Thursday, November 4, 2010

Isang minuto lang! Solve na ako!

Ikaw ba ay nakaaangat sa buhay at nais na makapagbigay kulay sa kinabukasan ng mga batang mag-aaral?

Ikaw ba ay may sapat na kalinangan para maging inspirasyon sa mga kabataang nangangailangan?

O ikaw ba ay naging simbolo na ng tunay na kadakilaan?

Kung OO man oh Hinde ang Sagot nyo! Please, basahin nyo to. :)



Ang "Isang minutong smile" ay isang magandang daan,
Para mabigyang katuparan ang hiling ng mga estudyanteng nangangailangan,
Hindi naman siguro mabigat kung magbabahagi tayo ng kahit na ano lamang,
Na maaaring makapagbigay kulay at Ngiti para pansamantalang maibsan ang kanilang kalungkutan.

Nang malaman ko ang adbokasyang ito ay hindi na nagdalawang isip pa,
Nagmadali ako at inalam kung paano makatutulong sa kanila,
Dahil noon pa man ay ninais ko ng makapagbigay ng kahit na kaunting ligaya,
Sa mga mag-aaral na kapos at nangangailangan ng sapat na suporta.

Wala man akong labis na yaman para makapagpaaral ng ilan sa kanila,
Oh makapagbigay uniporme at mga maaaring gamit pang-eskwela,
Pero alam ko sa sarili ko na maaaring makatulong ang simpleng likhang ito,
Para maging inspirasyon at basehan ng mga taong gustong maging mabuting ehemplo.

Hinihiling namin ang inyong pakikiisa,
At sana'y maging bahagi kayo ng isang dakilang adbokasya,
Makapagbigay ng karampatang ngiti at ligaya sa darating na pasko,
At maging magandang halimbawa sa pagiging isang mabuting Pilipino.


Sa December 8 na ang Smile Day. Ang tangi naming nais ay makapagbigay ngiti sa mga piling mag-aaral sa pamamagitan ng "Isang minutong Smile"Advocacy sa pamumuno ng mga batikang manunulat.

Kung nais nyong magbigay ng tulong pinansyal, o donasyong gamit pang-eskwela, dito nyo lang po sila puntahan isangminutongsmile@yahoo.com.

Maraming salamat po!

18 comments:

2ngaw said...

Wow!Thanks naman po dito, sana'y marami pang gumawa ng entry para maipakalat natin ang Isang Minutong SMILE gaya nuong nakaraang taon :)

2ngaw said...

at di ako sang ayon sa batikang manunulat lolzzz

Madz said...

nice. ikaw na ikaw na...hahaha

eMPi said...

Salamat MD.

from IMS. volunteer empi. :D

EngrMoks said...

susuporta ako kasma ang asawa ko..gusto naming makapagbigay ng ngiti... :)

khantotantra said...

give smile. ipakalat na ang pagbigay tulong :D

Trainer Y said...

super super thank you for this MD...

lets hope we'll be able to give smiles to children this december!

Godblessyou

Xprosaic said...

Wohoo! meron ulit this year... sige sige sisikapin kong magsipilyo muna bago ngumiti at magpapicture... hehehehheheh

Axl Powerhouse Network said...

wow so nice... galing .. clap clap ":D

Dhianz said...

kuya MD... hanghaba.. inaantokz akoh... pwedeng SMILE na lang akoh... hep hep hooray... lolz... ingatz kuya MD... nakikuya eh noh... ingatz.. Godbless!

Anonymous said...

parang Smile Therapy ... weeeee... malaking smile...

halojin said...

naka ngiti na ako ka gabi dun sa post ni batanggala pero ngingiti pa rin ako.. -halojin

darklady said...

^___________^

glentot said...

Hihi nahila ka rin ni Kuya Lord!!!

Anonymous said...

ssmile na lang muna ko. balaak ko sana sumale don sa picture na may smile.. kaso, sungkiin ako eh. lol

eto na lang muna :)

Traveliztera said...

Napakagandang advocacy! :)

Diamond R said...

we will support this to give a smile.
thanks

Diamond R said...

we will support this to give a smile.
thanks