Thursday, January 6, 2011

Ahhhh.. KAYA PALA!

Yeeeeyyy.. nakaka-1 week na kaming magkasama sa iisang bubong.. Para sa mga hindi pa nakakaalam, ang drayber ng bayan ay pumasok na sa tinatawag nilang magulong mundo...

Ooooopppssss..

Hindi SHOWBIZ ang tinutukoy ko (dahil matagal na po akong TaarTitz..FYI).. Magulong mundo as in.. magulo pa sa mundo ng mga halimaw... Lam nyo yun???? yung tipong may nagbabatuhan, nagmumurahan, nagsusumbatan ng kung ano ano... Nagbibigayan ng pamatay na tira at kung minsay nagpapagalingan sa pagbasag ng trip ng bawat isa.

Pero iyan ang posible nyong maramdaman or maranasan kung wala yung pagmamahalan...

Since, binuo kami ng pagmamahalan eh iba yung mga nangyayari sa amin sa kasalukuyan... Kabaligtaran ng mga nabanggit ko sa itaas...

Kung nabasa nyo yung huli kong poste ay makakarelate na kayo sa isang ito... Bukod kasi sa mga pangyayaring naganap sa Simbahan na mga bagay na aking napatunayan para sa mga taong ikinakasal...

Hindi pala magpapahuli ang ilan...

Napatunayan ko din kasi ang ilang mga dahila na kaya pala matapos ikasal ang isang tao ay karaniwang nagkakasakit ito...

Nagkakasakit hindi lamang dahil sa pagod at stress na naranasan nung naghahanda pa lamang sila para sa kanilang kasal kundi nagkakasakit sila dahil sa mga ilang dahilan...

UNA-- kaya pala Sinisipon ang isang tao na bagong kasal ay dahil sa LAGI syang nakahubad sa Gabi.. Katulad ngayun, malamig ang panahon, mas madaling nagkakasakit ang tao.

PANGALAWA- kaya pala laging nahihilo ang mag-asawa ay hindi dahil sa buntis si babae or high blood si lalaki (dahil sa laki ng gastos) kundi, dahil sa palagiaang puyat ang mag-asawa.

at PANGATLO- at kaya pala madalas na masakit ang ULO ni lalaki ay hindi dahil sa pagod sya or may iniisip sya kundi dahil sa palagian nyang ipinapasok ito sa MALIIT na butas.

Yun lamang po! At sana ay magtagal pa ang aming pagsasama.. at wag din pala kayong magsasawa sa pagbasa kahit na nasa walang wentang mode pa ang mga isinusulat ko.. hehehe

38 comments:

Xprosaic said...

Yun oh! gabi gabi may UFC na labanan sa kama... lol

salbehe said...

Walangya, akala ko matindi na ang "Una", mas matindi pa pala ang "Pangalawa", sinundan pa ng "Pangatlo". Buti wala nang pang-apat kasi malapit ko nang kunin ang lighter at sindihan ang blog mo. Ang init. Ikaw na may sekslayp!

Diamond R said...

lumelevel up.Bagay nga sayo ang midnight driver.Congrats and enjoy the night with love.

Leah said...

Ba't ba hindi ko ma-gets? Di ako maka-relate.. Siguro dahil inosente pa ako. CHAROT! Hahahaha!!!

Wag masyadong magpapagod every night.. Baka every night for the rest of your life.. Baka maubusan ka ng... katas. Wahahaha!!!

Congrats and good luck sa married life. =)

khantotantra said...

wahahah. mukang everynight ay new year!!! putukan na!!! :p

Anonymous said...

kuya hindi ako makarelate....pwede paki videohan? hahaha.. pangalawa kaya lagi nahihilo kasi nagpaikot ikot sa kama. haha

-kikilabotz

KikomaxXx said...

hahaha.. mas IDOL ko o.. iba na ang bandang ginagawa.. wahhehehe

Kamila said...

Nyahahaha... Baka bumuo kayo ng basketball team ah..

empi said...

hahahaha... ngayon, alam ko na! :D

T.R.Aurelius said...

magaling magaling! ahahaha

god bless midnight driver! :D

Bino said...

now you know!!! hahahahahaha.

MaginoongBulakenyo said...

Ikaw na ang sagana sa...........choz!

LordCM said...

sa umpisa talagang ganyan parekoy, pero pag natutunan mo na ang time management, malamang hindi ka na magkakasakit sa kahit anong laban :D

Jag said...

