Alas diyes na ng hatinggabi nang dumating si Angie sa aming tagpuan.
Bitbit ang isang sisidlang puno ng pag-asa at pangamba makatakas lamang sa bigat ng kanyang dinadala. Dalawang taon at pitong buwan na din naming itinatago ang aming relasyon sa kanyang pamilya, at dalawang buwan pa lamang ang nakakalipas mula ng akin siyang ma DON Selya. Hindi bagkos maisip ng aking murang kaisipan na magagawa namin ni Angie ang mga bagay na yaon, At lalong hindi ko lubos maisip na sa edad na kinse anyos ay pagkakalooban ako ng responsebilidad at ng isang napakatinding hamon. Nagdalang tao si Angie kahit pa isang beses lamang naming ginawa ang aming makamundong pagnanasa, sa ganda ng hubog ng katawan niya ay tila natatakot akong lumobo ang kanyang tiyan at siya'y tuluyan ng masira at malosyang.
Dulot ng isang murang kautakan ay naisip kong ipalaglag na lamang ang kanyang dinadala, Inaamin ko, natakot ako... Takot sa napakalaking pagsubok na nagbabadya sa oras na may ibang makaalam ng kanyang dinadala. Takot sa pamilyang nagpalaki at nag-aruga sa kanya.
Subalit may isang pangyayaring nagpabago ng aking desisyon. Tandang tanda ko pa ang biglang pagbuhos ng napakalakas na ulan kaagapay ang nagtatalimang kulog at kidlat. Ang simpleng pagtingin ko sa itaas ay pumukaw sa bigat ng aking nararamdaman. Napaisip ako at kasabay noon ang pag-agos ng aking luha na di alintana ang anoman.
Doon pumasok sa aming isipan ang pagtitipan at magsama sa lugar na kung saan ay wala ni isa na sa ami'y nakakakilala. Maraming problema ang sumubok sa aming pagsasama, subalit makalipas lamang ang pito pang buwan ay isinilang na ni Angie ang aming anghel. Napakagandang lalaki at kitang kita sa mala-kutis artista niyang balat kung kanino talaga sya nagmana. Alam ko, gwapo ako, pero mas nahahawig sya sa kanyang Ina. At dito na namin nasubaybayan ang patuloy na pagtaas ng aming anak.
Ito ang kwento ng buhay namin ni Maria Angelina Dimababa o mas kilala sa tawag na Angie, at ng aming anak na si Gas na may tunay na pangalang GASOLINA Dimababa. Hinabi namin ang kanyang pangalan gamit ang pinagsamang pangalan namin ni Angie.
Gary Solomon Dimababa
Tigapagsalaysay
* Ito ang aking lahok sa patimpalak ni GASDUDE.
Tuesday, December 20, 2011
Tuesday, October 25, 2011
Liparin ang Pangarap
Trip ni:
MiDniGHt DriVer
Hawiin ang hangin,
Suungin ang bangin,
Liparin ang pangarap,
At wag matakot kung san ka man babagsak.
MANGARAP ka ng walang KURAP kaibigan!
Ito ay aking pilit na lahok sa pakulo ni pareng puge.
Gusto nyong sumali? Pindot ka dito.
Wednesday, October 19, 2011
Cristobal nakagigimbal!
Trip ni:
MiDniGHt DriVer
Talon kung talon!
Nakagigimbal sa Cristobal.
Hindi ako nasasaktan, hindi ako nasasaktan.
COMMENT OFF. LAST nato. Pwede na sa susunod! :d
Sino ang may nerbyos?
Trip ni:
MiDniGHt DriVer
Bigla ko lang namiss ang pamumundok.
Mula ng ako'y lumagay sa magulong buhay ay hindi na ako nakasama pa sa mga gantong gawain.
Hindi naman ako nagsisisi, subalit hindi rin naman masama ang mamiss sila.
Sa paghahanap ko ng litratong ipansasali sa pakulo ni bulakbol ay kung anik anik ang napagkikita ko. KAINAMAN!
COMMENT OFF muna. Tatlong POST lang :)
COMMENT OFF muna. Tatlong POST lang :)
Thursday, October 13, 2011
Laruan ng kahapon
Trip ni:
MiDniGHt DriVer
Hindi ko alam kung saan at paano ko uumpisahan,
Ang isang akdang may kinalaman sa laruan,
Yun ay dahil sa alaalang matagal ng gustong malimutan,
Hapdi, kirot at sakit na bumalot sa aking masaklap na kabataan.
ROBOT, na aking itinuring na parang isang bangungot...
Iminulat sa paniniwalang, isang laruang walang kwenta't nakakabagot,
Mas nakakaenganyo pa daw, lilik, pala at salakot,
Sabay yuyuko sa putikang may kaagapay na matinding takot.
Kotyeng debaterya, walang angas at kay bagal bagal pa...
Yun ang sabi ni Ama, na may kasama pang pagbibida...
Di hamak na mabilis daw, karitong tulak tulak namin ni Ina,
Sabay naming sinisigaw, bote... dyaryo at garapa,
Kailan ko lamang naunawaan, ang siyang tunay nilang dahilan,
Di lang pala maintindihan ng dating musmos pang kaisipan,
Ang sakit nilang nararamdaman kapag ako'y di mapatahan,
Daig pa ang mga pusong sinusugatan ng dahan dahan.
Ngayun ngang alam ko na, ang naging pagkakaiba,
Nang aking pinagdaanan kumpara sa iba,
Di ko na sasayangin pa mga karanasan at alaala,
Na dulot ng kahapong ipinagkaloob ni Ama't Ina.
Ito ay aking lahok para sa Saranggola Blog Awards 3.
Friday, September 23, 2011
ORAS NA!
Trip ni:
MiDniGHt DriVer
"Ang isang minutong pag-ngiti ng mga labi mo
ay katumbas ng animnapung segundong pagtibok ng puso ko"
Salamat sa mabubuting sponsors ng SMILE Quotes Contest : Field of Dreams, Alohagems on Squidoo, ISP101 at from the dungeOn.
Subscribe to:
Posts (Atom)