Hindi ko alam kung saan at paano ko uumpisahan,
Ang isang akdang may kinalaman sa laruan,
Yun ay dahil sa alaalang matagal ng gustong malimutan,
Hapdi, kirot at sakit na bumalot sa aking masaklap na kabataan.
ROBOT, na aking itinuring na parang isang bangungot...
Iminulat sa paniniwalang, isang laruang walang kwenta't nakakabagot,
Mas nakakaenganyo pa daw, lilik, pala at salakot,
Sabay yuyuko sa putikang may kaagapay na matinding takot.
Kotyeng debaterya, walang angas at kay bagal bagal pa...
Yun ang sabi ni Ama, na may kasama pang pagbibida...
Di hamak na mabilis daw, karitong tulak tulak namin ni Ina,
Sabay naming sinisigaw, bote... dyaryo at garapa,
Kailan ko lamang naunawaan, ang siyang tunay nilang dahilan,
Di lang pala maintindihan ng dating musmos pang kaisipan,
Ang sakit nilang nararamdaman kapag ako'y di mapatahan,
Daig pa ang mga pusong sinusugatan ng dahan dahan.
Ngayun ngang alam ko na, ang naging pagkakaiba,
Nang aking pinagdaanan kumpara sa iba,
Di ko na sasayangin pa mga karanasan at alaala,
Na dulot ng kahapong ipinagkaloob ni Ama't Ina.
Ito ay aking lahok para sa Saranggola Blog Awards 3.
19 comments:
wowowowowo.... may entry ka na sa tula. sana meron ka din sa maikling wento MD :D
ang ganda..... yun ang masasabi... buti ka pa may entry ka na...
copy paste.. lol.. ayos pre.. ganda.. boboto ko ung kay zyra... lol..
hehehe yown!
galing talaga ni kuya emerson --- salamat din nafacamot, vote us. pede naman madami :)
Hala ka sir kaya ka pala nananahimik dahil may niluluto.
Natitiyak ko ngayon, sa magiging anak ninyo ng iyong asawa ay magkakaroon sya ng masayang alaala ng kamusmusan.
wow maemong post, panalo sa panlasa ko! hala boboto na kita pati mga boboto sa akin sayo na! ahahahah!
di nga...maganda 'tong akda mo! ikaw na da-BEAST ka! :D
Go, MD! GO! :D
galing galing naman ! nakaka elibs :D
panalo ang tula! tagos naman sa laman to. ang galing pre!
good luck sa entry mong ito......maganda pagkakasulat mo....
wow! mejo iba ang approach pero super galing ng pagkakagawa...
good luck po!
ang galing gudluck sa atin parekoy... :)
ang galing mo talaga gumawa ng mga ganito.
aha! matapos ang matagal na pananahimik ni sir MD. Ikaw ay nagbalik dala ang maangas mong etry sa Kite awards. Meheheh. Lupet! Seryoso ito ah. Di halata sa kakulitan mo sir. hahaha
great blog and nice share post :)
happy visiting here my friend..beep beep beep :)
ayon ohhhh.,..may post na uli..
goodluck sa entry mo!magaling!
galing ah!
creative writer ka pala, goodluck sa entry
ang husay!!
Ang husay! Ang ganda ng gustong ipagtanto ng post na ito. Mahusay!
Post a Comment