Monday, January 10, 2011

Sabi Nga Nila.....

Sabi nga nila...

...ang pag-aasawa daw ay hindi parang kaning tutong na pag iyong kinain at sinubo ay pwede mo na itong iluwa oras na hindi mo magustuhan ang lasa at ikaw ay mapaitan...

Sabi nga nila...

...mas marami ka daw madidiskubre na mga bagay bagay sa iyong kapareha kung kayo ay nagsasama na sa iisang bubong...

At Sabi nga nila...

...oras daw na pumasok ka sa magulong mundo ay marapat mo ng kalimutan o limitahan ang pagiging buhay binata mo...

Wait.. parang di ko naman alam kung san ba papunta ang mga sinasabi ko na 'to..

Marahil ay ngayun ko pa lamang unti unting nararamdaman ang buhay may asawa... Tama nga sila, ang pag-aasawa nga ay walang hanggang pag-aadjust sa bawat isa. Walang hanggang pag-unawa sa iyong kapareha.


Sana lamang ang aming buhay at pagsasama ay maging kasing
aliwalas at kasing linis ng aming mga suot sa itaas.
Hindi man kami maging perpektong kasuotan,
At least maging maganda naman kaming tingnan.

Awwwwww... Ang POGI ko talga.. Shet.. pwede ba kong mabakla sa sarili ko? wehehehe

34 comments:

Axl Powerhouse Production Inc, said...

naks... anu yun tula ba hehehehe... congrats tsong sa bagong kasal hhehehe.. kala ko invited ako para kumuha ng pic hehehe :D
cheers :D

hArTLeSsChiq said...

naririnig ko nga yang mga sabi nila, maraming beses na..hehehe balitaan mo nga ako kung tama ang lahat ng yan para makatip naman ako just in case...haha

congrats ulit sa inyong dalawa!

Diamond R said...

ang ganda ni wify.

empi said...

sabi nga nila, pwede naman daw mag-autograph sa isang tao kahit hindi artista...


pa-autograph naman. :D

KikomaxXx said...

ows... hahaha... Godbless sa buhay mo ngayon... sabi daw nila ang adjustment period daw niyan eh aabot ng 5 years pag nakadalawang score ka na... wahehehe

Nikolo Bulaun said...

congratulations pare! Godbless

http://lifespamphlet.blogspot.com/2011/01/gallery-of-resolutions.html

cheers!

rainbow box said...

tae sa nababakla sa sarili! hahahaha! tawa ako ng tawa! ikaw na ang adonis! :))

ang ganda talaga ni ate! winnur!!! :D

bakuran mo mabuti kuya! baka mauntog, sayang! :p

(kainis sa comment kong kannina pa hindi maipost! tsk!)

MaginoongBulakenyo said...

MD

Ganda ng wife mo :)

Naks naman..ikaw na ang gwapo!

Sana'y dumami ang anak ninyo at maging kamukha lahat ng wife mo..choz!

Ang iyong kabayan..Bow!

khantotantra said...

huwaw. pogi na marunong pang sumayaw. Napanood ko dance vid nio nila nafa, enteng at daddy kuri :p

♥superjaid♥ said...

"Awwwwww... Ang POGI ko talga.. Shet.. pwede ba kong mabakla sa sarili ko? wehehehe" ---love it!ehehe ang ganda ni misis!at syempre gwapo ka rin kuya hehehe congrats ulit for the third time hehehe

T.R.Aurelius said...

sabe nga din nila, ang sweet niyo, hehe

congratz ulit kuya! :)

Bino said...

at sabi din nila, God writes your love story. so ang pagsasama nyo, si God ang gumawa. ang saya :)

YanaH said...

at sabi din nila.. nasa sainyo mismo kung pano kayo makakagagawa ng maayos, maganda at masayang buhay together.. ;))

congratulations ulit.. Godbless both of u and ur marriage

glentot said...

Ikaw na!!!

feRry jHoi ^.^ said...

ang Lufetttt!!!!

hihi!!
congrats Jhakie!! tama kah!! habang buhay na pag aadjust yan!!!

good luck!!!

nafacamot said...

