Wednesday, August 3, 2011

Luha sa Likod ng Maskara

Tumatayo sa inyong harapan para kayo'y pasayahin,
Nagbibigay ng ngiti at saya sa bawat entabladong madilim,
Pansamantalang aalisin ang pighating bumabalot sa inyong damdamin,
Papalitan ng ligaya sa pamamagitan ng walang katumbas na paggiling.

Baling dito, Lingon doon... walang patid na pagtitig,
Silip dito, Haplos doon... walang humpay na pagkabig,
Walang ibang ginagawa kundi sa inyo'y magpayanig,
Walang ibang inaatupag kundi gumiling sa lapat ng sahig.

Sa bawat butil ng pawis, panlalamig na nadarama,
Sa bawat pag-apak sa entabladong mala-impyerno ang musika,
Sa bawat pagpatak ng luha na tila di na makita,
Bumabalik ang nakaraang binabalot ng pasakit at pagdurusa.

Hindi lingid sa karamihan ang tunay kong katauhan,
Pagkat maskara ko lamang ang kanilang nababanaagan,
Ako nga pala si Cassandra, ang kilalang lalakeng operada,
Na nakukuha ring lumuha dulot ng pait na aking dinadala.


*Ito ay tugon sa hamon ni Iya na hindi operada :d

34 comments:

The Gasoline Dude said...

BEST ENTRY SO FAR! WOOT!

hArTLeSsChiq said...

hahaha talagang mahal na mahal mo si Cassandra ano??

Maganda ang pagkakasulat! Astig!

J. Kulisap said...

Laging nagtatanghal si Cassandra sa mga patimpalak.

Espesyal si Cassandra sapagkat inaalipin ang malikhain mong isip.

Hindi maitatanggi na may isang aapaw, may isang natatangi.

Malamang si Cassandra, ang luha ng aliw..aliw na paimbabaw.

EngrMoks said...

kaw na ang Panalo!
Galeng pre! ANg angas mo! lol

bulakbolero.sg said...

talaga namang sa ganitong mga bagay...

taga-bundok said...

Si Cassandra, sa tingin ko matagal pa bago maubos ang luha niya. Hanggat nasa ibabaw siya ng tabla at nagbibigay saya sa iba, lalo lang siyang nalulunod sa luha.

joeyvelunta said...

Ahahaha buhay ulit si Cassandra.

Gusto kong makita itong Cassandra na ito na nagdodouble steps wahahaha.
Sana may tattoo rin syang ahas kagaya ni Mama Karing

mommy-razz said...

galing!! Good Luck din sau..:))

iya_khin said...

sino ba talaga si Cassandra?! hmmmm....

naantig ang puso ko kay Cassandra..pero may choice naman sya para gawin at piliin ang tama.....yun lang bow...

lels ka sa operada! hahaha! orig na orig 'to no! hahaha!

krn said...

Future baby mo ang name Cassandra, right? XD

khantotantra said...

bat andami nio na ata entry?

ayan ulit si cassandra. :p

dwizzt said...

ha! ayooosss! :D

pupsicle said...

ganda... galing..

maharuth said...

NICE

nOObTek said...

ikaw na

~ JaY RuLEZ ~ said...

landi hahaha


ang galing galing,andito naman si cassandra!ahihihi

palakanton said...

star tlaga si cassandra ah at tlgang memorable xa, pero ang galing ng pagkakatagni-tagni ng mga tula, hand salute sir!

Pong said...

hahaha ang pamosong si cassandra
nice one ser MD, ikaw na!
magaling ang pagkakahabi ng tula.
be blessed ser!

Bino said...

isa sa pinakamagandang entry na aking nabasa para sa patimpalak ni iyah

KikomaxXx said...

hahaha nagbabalik si cassandra.. hehehe

Arvin U. de la Peña said...

Good luck sa entry mong ito.........

Diamond R said...

Napanganga lang ako. Ang gagaling ninyo.

Keatondrunk said...

ayos, goodluck sa contest!

SiNuSiMuMaY said...

damang-dama!!! ayun na!! clap clap clap!!! :)

Dhianz said...

galing ahh... lavet! =)

ingatz.. Godbless!

Jewel Clicks said...

Wow! Isa sa mga paborito kong entry sa page mo. Si Cassandra ulit. Minsan napapaisip na ako kung totoo talaga si Cassandra. :D

jewelclicks.blogspot.com

Sey said...

Panigurado mahihirapan si Iya. good luck sa lahat.

Recha Seprina said...

What Is It..?

uniqdrive said...

kiss u guys ^^

Christian Tadeo said...

napakatalinhaga. pavisit din sakin http://literasura.blogspot.com

GIDT said...

hi, visit back me
Gratis Ilmu Dan Teknologi

BlogS of Hariyanto said...

nice share post :) i like this blog

Firdaus45.Blog said...

kiss here today ^_^

kiss me back please

Mharliz said...

Gusto kong maging friend si Cassandra ah... hehe!

Ang galing talaga ng gwapong driver oh... woot!