Wednesday, June 6, 2012

KM3: TINIG (Huwad na Taong Grasa)


Oras na para lamunin ng dilim ang lansangan, hudya't na din ito ng matinding agam agam sa katahimikan. Ang hangad kong maibsan ang sikmurang kumakalam, dadaanin na lamang sa pag-awit at pagtulog sa kung saang lugar ako abutan. Hindi alintana ang mga insektong paborito akong pagpiyestahan. Mga ipis, langaw, lamok at langgam, sila sa akin ay nag-aagawan. Sa pagsikat ni haring araw kinabukasan, panibagong pagsubok na naman at pakikipagsapalaran sa daan ang siyang nag-aabang. Ito ang pang-araw araw na sirkulo ng aking buhay, tinatahak ang mga gabay ng guhit sa kalsada, nagbibilang ng mga sasakyang naguunahan at nagliliparan, nagmamasid ng mga matang hubad sa katotohanan.

Sabi nila, wala daw akong karapatang sumigaw, pero bakit sila'y tila may karapatang akong bulyawan?
Wala daw akong karapatang humusga, subalit mga kilos nila’y sapat na para ako’y panliitan.

Ni minsan ma’y hindi ko ninais na ako’y inyong kaawaan, hagisan ng barya saba’y biglang pandidirihan. Ngunit wala akong magawa kundi sumunod sa agos, magpatangay hanggang sa buhay ay malaos.

Walang mali sa aking pag-iisip. Wala akong karamdamang nakamamatay na magtutulak sa akin para sa lansangan ako’y mamuhay.
Lalong hindi ko prinoblema ang bayong at ang kwarta.

Aking tinitiis ang lahat ng ito, dahil sa takot kong mabunyag ang aking tunay na pagkatao.
Ito lamang kasi ang tanging nakikita kong paraan, para matakasan ang dilim na dulot ng aking nakaraan.

- Zandro

                                                                                                                                                                      
Si Zandro ay dating kilalang mamamahayag. Subalit lingid sa kaalaman ng karamihan siya din ang nasa likod ng sunod sunod na patayan sa kanilang bayan. Pinili nya na maging  isang Huwad na Taong Grasa, hindi dahil sa ginusto nya kundi para matakasan ang tinig ng hustisya... Tinakasan niya ang hustisya na hinihingi ng mga kaanak na ginawan niya ng kalokohan.

Ang tinig ay hindi basta boses na lumalabas sa bibig, o mga salitang naririnig. Ang tinig ay kung saan nararamdaman mo at nagkakaroon ka ng reyalisasyon sa mga bagay bagay na nagpapaikot sa mundo.

Ito ang aking TINIG, halikayo at maantig.

Friday, April 13, 2012

Ang Mamamahayag

 Wala akong sinayang na sandali..... Dali dali kong tinanggal ang balabal na nakabalot sa kanyang katawan.... mabilisan kong kinabig ang kanyang balakang patungo sa aking harapan...

"aaaaaaaaaaaayyyyyaaaayaaayyy"  pakilig na wika nya.... 

Napangiti na lamang ako, alam kong nagulat sya sa biglaan kong pag-aksyon. Ni wala kasi sa hinuha nya o ninuman na magagawa ko ang mga ganoong bagay gayong kilala ako bilang isang tahimik at huwarang empleyado sa aming kagawaran.

Ang bango mo talaga Annasaad ko. Walang sinumang lalaki ang hindi mahuhumaling sa iyo… 

Sabay kagat sa kanyang nagpupulahang mga labi kasabay ng paghagod sa kanyang likuran at pagsimsim ng bango sa kanyang buong katawan.

