Thursday, January 27, 2011

AYOKO... Ayoko.. AYoko

Hindi ako mahilig gumawa ng mga review tungkol sa mga libro kasi hindi naman ako masyadong mahilig magbasa. Mas gusto ko kasing tinitingnan lamang ang mga pictures kesa binabasa yung gustong ipahiwatig nito. Kaya minsan mas gusto ko pang tumingin ng magazine gaya ng Playboy, FHM, Penthouse or Maxim kesa magbasa ng dyaryo.

Hindi ko rin feel gumawa ng mga movie reviews dahil sa totoo lang, mas madalas na hindi ko naiintindihan yung palabas lalo na kung mga intelligence type yung movie.. Yung tipong mag-iisip ka pa, dahilan ko kasi, kaya k nga nanonood ng movie para makapag relax hindi para pagurin ang sarili kaiisip. Ok pa siguro yung mga taboo series na movie or yung mga movie na walang istorya. Mas naiintindihan ko pa sya.

At bakit ko sinasabi toh? wala lang..

Gusto ko lang kasing ibida yung IMORTAL. Napupuyat lang naman ako dahil sa lintik na palabas na'to. Unahan ko na kayo, hindi ito review tungkol sa palabas nila Lia at Mateo ok, gusto ko lang malaman nyo na ang istorya nito ay bumabalot sa wagas na pagiibigan ng dalawang itinakda ayon sa propesiya. Si Lia ay itinakda sa lahi ng mga TAONG LOBO habang si Mateo naman ay itinakda ng Lahi ng mga BAMPIRA. Sila ang nakatakdang pumatay sa isa't isa at sa magkabilang lahi subalit pipilitin nilang kalabanin ang tadhana dahil sa kanilang wagas na pagmamahalan.

Haaayy, sa totoo lang, hindi talaga yan ang gusto kong ikwento, gusto ko lang kasing i-share yung usapan namin ni Misis kagabi habang naghuhugas sya ng Pinggan. Eto ang eksena:

MD: Ang ganda ng Imortal noh?
Misis: kapuso ako diba? alin yun?
MD: Yung pinapanood natin kanina, yung kay john lloyd at angel.
Misis: aaaahhh. yun ba yun? sorry naman.. kanina ko lang kaya napanood yun. Yung sa mga bampira at Taong lobo?
MD: OO yun nga, haaaayyy, may tanong ako?
MISIs: oh, ano naman tanong mo? wag lang corny ha, ihahampas ko tong plato syo.
MD: Napaka-sweet mo naman talaga..
Anong gagawin mo, kapag nakasalubong ka ng TAONG LOBO sa daan?
Misis: TAONG LOBO? Seryoso ba to?
MD: OO, taong lobo.. kailangan ulit ulitin?
Misis: Simple lang, TUTUSUKIN ko?
MD: Huh? TUTUSUKIN?
Misis: OO, para pumutok. Tigilan mo na nga ako at mauna ka na sa itaas, susunod na ko para iyan naman ang pumutok. (Sabay tingin sa baba)
MD: Hayuuuppp ka talaga.. hehehe


Monday, January 17, 2011

UNFORGETTABLE














"Tsk.. tsk... Ano na nga ulit yung sasabihin ko?? wag na nga lang.. Nalimutan ko na"







Monday, January 10, 2011

Sabi Nga Nila.....

Sabi nga nila...

...ang pag-aasawa daw ay hindi parang kaning tutong na pag iyong kinain at sinubo ay pwede mo na itong iluwa oras na hindi mo magustuhan ang lasa at ikaw ay mapaitan...

Sabi nga nila...

...mas marami ka daw madidiskubre na mga bagay bagay sa iyong kapareha kung kayo ay nagsasama na sa iisang bubong...

At Sabi nga nila...

...oras daw na pumasok ka sa magulong mundo ay marapat mo ng kalimutan o limitahan ang pagiging buhay binata mo...

Wait.. parang di ko naman alam kung san ba papunta ang mga sinasabi ko na 'to..

Marahil ay ngayun ko pa lamang unti unting nararamdaman ang buhay may asawa... Tama nga sila, ang pag-aasawa nga ay walang hanggang pag-aadjust sa bawat isa. Walang hanggang pag-unawa sa iyong kapareha.


Sana lamang ang aming buhay at pagsasama ay maging kasing
aliwalas at kasing linis ng aming mga suot sa itaas.
Hindi man kami maging perpektong kasuotan,
At least maging maganda naman kaming tingnan.

