Thursday, January 27, 2011

AYOKO... Ayoko.. AYoko

Hindi ako mahilig gumawa ng mga review tungkol sa mga libro kasi hindi naman ako masyadong mahilig magbasa. Mas gusto ko kasing tinitingnan lamang ang mga pictures kesa binabasa yung gustong ipahiwatig nito. Kaya minsan mas gusto ko pang tumingin ng magazine gaya ng Playboy, FHM, Penthouse or Maxim kesa magbasa ng dyaryo.

Hindi ko rin feel gumawa ng mga movie reviews dahil sa totoo lang, mas madalas na hindi ko naiintindihan yung palabas lalo na kung mga intelligence type yung movie.. Yung tipong mag-iisip ka pa, dahilan ko kasi, kaya k nga nanonood ng movie para makapag relax hindi para pagurin ang sarili kaiisip. Ok pa siguro yung mga taboo series na movie or yung mga movie na walang istorya. Mas naiintindihan ko pa sya.

At bakit ko sinasabi toh? wala lang..

Gusto ko lang kasing ibida yung IMORTAL. Napupuyat lang naman ako dahil sa lintik na palabas na'to. Unahan ko na kayo, hindi ito review tungkol sa palabas nila Lia at Mateo ok, gusto ko lang malaman nyo na ang istorya nito ay bumabalot sa wagas na pagiibigan ng dalawang itinakda ayon sa propesiya. Si Lia ay itinakda sa lahi ng mga TAONG LOBO habang si Mateo naman ay itinakda ng Lahi ng mga BAMPIRA. Sila ang nakatakdang pumatay sa isa't isa at sa magkabilang lahi subalit pipilitin nilang kalabanin ang tadhana dahil sa kanilang wagas na pagmamahalan.

Haaayy, sa totoo lang, hindi talaga yan ang gusto kong ikwento, gusto ko lang kasing i-share yung usapan namin ni Misis kagabi habang naghuhugas sya ng Pinggan. Eto ang eksena:

MD: Ang ganda ng Imortal noh?
Misis: kapuso ako diba? alin yun?
MD: Yung pinapanood natin kanina, yung kay john lloyd at angel.
Misis: aaaahhh. yun ba yun? sorry naman.. kanina ko lang kaya napanood yun. Yung sa mga bampira at Taong lobo?
MD: OO yun nga, haaaayyy, may tanong ako?
MISIs: oh, ano naman tanong mo? wag lang corny ha, ihahampas ko tong plato syo.
MD: Napaka-sweet mo naman talaga..
Anong gagawin mo, kapag nakasalubong ka ng TAONG LOBO sa daan?
Misis: TAONG LOBO? Seryoso ba to?
MD: OO, taong lobo.. kailangan ulit ulitin?
Misis: Simple lang, TUTUSUKIN ko?
MD: Huh? TUTUSUKIN?
Misis: OO, para pumutok. Tigilan mo na nga ako at mauna ka na sa itaas, susunod na ko para iyan naman ang pumutok. (Sabay tingin sa baba)
MD: Hayuuuppp ka talaga.. hehehe


26 comments:

Kamila said...

Ang haba ng intro kuya ito lang pala ang ikkwento mo! hahahaha

MOKS™ said...

cool ni misis pare ah...
nanonood din kmi ni misis ng Imortal...

rainbow box said...

hindi kase ako nakakarelate sa mga kwentong teleserye e. pagiging rockstar na kase ang pinagkakaabalahan ko ngayon.

alam ko lang yung mga putukan.. so...
no comment! LOL

khantotantra said...

wahehehe. puputukin ni misis mo ang lobo.

magkalabang station kasi kayo e, kapuso sya, kapamilya ka. :D

Bino said...

ang sweet ng misis mo ha. tutusukin ka talaga para pumutok hahahaha

sikoletlover said...

sa hilig ko sa mga bampayr thingy na yan e pinatos ko pati imortal. para kay john lloyd :P

pakitanong kay misis kung ano gagawin niya kapag nakasalubong siya ng bampira. :D

sikoletlover said...

sa hilig ko sa mga bampayr thingy na yan e pinatos ko pati imortal. para kay john lloyd :P

pakitanong kay misis kung ano gagawin niya kapag nakasalubong siya ng bampira. :D

kuri said...

hindi ko maimagine na nasabi ni mrs. MD yun.hahaha.

PUTUKAN NA!

KikomaxXx said...

hahaha... wee ang tandem nga kayo ng misis mo chong.. wahehhe dapat makarami na parang rabbit.. wahehhee

Xprosaic said...

Wahahahahahaha kahit tapos na ang new year buhay na buhay pa rin ang putukan sa bahay! lol... gagamit pa ba ng lobo?! lol... nyahahahahahah... putukan na! hahahahahaha

LordCM said...

natuloy ba ang tusukan?! lolzz

fan din ako ng imortal, gusto ko tusukin ang Itinakdang Lobo :D

Santo Santino said...

tiyak hindi ka umayaw sa pinaputok nya.hahaha...yun oh napalaban na naman.

Santo Santino said...

sandali pwede ko kayang tuhugin si lia?hahaha...

Axl Powerhouse Production Inc, said...

wahha pambihira ang haba ng intro.... immortal lang pala ang bagsak :D

kringles said...

hahaha,, haba ng intro e!

halojin said...

hehe kontra ^_^ pero napaka tamis naman ng pag sasama ^_^ kuya midnyt! ganda po ng soundtrack mo po ^_^

♥superjaid♥ said...

hahaha ang haba ng intro..tapos napunta lang sa putukan hehehe

empi said...

astig si mrs. md ah.

T.R.Aurelius said...

yeeee ang sweet nila oh


hehehe

:D

Sendo said...

haha nakakatuwa ang kwentuhan niyo haha...pa-sweet much ha... ^^

thank you very much nga pala sir last time ^^

Arvin U. de la Peña said...

haha......di ako nanonood ng immortal..noah lang,hehe..

DEMIGOD WINZTON said...

LOBO ;) NICE BLOG

mangpoldo said...

hmmm... something nice had happened. hehe

Ellen ♥ said...

OMG! You also have Imortal fever. :D Midnight lover is a vampire :[ and your wife is a sexy wolf. :)

ellenreviews.blogspot.com

Ang Babaeng Lakwatsera said...

aww ang sweet nyo naman ni misis.. nakakatuwa may twist yun entry mo akala ko tlaga about imortal.. hihihi..

jobologist said...

natawa naman ako sa hirit nang misis mo heheheh ang kyut