HULI man daw at magaling, PAg si MD ang nagsulat, SHit.. nakakapraning!
Maligayang araw ng mga puso sa inyong lahat :)
OO na.. alam ko..., late na ang post na to, Eh ano ngayun? Sa ito ang trip ko eh..
Para sakin kasi, dapat lagi na lang araw ng mga puso.. Sana talaga.. sana...
Kung pwede lang sana diba?
Kaya lang.. U know (vitwater), hindi pwede yun, at hinding hindi pwedeng mangyari yun...
U know y? here's y.. lol
Unang una sa lahat kasi, Masyadong magastos: Hindi naman dahil sa tinitipid mo ang mahal mo, pero parang ganun na nga.! (inassume ko lang dito na, pag valentines day, nagdedeyt yung mga couple, baka kasi sabihin nyo na pwede namang magdiwang ng walang gastos. soplahin nyo pa ko.. hehe.. u know naman kaming mga lalaking Pinoy ^_^ and isa pa assumer ako) :)
Second, Sobrang Trapik: As in! Paano ba naman hindi magiging trapik, bukod sa puno ng mga sasakyan ang sangkalsadahan eh napakadami pang barubal magmaneho, alam mo yun.. yung mga driver na bigla na lang lumiliko..
Tama ka!
Masyadong madami ang nagpupunta sa biglang liko! hindi ko na pinahaba.
Third, Mahihirapan ang Gobyerno: Pano naging??? kasi, mahihirapan i-control ang Population natin, panigurado, maya't maya, may nagagawang bata :)
And last, Masakit sa kamay: Bakit kamo? Tanungin mo ko dali.... Kasi daw, yung mga bloggers, ang gusto nila sulat kamay ang ipapadala mo sa kanila na valentines greetings, hindi pwedeng computerized oh kahit ano pa.. Mas sweet nga naman diba? kaya ayun, laspag yung kamay ko, yun nga lang, hindi ko lahat napadala sa kanila kasi masyado akong naging busy nitong mga nakakaraang araw, at nasira pa yung cam ko, pasensya na ha.. :(.. pero naigawa ko naman kayo ng sulat, promise..., hindi nga lang ninyo nakita. :)
PS: Seryoso ako, sana lagi na lang araw ng mga puso, para mas mamayani ang pagmamahalan sa bawat tao sa mundo. Haaayyy..
TRIVIA: Anong kinalaman ng titulo sa post ko?
Read... my... lips...
Nabasa mo? hindi pa din.. yaiks...
Suot ko to nung Valentines Day
40 comments:
base!
hahaha. masakit nga sa kamay kung isusulat kamay ang mga sulat :D
at tama, hirap na ang gov. para sa population control. at dadami ang mahihirap na magsasabing naghihirap sila pero di sila hirap bumuo ng baby.:D
pa-add po ako sa blogroll. gumagana na yung url ko. :D
bwahaha!!!
SAKEN YELLOW!!! nyahaha adik ka talaga!!!
HAppy hearts day Jhakie!!!
Sana nga araw araw Vday!!
sana'y pagibig nalang ang isipin ng bawat isa sa mundo..
>>napakanta ka noh??
>> PS:
na miss ko dito ^_^
Tama! mamumulubi ang lahat ng kalalakihan kapag araw araw valentines... hehehhehehhe
Ikaw na ang nagsusuot ng pula sa balemtimes... hehehhehehe
ok lang araw araw balentayms, magsasawa din yan magtirahan araw-araw :D
black lang kasi lahat ng kulay ng brief ko eh, sayang :D
maligayang araw ng mga puso MD! pano kung everyday valentines day, ed di everyday din ganon ang brip mo?ehehehe
hahahaha ikaw na naka red na brip!! hahaha. ang haba ng pila sa sogo siguro. hahaha.
tae sa red na brip...puhahhhaa
ok pumunta k din ba dun sa biglang liko???
and magkakababy n ba kau bago matapos ang taon????
yun lang hahaha
pinangalandakan pa taalaga...^_^ ikaw na ang namumula nung balentayms... LOL
natawa ko sa title haha.. kung araw araw eh araw ng mga puso, araw araw din kulay ng brief mo e red.. pedeng pinapalitan o pedeng wala ng labahan o pedeng wala ng palitan. side a side b lang hehehe... yayaman ang lahat ng may ari ng motel at Inn..
belated happy valtentine's sir.. :)
hangbaboy. lol.
happyvday.
nung una hindi ko naintindihan yun title naka tatlong beses ko ata inulit hehehe.. natawa ako dun sa masakit sa kamay.. kakasulat ng greetings.. hihihi..
may iba pang masakit sa kamay maliban sa pagsusulat ng card hehehe
red talaga... lols
Aba, pareho kayo ng sabi ni CM tungkol sa pagiging araw-araw dapat ng balentayms. Ang tanong, sino nangopya sa inyo? hahahaha! Mamaya paaminin ko rin si CM kung sino hihihi
Salamat sa pagbisita sa blog ko.
