Wednesday, June 6, 2012

KM3: TINIG (Huwad na Taong Grasa)


Oras na para lamunin ng dilim ang lansangan, hudya't na din ito ng matinding agam agam sa katahimikan. Ang hangad kong maibsan ang sikmurang kumakalam, dadaanin na lamang sa pag-awit at pagtulog sa kung saang lugar ako abutan. Hindi alintana ang mga insektong paborito akong pagpiyestahan. Mga ipis, langaw, lamok at langgam, sila sa akin ay nag-aagawan. Sa pagsikat ni haring araw kinabukasan, panibagong pagsubok na naman at pakikipagsapalaran sa daan ang siyang nag-aabang. Ito ang pang-araw araw na sirkulo ng aking buhay, tinatahak ang mga gabay ng guhit sa kalsada, nagbibilang ng mga sasakyang naguunahan at nagliliparan, nagmamasid ng mga matang hubad sa katotohanan.

Sabi nila, wala daw akong karapatang sumigaw, pero bakit sila'y tila may karapatang akong bulyawan?
Wala daw akong karapatang humusga, subalit mga kilos nila’y sapat na para ako’y panliitan.

Ni minsan ma’y hindi ko ninais na ako’y inyong kaawaan, hagisan ng barya saba’y biglang pandidirihan. Ngunit wala akong magawa kundi sumunod sa agos, magpatangay hanggang sa buhay ay malaos.

Walang mali sa aking pag-iisip. Wala akong karamdamang nakamamatay na magtutulak sa akin para sa lansangan ako’y mamuhay.
Lalong hindi ko prinoblema ang bayong at ang kwarta.

Aking tinitiis ang lahat ng ito, dahil sa takot kong mabunyag ang aking tunay na pagkatao.
Ito lamang kasi ang tanging nakikita kong paraan, para matakasan ang dilim na dulot ng aking nakaraan.

- Zandro

                                                                                                                                                                      
Si Zandro ay dating kilalang mamamahayag. Subalit lingid sa kaalaman ng karamihan siya din ang nasa likod ng sunod sunod na patayan sa kanilang bayan. Pinili nya na maging  isang Huwad na Taong Grasa, hindi dahil sa ginusto nya kundi para matakasan ang tinig ng hustisya... Tinakasan niya ang hustisya na hinihingi ng mga kaanak na ginawan niya ng kalokohan.

Ang tinig ay hindi basta boses na lumalabas sa bibig, o mga salitang naririnig. Ang tinig ay kung saan nararamdaman mo at nagkakaroon ka ng reyalisasyon sa mga bagay bagay na nagpapaikot sa mundo.

Ito ang aking TINIG, halikayo at maantig.

22 comments:

Axl Powerhouse Production Inc. said...

ang ganda.. mamamahayag ulit ang galing...

shyvixen said...

yey! mapagpanggap si Zandro... ngunit sino nga nman ang makakapagsabi ng katotohanan.. na tanging siya lang ang nakakaalam..

goodluck sir!..

Anonymous said...

mahusay sir Md.

naibubulalas ang nais na ipabatid sa papamagitan ng tinig na nagkubli sa likod ng kwento.

Galing!

Anonymous said...

magaling ang pagkakasulat. gusto kong magbasa ng mga ganito.

Banjo

http://walangmagawasibanjo.blogspot.com/

JH Alms said...

halimaw.. salamat dito, may napulot akong ideya para sa thesis ko tungkol sa mga taong-grasa.. galing.. good luck adre..

sa saliw ng awit said...

hello, nakiraan lang at nakibasa. short, sweet and compact ang iyong akda...^^

good luck sa patimpalak and regards. :)

Pala kanton said...

ang ganda ng pagkakasulat at isa n nman siya mamamahayag.
kawawa nga lang ang mga tinig na humihingi ng hustisya

Bino said...

short but precise

bagotilyo said...

naantig ako.... pramis :)

jhengpot said...

ang ganda ng daloy ng mga salita, napahanga nito po ako (pramis). mahusay! isa toh sa mga bet ko :) Goodluck po :)

tagapagmana ni Huseng Batute said...

isa lang ang masasabi ko.....uhmmmmmm...pak!

Arvin U. de la Peña said...

bilib ako dito sa sinulat mo...Kakaiba pala si Zandro...hindi halata na siya ay killer dahil taong grasa.....mahirap siyang mahuli....

J. Kulisap said...

Ang tinig ni Zandro o ang kuwento ni Zandro na iyong ibinahagi ay isang halimbawa ng tinig na mapangligaw sa mga naghahanap ng daan. Isang uri ito ng sulatin na pinapakita ang reyalisasyon na magpapaikot sa tinig na siyang pinaniniwalaan, ikubli man o ibunyag, ito ang maghuhugis ng kung anong tinig ang siyang mangibabaw sa buhay ng isang tao.

Maraming salamat sa pakikilahok at laging pagbibigay ng oras sa KM3.

:)

Inuk said...

I like this site theme

Lala said...

bumalik ako sa blog mo after ilang araw naging busy at sasakay ulit ako. hehehe good evening!!

Ãrif Ráhmán Hákim said...

Blogwalking, kunjungin juga yah http://ariiff-rahman.blogspot.com :D

Natasya Ong said...

Info yang berguna banget gan.... Lanjutkan terus dan salam sukses gan.......

Agen Poker
Judi Poker
Poker Online
Agen Domino
Bandar Domino
Agen Poker Online
Agen Poker Terpercaya
Poker Terpercaya
Bandar Domino Online
Taruhan Poker
Bandar Poker

Berita Bola
DOTA2
Kumpulan Bokep

Arvin U. de la Peña said...

Kumusta na..salamat sa pagiging bahagi sa walong taon ng blog ko..thank you....isa ka sa pinapasalamatan ko....

Happy 8 years......

Alya Adriana said...

Please Check Our New Products... Let's Join With www.sabungayam.news

septian agustin said...

CrownQQ | Agen Domino QQ | BandarQ | Domino99 Online Terbesar

Yang Merupakan Agen Bandarq, Domino 99, Dan Bandar Poker Online Terpercaya di asia hadir untuk anda semua dengan permainan permainan menarik dan bonus menarik untuk anda semua

Bonus yang di berikan CrownQQ :
* Bonus rollingan 0.5%,setiap minggunya
* Bonus Refferal 10% + 10%,seumur hidup
* Bonus Jackpot, yang dapat anda dapatkan dengan mudah

Games Yang di Hadirkan CrownQQ :
* Poker Online
* BandarQ
* Domino99
* Bandar Sakong
* Sakong
* Bandar66
* AduQ
* Sakong

Info Lebih lanjut Kunjungi :
Website : AGEN BANDARQ CrownQQ
BBM : 2B382398
FB : AgenCrownqq
Twitter : crown_qq

Agam Halim said...

Come On Join With Us Now !!! s1288 sabung ayam WA : +6281377055002 | BBM : D1A1E6DF | BOLAVITA

Arvin U. de la Peña said...

salamat sa pagiging bahagi ng blog ko sa 10 years...celebrating 10 years, Written Feelings....