Whew! Grabe ka kuya hahaha...kailangang bilisan na ng makabuo hehehe...

Jag said...

Congrats uli parekoy!

Axl Powerhouse Production Inc, said...

wahhaha yun oh.. hehehe congrats ulit MD... hehehehe :D

Dhianz said...

abah! natuwa naman akoh ditoh... congratz po!...sana lagi kayong may sipon, sakit nang ulo at nahihilo... lolz... take care... and may God bless u two always... happy 2011 sa inyoh nang labz moh... Godbless! -di

zyra said...

yayks. hinimatay ako sa CR kanina. akala ko matindi lang LBM ko tas nadehydrate. kaya siguro nahihilo :P

kuri said...

ngaun alam mo na kung bakit madalas akong inuubo.hahah.

hArTLeSsChiq said...

o ayan nagcomment na ko, ok na???LOL

Anonymous said...

mabuhay ka midnight driver... sana ay maka buo ka na....

-=K=- said...

Katulad ni kikilabotz, ndi ko rin masyado maintindihan yung mga sinabe mo. Hindi ako makarelate sa mga bagay bagay na ganyan. Masyado pa kameng bata para maunawaan ang ganyang mga bagay pero masaya ako para sayo friend! :P Hehe.

rainbow box said...

kung sabagay, may point si kikilabotz. dapat may video tutorial para sa mga hindi nakakarelate sa mga tips mo. hahaha!

bibigyan kita ng tips para maiwasan ang sakit.

1.)kung katatapos nyo lang, malamang sa malamang e borlogs kagaad kayo sa pagod. kaya wag kalimutan magready ng kumot. prevention is better than cure (makaenglish lang)

2.) magstart ng maaga para hindi kayo mapuyat. double purpose ito. para makarami na rin. lol

3.) kelangan maging malimit ang pagpasok ng ulo sa butas. maiimune na rin yan sa sakit. tas magiging numb. hindi mo namararamdaman ang sakit after! oha!


yun lang. ang haba ng somment ko. blog ko ba toh? hahahaha! =P

Ester Yaje said...

hala! congrats! hahaaha

mikkimao said...

Uy! congrats nga pala boss! hehehehe... nawa'y dumami pa ang iyong lahi! :-D

Santo Santino said...

naku po mamang driver bakit nabasa ito e bata pa ako sa mga ganitong bagay at nadumihan ang isip ng isang santong katulad ko.lol

congrats uli mamang driver!hinayhinay pag-shoot...lol

EMOTERA said...

MIDNIGHT DRIVER! may new sports ka na pala :) bedmintton. :)
at may new LSS ka narin:
you're caught in a "bed"romance.♪♫♪ :D hahaha!

P.S: comments above ang kadalasan naririnig ng mga bata kapag may mga nakakatandang naguusap sa buhay asawa nila. :D

P.P.S: at na share ko lang naman sau dahil narinig ko rin ito at applicable sau ngaun.

P.P.P.S: yun lang :D ingat

Ellen said...

You are now certified: MIDNIGHT LOVER :D hahaha!

krn said...

natawa ko sa mga comments nila. hahah!ang adik lang... wala ako maicomment. yan na lang. haha

kha said...

hahaha nakakaloka ang mga dahilan..iba kla talaga..magkasabayan kayo ni Ferry! Congratz..Baby!baby!

glentot said...

Wow andami kong natutunan dito ah.

darklady said...

Una sa lahat congrats midnight driver! ^__^ Naku hindi matatapos ang taong 2011 na hindi ka nakakabuo nyan.hehehe.

♥superjaid♥ said...

nakakatuwa naman tyung mga comment hehehe nakakaloka naman kasi hahaha wala akong masabi eh basta natutuwa ako hehehe congrats ulit!

Ellen ♥ said...

hello midnight lover. check my post you have an award. :)

ellenreviews.blogspot.com

Arvin U. de la Peña said...

galing.............natawa ako sa sinabi ni xprosaic.....di lang UFC.....baka wrestling pa..hehe..

Jiashi B. said...

sa totoo lang hindi ako nakakarelate sa mga ganyang bagay e pero ngayon alam ko na kung bakit "midnight" driver! hahaha

congrats sa inyo! :D

nafacamot said...

MALIBI MALIBI MALIBI... Congrats sau pre...Good luck kay Evs...

AdroidEnteng said...

PG PG PG...hahaha...hindi kami makarelate kuya.hehe