Sabi nga nila... Sabi nga nila... Sabi nga nila...

Bakit hindi mo sinasabi yung sabi ko...hehehe...

CONGRATS MD... GOOD LUCK EVS... :D

janjan said...

wow ang ganda...ganda naman ni misis. no wonder kung bakit sinabi ng pare pano mo sya nauto ahehehe. jowk lng pow! :)

gudluck sa buhay may asawa MD.

Ellen ♥ said...

Tsk. Tsk. You have a pretty wife. Quoted below:
"Awwwwww... Ang POGI ko talga.. Shet.. pwede ba kong mabakla sa sarili ko? wehehehe"

► Yeess.. LOVE YOURSELF :)

Kim said...

aaww...sweet photo :) visit my page you might be interested with my post regarding relationship :)

have a nice day! :)

Keatondrunk said...

ang swit!! good luck sa inyo bro, best wishes nga pla

Leah said...

Sweetness! Ang ganda talaga ni misis mo.. Natitibo na ako. hehehe...

Nababakla ka ba sa self mo? Ay sige, love yourself. Hehe..

Congrats ulit sayo! And good luck sa married life. =)


My Tasty Treasures
Everyday Letters

DENASE said...

I hope you get yourself as many children and dwell with it, then I will have to say "nice parenting dude!"

Hop to my blog sometimes, I'd be grateful of that.


http://arandomshit.blogspot.com/

Kamila said...

Ang narinig ko naman ay sabi nga nila ang pag-aasawa ay hindi mainit na kanin na kapag sinubo mo at napaso ka..pwede mo iluwa..

hahhahahaha...

sana maging maganda at fruitful ang pagsasama ninyong dalawa...GodBless

pusang kalye said...

true love ito--ang ganda ni wife eh.jowk.hahaha. kala ko commercial model lang ng tide. bat kaialnagn talaga naka uti at nagniningning ang kaputian?hahaha

kuri said...

wag kang maniwala sa sinasabi nila, sabisabi lang yun. :p

gawa na agad ng kalaro ni Red at gareth.

Arvin U. de la Peña said...

good luck sa inyong dalawa..

J. Kulisap said...

Tiyak na laging nakatayo ang balahibo mo, kasi ang ganda ng kabiyak mo. :)

Mag-alagaan at magtulungan kayo sa isa't isa.

Dahil magkaibang tao kayo, asahan mong magkaiba talaga kayo subalit buksan ang mga isip na pwedeng magkasundo kesa sa madalas na hindi.

Sa dami ng mga nakausap ko tungkol sa mga mag-asawa, ang estado mo ngayon ay nasa "pulot-gata" stage, ang sabi nila hanggang first 3 years daw ng pagsasama 'yan, after non, don na lumalabas 'yong totoong kulay, kung anong kulay hindi ko alam bossing, tapos after non, medyo don na daw 'yong dedmahan stage', wala ka nang pakialam sa hitsura niya, baboy na ba siya, ikaw naman, tuko na..in short, abala na sa pag-aasikaso ng mga tsikiting kaya wala nang masyadong panahon sa mga sarili.

Hep, bago ka panghinaan ng loob, ikaw naman ang nagpasyang magpakasal, ikaw din naman ang magdedesisyon kung ang nais mo ay BANAYAD AT PAMILYANG MAGKABUKLOD FOREVER.

:)

Sendo said...

mabuhay sayo!!! aasahan namin ang updates sa paglelevel-up mo sa buhay..

krn said...

kayo na ang endorser ng tide.. ayos!hehe.. best wishes sa inyo!more babies to come :)

♥ LaDy_mYx ♥ said...

mababakla sa sarili? bago yun ahh! hahah. btw po manong driver, gratsi sa inyong dalawa. (ulit)

goyo said...

Sabi nga nila...
Congratulations na lang pala.ü

AdroidEnteng said...

huli man at magaling..hahabol pa din..congrats parekoy...yung helmet baka makalimutan isuot ni wifey..hahaha

ro anne said...

congrats! it's still a mystery to me how one can find their partner in life... im happy you found it :)

DEMIGOD WINZTON said...

congrats.