Mga tao.

Oo nga, merong mga natural calamities na nangyayari.. yung lindol, volcanic eruptions, etc. Yun ang mga disasters na wala sa control natin.. Pero katulad ng mga sunog, baha, global warming... Tayo rin naman ang may gawa nyan. Pero meron tayong mga tinuturong may kasalanan.. na kesyo malapit nang mtapos ang world, 2012 prophecies, wrath of God, wrath of Mother Nature.. blah blah blah. Why can't we just take a look in a mirror and then blame ourselves? Hay.. mga tao nga naman. tsk!

Still, there is HOPE. Meron pa tayong magagawa. One small step. Kung lahat sana tyao ay kumilos para maiwasan ang mga man-made disasters nato.. anyway, keeping the faith alive. Meron pa naman akong faith sa tao.. hehe..

Hindi natin alam kung kelan ang katapusan ng world. Pero isipin natin.. eto. Hindi natin alam kung kelan tayo MAMAMATAY. Why think of the end of the world kung bukas pala, mamamatay ka na. We should live each day like it's our last. Give what can be given. Share what can be shared. Do what can be done.. Not just for personal benifits, pero para sa nakakarami.

Plant a tree. Help cleaning the neighborhood. Throw the trash in the trashbin. Small acts. Big help. Make your life count. Because you'll never know when you're going to die.

Hm.. ang drama ko yata ngayon.

P.S.
No comment ako sa brip mong red. hehehe...

Ellen ♥ said...

Yay! :) you're back! Midnight lover! :D hahaha :D serious post eh? Great post. :) have a nice day!

Anonymous said...

Welcome to the club! Hehehe. Welcome back! =)

Unknown said...

dami ngang nangyayari 2012 nba? hehe spread love, pagmamahal sa kpwa at sa bayan!

Ang Babaeng Lakwatsera said...

welcome back... tama ang sinabi mo.. kumilos tayo hanggat may panahon pa..maging mabait na tayo sa ating kalikasan..

Santo Santino said...

PAreng Driver welcome back!

Siguro lagi kang pagod gabi-gabi...Success na ba?hehehe...

Seryosong reply sa post...Dapat matuto na nga tayong mga tao kung papano pangalagaan ang ating kalikasan kasi tayo din nmn ang nkikinabang dito. May kasabihan nga kung anong ginawa mo sya rin ang gagawin/mangyayari sayo.

Balitaan mo kami kapag success na. =)

Richard said...

ha ha. natawa ako dun sa reason bakit yan naisip mo ipost. ha ha

Artiemous said...

matagal tagal ka nga nawala sa sirkulasyon! welkambak! :D

pusangkalye said...

dami talagang nagagawa ang lindol at tsunami sa japan. maraming napapa-reflect sa buhay. same goes with me....

Jhanz said...

Maligayang pagbabalik! :)

Unknown said...

hi there,

thanks for the comment

you can sign up here,

http://www.mylot.com/?ref=catycat1985

ill help u after you sign up

thanks

Tsina said...

Basta magsulat ka lang nang magsulat, okay? =p

Jag said...

Malupit tlga ang bangis ng kalikasan kaya kug hindi pa huli ang lahat sana alagaan natin to...

Sendo said...

T_T nagwa-once a month posting ka naman eh. gusto ko ibang kulay naman ng brip..LOL haha.

definella said...

Bripmongtutong hehe..
Ngayon pa lang marami na,what more sa 2012. Hala....

:D