Alas diyes na ng hatinggabi nang dumating si Angie sa aming tagpuan.
Bitbit ang isang sisidlang puno ng pag-asa at pangamba makatakas lamang sa bigat ng kanyang dinadala. Dalawang taon at pitong buwan na din naming itinatago ang aming relasyon sa kanyang pamilya, at dalawang buwan pa lamang ang nakakalipas mula ng akin siyang ma DON Selya. Hindi bagkos maisip ng aking murang kaisipan na magagawa namin ni Angie ang mga bagay na yaon, At lalong hindi ko lubos maisip na sa edad na kinse anyos ay pagkakalooban ako ng responsebilidad at ng isang napakatinding hamon. Nagdalang tao si Angie kahit pa isang beses lamang naming ginawa ang aming makamundong pagnanasa, sa ganda ng hubog ng katawan niya ay tila natatakot akong lumobo ang kanyang tiyan at siya'y tuluyan ng masira at malosyang.
Dulot ng isang murang kautakan ay naisip kong ipalaglag na lamang ang kanyang dinadala, Inaamin ko, natakot ako... Takot sa napakalaking pagsubok na nagbabadya sa oras na may ibang makaalam ng kanyang dinadala. Takot sa pamilyang nagpalaki at nag-aruga sa kanya.
Subalit may isang pangyayaring nagpabago ng aking desisyon. Tandang tanda ko pa ang biglang pagbuhos ng napakalakas na ulan kaagapay ang nagtatalimang kulog at kidlat. Ang simpleng pagtingin ko sa itaas ay pumukaw sa bigat ng aking nararamdaman. Napaisip ako at kasabay noon ang pag-agos ng aking luha na di alintana ang anoman.
Doon pumasok sa aming isipan ang pagtitipan at magsama sa lugar na kung saan ay wala ni isa na sa ami'y nakakakilala. Maraming problema ang sumubok sa aming pagsasama, subalit makalipas lamang ang pito pang buwan ay isinilang na ni Angie ang aming anghel. Napakagandang lalaki at kitang kita sa mala-kutis artista niyang balat kung kanino talaga sya nagmana. Alam ko, gwapo ako, pero mas nahahawig sya sa kanyang Ina. At dito na namin nasubaybayan ang patuloy na pagtaas ng aming anak.
Ito ang kwento ng buhay namin ni Maria Angelina Dimababa o mas kilala sa tawag na Angie, at ng aming anak na si Gas na may tunay na pangalang GASOLINA Dimababa. Hinabi namin ang kanyang pangalan gamit ang pinagsamang pangalan namin ni Angie.
Gary Solomon Dimababa
Tigapagsalaysay
* Ito ang aking lahok sa patimpalak ni GASDUDE.
16 comments:
Gas..... naks. iba din ang entry mo. :D
ganda ng entry! daming twist :D
gudluck pre! kakaiba rin twiat ng atory mo>
Hello,
Visit you, enjoy!
Good luck sa entry mong ito
Ganda ng entry mo, hindi lang basta may kinalaman sa gasolina, meron din siyang moral lesson. Good luck :)
Hello my friend...I am here..
ay alam na.. :)
goodluck :)
Ibang level MD! :)
Happy Holidays!
Jewel Clicks
Good luck sa entry.. Happy holidays everyone...
nice post friend and supoort to you
support comment me back
Interesting article, I am pleased to read it until they run out. I am looking forward to visit my friend behind my blog & join the followers. Thank you.
good luck sa entry mong ito.....
After more than a month of reading and putting scores on each entry, FINALLY! Check my blog for the list of winners. Salamat sa paglahok at pagsuporta sa aking munting patimpalak. :)
nice entry dude! Sa next year ulit! :)
Post a Comment