“Si Anna ay aking kasama sa kumpanyang pinapasukan.
Maganda si Anna, may kutis na parang artista, may mahabang buhok at bote ng sodang hubog ng katawan, kilalang mahusay na kritiko at dalubhasa sa larangan ng panitikan. Ngunit sa kabila ng lahat ng kanyang pinagpalang panlabas na kagandahan ay binabalot naman sya ng mala malignong kaugalian. Sapagkat kilaladin si Anna bilang mabagsik at mapang-abuso sa kanyang trabahong sinumpaan. Mapanlait ng kapwa  at mahilig mamahiya sa harap ng karamihan.”

Aaaaahhhhhhhhhhhh…. Ahhhhhhhhhhhhhhhhh…. halinghing ni Anna.
Ssssssssshhhhhhhhhhhh..... bulong ko sa kanya.
Wag kang masyadong maingay Anna, wag mo namang pahalata sa akin na sarap na sarap ka… haha.. pangako mabilis lang to. Ikaw din sige ka, baka mamaya may makarinig sa atin at bigla na lamang tayong batuhin ng kamatis at galunggong dito, pabirong banat ko sa kanya.

OO Zandro… OO… basta angkinin mo lang ako ha?… tugon ni Anna habang nababanaag ko ang sarap na nararamdaman nya sa pagtitig ko sa kanyang mukha at halinghing na nanggagaling mismo sa bibig nya.

OO Anna, aangkinin kita hanggang sa tuluyang tumirik ang ‘yong mga mata sa sarap na ipadarama ko sayo. Nakangising sambit ko. 

Aaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh, halinghing nya.

"Ako si Zandro, bukod sa pagiging huwarang empleyado, kilala rin ako bilang isang magaling na Pintor at Mamamahayag sa aming lugar. Minsan nading naituring na bayani ng makasagip ng batang muntikan ng malunod sa karagatan.
Sa kabila ng aking lantad na pagkatao ay nakukubli ang syang tunay kong pinagmulan.
Ako ay isang batang napagdamutan ng karangyaan, naulila sa edad na siyam.
Nakaranas ng ibat-ibang klaseng pang-aalipusta mula ng kabataan. 
Namuhay kaakibat lamang ang isang madilim na larawan ng aking nakaraan. 
Isang batang hindi man lang naranasan ang pakiramdam na magkaroon ng bagong laruan o makapagpalipad ng kahit na lumang saranggola man lamang kagaya ng ibang nilalang.
Nagpalipas ng oras sa lansangan sa halip na silid-aklatan ang syang naging tambayan."

Nagpatuloy pa ang mga maiinit na eksena sa pagitan naming dalawa ni Anna.
Labas dito, Pasok doon…
Labas dito, Pasok doon…
Labas dito, Pasok doon…
Paulit ulit na aksyon.
Pagulong gulong sa damuhang kinalulugaran.

"Aaahhhh… ahhhhh… ahhhhh.." 
Baaaakkkkkkkiiiiiittttttt Zannnnndrrrrrrrrroooooooooooooo??????? Bakiiitt?

Kasalanan nyong lahat ito. Kasalanan nyo!

Kinabukasan sa opisana, may iba’t ibang reaksyon ang mga trabahador.

Pareng Zandro, nabalitaan mo ba yung nangyari kay Ma’am Anna? Grabe no?
Ang dami daw saksak na inabot, parang may galit pa daw sa kanya yung gumawa nun sabi nung imbestigador. Walang puso. Tsk tsk

Habang ang iba naman ay tila naging masaya pa sa nangyari sa kawawang si Anna.

Buti nga sa kanya…!hmmmmp... sambit nung isa.

Sa wakas, may bago na naman akong mailalathala sa aming pahayagan.Magandang artikulo na naman to. :)

Tanging ang damuhan lamang at mga kulisap sa lugar na aking pinagdarausan ng kahayupan ang syang tunay na nakakaalam ng tunay kong katauhan.

Si Anna ay isa lamang sa mga babaeng naging biktima ko. Kung maganda ka na may di kanais nais na ugali. Malamang sa alamang, IKAW na ang ISUSUNOD ko.

Ito ay aking munting lahok para sa pakulong Bagsik ng panitik ng Damuhan.