Nang una kitang makita ay nagiisa ka lamang at walang ibang kasama. Nakasakay sa mumunting bisikleta at tanging ang halimuyak mo ang siyang nagiging sandata laban sa iba. Natatakot akong lapitan ka dahil baka hindi ko mapigilan ang aking sarili, napaka-hot kasi ng dating mo at parang ang sarap sarap mo pa. Subalit kailangan kong tiisin ang aking nararamdaman. Hindi ako dapat magpatalo sa pagkahayok ng aking lalamunan.
Sa isip isip ko lamang ay masasayang lamang ang aking paghahanda sa nalalapit na okasyon kung ikaw ay aking papatulan. Buti na lamang at nasa matinong pagiisip ako ng mga panahong iyon, paano na lamang kung ako ay nakainom at lasing? panigurado kong hindi ko makokontrol ang aking sarili.
Subalit tila tinutukso ako ng pagkakataon. Makalipas lamang ang ilang araw ay muli na naman akong nadaan sa iyong kinalulugaran. Iba na ang sitwasyon sa ngayun. Marami na kayong magkakasama at tila nakahilera na parang may inaabangan gyera ang bawat isa. Magkakaiba ang inyong diskarte. May isa na ang ibinibida ay ang kanyang kakaibang katas at lasa. Mayroon namang ang pakulo ay tipong uulit ulitin mo pa. Pero nananatiling ikaw ang kakaiba, ang iyong postura, halimuyak at mapang-akit na init ang siyang namumukod tangi sa aking panlasa. At bigla na lamang may kung anong bagay ang syang naglaro sa aking isipan.. May kung sinong parang bumubulong sa akin at sinasabing masarap ka at HOT na HOT. Dali dali akong tumingin sa aking likuran subalit wala naman, Bigla akong tumingin sa aking kanan subalit wala pa din... Nanlalamaig ako.. Kinakabahan.. dug dug.. dug dug... dug dug.. mabilis na tibok ng aking puso. Sino sya??? Tanong ko sa sarili ko.. Pero di ko na lang pinansin dahil di naman tungkol dun ang kwento ko. Mabalik ako sa istorya ng aking buhay.
Naexcite ako. Ang aking mga labi ay tila nanuyot at parang gustong sabihin na eto na ako at handang isakripisyo ang aking kalusugan para lamang matikman ka. Aaaahhhh... Aaaaahhhh... Ang Sarap mo... Ang sarap mo..... Ito ang mga katagang lumalabas sa aking bibig..
Handa na kitang kainin, handa ko ng higupin ang mainit mong sabaw. Mami, akin ka ng titikman. Aw
Tuesday, November 30, 2010
Thursday, November 18, 2010
BASAGAN ng TRIP
Trip ni:
MiDniGHt DriVer
Litrato dampot dito!
********************
Kahapon magkasama kami ng FW ko.. nagkakapikunan na kami dahil sa asaran.. kaya naman bumanat ako ng isang napaka lupit na joke..
MD: NAknak
FW: husDer?
MD: AKo KUne...
FW: haaaayyy..wala bang bago? alam ko na yan.. tsk tsk.. Ang corny mo talaga...
ako na nga lang..
MD: Ok.. ang angas mo talaga...
FW: nakNak
MD: husDer?
FW: EPAL..
MD: EPAL hu?
FW: U... hahahahaha( tawang nakakainis)
walangya talaga.. lakas mambasag.. Ganyan sya ka-sweet.
Wednesday, November 10, 2010
NOSTALGIA
Trip ni:
MiDniGHt DriVer
1
2
3
4
5
6
7
8
...................... 50!
Eto na...
Eto na...
Etooo naaaaaaaaa...
wwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh!
Limampung araw na lamang at ang driver ay magkakaroon na ng sariling sidecar! (mula ng kanyang kabataan ay hindi pa siya nakararanas na magka-sidecar). Magkahalong kaba at saya ang kanyang nararamdaman.
Limampung araw na lamang at kakaharapin na ng Driver ang magsisilbing isa sa pinakamalaking hamon ng kanyang buhay. Kinakailangan nyang pangalagaan ang sidecar at ang mga nakasakay dito.
Limampung araw na lamang at mababawasan na ang oras ng driver sa ibat ibang mga pinagkakalibangan nung sya ay wala pang sidekar sapagkat ang oras nya ay matutuon na sa pagaayos ng kanyang sariling pyesa.
Limampung araw na lamang at hindi na SINGLE ang DRIVER!
Nota: Wag na kayong magtanong kung bakit Nostalgia ang titulo ng posteng ito. Wala syang kinalaman dito, nakita ko lamang yan sa t-shirt nung mama kaninang umaga. Yun lang yun ok! :)
Thursday, November 4, 2010
Isang minuto lang! Solve na ako!
Trip ni:
MiDniGHt DriVer
Ikaw ba ay nakaaangat sa buhay at nais na makapagbigay kulay sa kinabukasan ng mga batang mag-aaral?
Ikaw ba ay may sapat na kalinangan para maging inspirasyon sa mga kabataang nangangailangan?
O ikaw ba ay naging simbolo na ng tunay na kadakilaan?
Kung OO man oh Hinde ang Sagot nyo! Please, basahin nyo to. :)
Ang "Isang minutong smile" ay isang magandang daan,
Para mabigyang katuparan ang hiling ng mga estudyanteng nangangailangan,
Hindi naman siguro mabigat kung magbabahagi tayo ng kahit na ano lamang,
Na maaaring makapagbigay kulay at Ngiti para pansamantalang maibsan ang kanilang kalungkutan.
Nang malaman ko ang adbokasyang ito ay hindi na nagdalawang isip pa,
Nagmadali ako at inalam kung paano makatutulong sa kanila,
Dahil noon pa man ay ninais ko ng makapagbigay ng kahit na kaunting ligaya,
Sa mga mag-aaral na kapos at nangangailangan ng sapat na suporta.
Wala man akong labis na yaman para makapagpaaral ng ilan sa kanila,
Oh makapagbigay uniporme at mga maaaring gamit pang-eskwela,
Pero alam ko sa sarili ko na maaaring makatulong ang simpleng likhang ito,
Para maging inspirasyon at basehan ng mga taong gustong maging mabuting ehemplo.
Hinihiling namin ang inyong pakikiisa,
At sana'y maging bahagi kayo ng isang dakilang adbokasya,
Makapagbigay ng karampatang ngiti at ligaya sa darating na pasko,
At maging magandang halimbawa sa pagiging isang mabuting Pilipino.
Sa December 8 na ang Smile Day. Ang tangi naming nais ay makapagbigay ngiti sa mga piling mag-aaral sa pamamagitan ng "Isang minutong Smile"Advocacy sa pamumuno ng mga batikang manunulat.
Kung nais nyong magbigay ng tulong pinansyal, o donasyong gamit pang-eskwela, dito nyo lang po sila puntahan isangminutongsmile@yahoo.com.
Maraming salamat po!
Subscribe to:
Posts (Atom)