Tuesday, November 30, 2010

HOT na HOT

Nang una kitang makita ay nagiisa ka lamang at walang ibang kasama. Nakasakay sa mumunting bisikleta at tanging ang halimuyak mo ang siyang nagiging sandata laban sa iba. Natatakot akong lapitan ka dahil baka hindi ko mapigilan ang aking sarili, napaka-hot kasi ng dating mo at parang ang sarap sarap mo pa. Subalit kailangan kong tiisin ang aking nararamdaman. Hindi ako dapat magpatalo sa pagkahayok ng aking lalamunan.

Sa isip isip ko lamang ay masasayang lamang ang aking paghahanda sa nalalapit na okasyon kung ikaw ay aking papatulan. Buti na lamang at nasa matinong pagiisip ako ng mga panahong iyon, paano na lamang kung ako ay nakainom at lasing? panigurado kong hindi ko makokontrol ang aking sarili.

Subalit tila tinutukso ako ng pagkakataon. Makalipas lamang ang ilang araw ay muli na naman akong nadaan sa iyong kinalulugaran. Iba na ang sitwasyon sa ngayun. Marami na kayong magkakasama at tila nakahilera na parang may inaabangan gyera ang bawat isa. Magkakaiba ang inyong diskarte. May isa na ang ibinibida ay ang kanyang kakaibang katas at lasa. Mayroon namang ang pakulo ay tipong uulit ulitin mo pa. Pero nananatiling ikaw ang kakaiba, ang iyong postura, halimuyak at mapang-akit na init ang siyang namumukod tangi sa aking panlasa. At bigla na lamang may kung anong bagay ang syang naglaro sa aking isipan.. May kung sinong parang bumubulong sa akin at sinasabing masarap ka at HOT na HOT. Dali dali akong tumingin sa aking likuran subalit wala naman, Bigla akong tumingin sa aking kanan subalit wala pa din... Nanlalamaig ako.. Kinakabahan.. dug dug.. dug dug... dug dug.. mabilis na tibok ng aking puso. Sino sya??? Tanong ko sa sarili ko.. Pero di ko na lang pinansin dahil di naman tungkol dun ang kwento ko. Mabalik ako sa istorya ng aking buhay.

Naexcite ako. Ang aking mga labi ay tila nanuyot at parang gustong sabihin na eto na ako at handang isakripisyo ang aking kalusugan para lamang matikman ka. Aaaahhhh... Aaaaahhhh... Ang Sarap mo... Ang sarap mo..... Ito ang mga katagang lumalabas sa aking bibig..

Handa na kitang kainin, handa ko ng higupin ang mainit mong sabaw. Mami, akin ka ng titikman. Aw

20 comments:

khantotantra said...

wow. mami pala iyon. grabe ha....

Xprosaic said...

Yun oh! sarap niyan! hehehehehehehe...siguradong tagaktak ka ng pawis pagkatapos at hingal hingal pa minsan.... hehehehehehe

KikomaxXx said...

hahaha ang bastos ko talaga... mami lang pala kalo ko kanton... wahehahe

you know my name said...

lakas ng trip lol.. nacoconfuse ako e, yung mami ba na yan ay name ng tao o pagkain??lol

sikoletlover said...

aytot pandesal :D

MaginoongBulakenyo said...

Are you sure mami yan? Echosera.. Iba kasi na isip ko? PILYO!

The Gasoline Dude said...

Adik! Haha. Pero maganda ang pagkakasulat kahit medyo gasgas ang ending.

salbehe said...

Kung ito ay confession ng iyong honest to goodness true love, pinakilig mo ako. Hahaha!

Axl Powerhouse Production Inc, said...

ank ng tinapa oh.. kala ko babae na.. sa unag salita ng pangungusap hehe.. isang masarap na pagkain pala hehehe :D

E•M•O•T•E•R•A said...

Ang dami kong naisip nung sinabi mong HOT sa umpisa. Pero lalo akong nagutom nung sinabi mo na MAMI! :))

Ingat! :)

EMOTERA

kuri said...

as usual kalibian na naman!

definella said...

tama, masarap nga yan, lalo na ngayong maulan.. hmmmmn...

definella said...

tama, masarap nga yan, lalo na ngayong maulan.. hmmmmn...

MOKS™ said...

Bwiset! okay na nga sana ang kwento ehhh, ginaganahan na nga ako ehhh....
Hahahha! Nagutom lang ako...

Biyaheng Pinoy said...

Please vote for Biyaheng Pinoy for the 2010 Bloggers Choice Awards category. You must have your own blog to vote. Please click the link below and read the instruction on how to vote. Awards night will be next week, December 12, Sunday. So we appreciate if you vote us very soon. :) Thank you.

PS. You will need to register in the Philippine Blog Awards website so you can leave a link/comment so they can count your vote as valid.

http://www.philippineblogawards.com.ph/2010/12/02/voting-for-the-2010-bloggers-choice-award-is-now-open/

Ellen ♥ said...

hot hot hot MAMI. so funny!

ellenreviews.blogspot.com

Diamond R said...

ang mami vow.

Traveliztera said...

Akala ko nga puto bumbong e hahahhaha

Ester Yaje said...

wooh. ang HOT lang talaga

HaLoJiN said...

magandang umaga kuya midnight driver.. Kakatuwa naman yung idea ng post nadale ako dun ah.. Hehe dumi ng isip ko hehe.. Un lang pala ung hot na hot na yun. Masarap naman yun! Ka gutom lalo na pag umaga at maulan hehe..

-halojin

sensya na kuya m.drvr now lang nka dalaw kasi busy s report po.