P.S.
Di ako maka-get over dun sa red brief hahaha!
hahahha yan din suot ko last feb14...gayagaya hehehe
beeep beeep!! makikiraan po!
bon
BIRPKORED..... slow down school zone... lol...
hah
hahah
hahaha. QUOTA NA...NEXT! :p
happy Vday pare, musta putukan, i mean celebration???
o ikaw na ang pula ang brip nung lunes! haha adek!
sasagutin ko 'to ng isang blog post din haha :p
bripmored?! edible ba yan?!! eeewwww! hahaha
di nga pweding maging valentines araw araw .Laking problema ito.
Happy valentines na lang sa inyong dalawa.Di ko masyadong napansin yong title ng post mo na ito.dito lang sa mga comments. kaya maganda ring magbasa ng mga comento.Saka ko binalikan yon na.
hahaha soo kailangan red ang brip?aliw!anyway..kapag pinanganak ka ng november or late october alam na kung kelan ka ginawa hehehe
naging red na ang brief kasi nakurot ni misis..late na umuwi kagabi. Lol!
hahaha! sige everytime valentines para everyday BRIPMORED! okay! Valid ang mga reasons mo kung bakit hindi pwedeng everytime ay valentines....tama na yung one day lang!
hahaha.. walang connect ang title sa post.. hahaa... asus aminin na kasing nagdate kayo ni misis.. yun lang ok s na... hahaha
ahaha eww red... kung magiging araw araw Valentines, hindi na sya magiging special... pero magandang idea nga yun para araw araw romantic
ako na slow. akala ko yung brip mo cord lang :P
belated 'pibalentayms boi :D
Iniisip ko bakit masakit sa kamay samantalang may asawa ka.. yun pala dahil sa sulat kamay. Hmmm.. ewan ko kung maniniwala ako. :)
haha..seriously natawa ako...dahil sa pagkabasa ko BRIPKORD.....hahahha...natawa ako nung sinabi mo read my lips..BRIP KO RED...ok whatever haha
agree ako na sana araw araw valentine's day...un bang magmahalan lang kahit wala yung first second and third sa post mo hehehe...kasi ang hirap kung me ganun..^^
kasali ba ako sa mga ginawan mo ng sulat? ahw haha
peborit mo ang red ano???
y gusto mo lage balentayns?
para,...?lol
gandang araw MD.
nasira siguro cam mo kasi sa kapipicture ng .....................kahit ano,hehe..
kaya pala matagal nawala ehh heheh
baka naman yang brip eh white talaga naging red lang. awe
nasan na po yung dwende?
kung everyday "ang araw ng mga puso", nku po bka kcng dami n ng buhangin ang populasyon ng pilipinas at pwede ng ipasok s book of records.. Oo nga parehas taung laspag ang kamay, kc mhilig akong gumawa ng handmade cards bigatin dw ang dating..
BRIP MO RED!! KAW NA MAY RED NA BRIEF!!! PARANG NYTIES LANG HA HAHAHAHA
makabili nga rin ng red na brip. nakakainspire. wahahahah
Brip mo red! :D MD, hindi naman magastos ang araw ng mga puso. nasa inyong dalawa yun paano kau magcecelebrate. kung maluho ang bf/gf talagang magastos. pero kung simple lang at presence at simpleng mga kachar-charan lang eh oks yun. :D [sineryoso?!] hahaha! kasi hindi ko naman din feel ang v-day. :D kaya ikaw na ang may brief na red. :D iniisip ko anong itsura yun? hindi kaya binabad mo yan sa jobus? haha XD
akala ko bagong vocabulary lng hahaha adeeeek!
belated parekoy!
Hahaha. Hindi ko agad gets. Ang slow. Belated pala. =p
Post a Comment