Awwwwww... Ang POGI ko talga.. Shet.. pwede ba kong mabakla sa sarili ko? wehehehe

Thursday, January 6, 2011

Ahhhh.. KAYA PALA!

Yeeeeyyy.. nakaka-1 week na kaming magkasama sa iisang bubong.. Para sa mga hindi pa nakakaalam, ang drayber ng bayan ay pumasok na sa tinatawag nilang magulong mundo...

Ooooopppssss..

Hindi SHOWBIZ ang tinutukoy ko (dahil matagal na po akong TaarTitz..FYI).. Magulong mundo as in.. magulo pa sa mundo ng mga halimaw... Lam nyo yun???? yung tipong may nagbabatuhan, nagmumurahan, nagsusumbatan ng kung ano ano... Nagbibigayan ng pamatay na tira at kung minsay nagpapagalingan sa pagbasag ng trip ng bawat isa.

Pero iyan ang posible nyong maramdaman or maranasan kung wala yung pagmamahalan...

Since, binuo kami ng pagmamahalan eh iba yung mga nangyayari sa amin sa kasalukuyan... Kabaligtaran ng mga nabanggit ko sa itaas...

Kung nabasa nyo yung huli kong poste ay makakarelate na kayo sa isang ito... Bukod kasi sa mga pangyayaring naganap sa Simbahan na mga bagay na aking napatunayan para sa mga taong ikinakasal...

Hindi pala magpapahuli ang ilan...

Napatunayan ko din kasi ang ilang mga dahila na kaya pala matapos ikasal ang isang tao ay karaniwang nagkakasakit ito...

Nagkakasakit hindi lamang dahil sa pagod at stress na naranasan nung naghahanda pa lamang sila para sa kanilang kasal kundi nagkakasakit sila dahil sa mga ilang dahilan...

UNA-- kaya pala Sinisipon ang isang tao na bagong kasal ay dahil sa LAGI syang nakahubad sa Gabi.. Katulad ngayun, malamig ang panahon, mas madaling nagkakasakit ang tao.

PANGALAWA- kaya pala laging nahihilo ang mag-asawa ay hindi dahil sa buntis si babae or high blood si lalaki (dahil sa laki ng gastos) kundi, dahil sa palagiaang puyat ang mag-asawa.

at PANGATLO- at kaya pala madalas na masakit ang ULO ni lalaki ay hindi dahil sa pagod sya or may iniisip sya kundi dahil sa palagian nyang ipinapasok ito sa MALIIT na butas.

Yun lamang po! At sana ay magtagal pa ang aming pagsasama.. at wag din pala kayong magsasawa sa pagbasa kahit na nasa walang wentang mode pa ang mga isinusulat ko.. hehehe

Monday, January 3, 2011

NAPatuNayan ko LAng....

...na kaya pala marami ang ikinakasal na umiiyak ay hindi dahil sa saya o lungkot na nadarama nila kundi dahil sa sakit na dapat tiisin...

Bakit kamo??? Kasi naman ay Napakatagal palang nakaluhod ng mga ikinakasal, kulang na lamang ay ipahinto namin pansamantala ang aming kasal para lamang makatayo kami kahit saglit lang. HEhe..

O hindi naman kaya nakalimutan lang kaming patayuin ni Father? Hmmmm.. Posible nga yung nakalimutan or posible din na SINADYA... kasi naman, sa kasagsagan ng aming pagiisang dibdib ay mantakin nyo ba namang lumapit sa amin si Father para lamang tanungin kung niloloko ko daw ba sya?.. hehehehe... Tumawa lang ako sa kanya at sinabing ... WEEEEEHHHHH... kinurot lang ako ni Misis kaya ako tumahimik.. hehehe

Eto pa ang isa, Nung minabuti na ni Father na pagpasyahang maaari ng magdikit ang aming mga labi ng babaeng hinarap ko sa bandana ay pinasimplehan ako ng tanong ni Father... Nahalikan mo na yung Misis mo dba? Nagulat ako at bigla ko syang nasagot ng "NAMAN..." hehehehe... Tawa lang sya ng Tawa.. Si Father ay hindi naman machismaxxx dba? hehe

Masaya ako sa kinalabasan ng aming kasal.. Masaya ako dahil nagbunga ang walong taon na aming pagiging magkasintahan..

Napatunayan ko lang na ang pagpapaputok ay di lang pala maaaring makamatay na tao... Mas malaki ang posibilidad na makabuhay ito!

Manigong Bagong Taon sa ating Lahat!