HULI man daw at magaling, PAg si MD ang nagsulat, SHit.. nakakapraning!
Maligayang araw ng mga puso sa inyong lahat :)
OO na.. alam ko..., late na ang post na to, Eh ano ngayun? Sa ito ang trip ko eh..
Para sakin kasi, dapat lagi na lang araw ng mga puso.. Sana talaga.. sana...
Kung pwede lang sana diba?
Kaya lang.. U know (vitwater), hindi pwede yun, at hinding hindi pwedeng mangyari yun...
U know y? here's y.. lol
Unang una sa lahat kasi, Masyadong magastos: Hindi naman dahil sa tinitipid mo ang mahal mo, pero parang ganun na nga.! (inassume ko lang dito na, pag valentines day, nagdedeyt yung mga couple, baka kasi sabihin nyo na pwede namang magdiwang ng walang gastos. soplahin nyo pa ko.. hehe.. u know naman kaming mga lalaking Pinoy ^_^ and isa pa assumer ako) :)
Second, Sobrang Trapik: As in! Paano ba naman hindi magiging trapik, bukod sa puno ng mga sasakyan ang sangkalsadahan eh napakadami pang barubal magmaneho, alam mo yun.. yung mga driver na bigla na lang lumiliko..
Tama ka!
Masyadong madami ang nagpupunta sa biglang liko! hindi ko na pinahaba.
Third, Mahihirapan ang Gobyerno: Pano naging??? kasi, mahihirapan i-control ang Population natin, panigurado, maya't maya, may nagagawang bata :)
And last, Masakit sa kamay: Bakit kamo? Tanungin mo ko dali.... Kasi daw, yung mga bloggers, ang gusto nila sulat kamay ang ipapadala mo sa kanila na valentines greetings, hindi pwedeng computerized oh kahit ano pa.. Mas sweet nga naman diba? kaya ayun, laspag yung kamay ko, yun nga lang, hindi ko lahat napadala sa kanila kasi masyado akong naging busy nitong mga nakakaraang araw, at nasira pa yung cam ko, pasensya na ha.. :(.. pero naigawa ko naman kayo ng sulat, promise..., hindi nga lang ninyo nakita. :)
PS: Seryoso ako, sana lagi na lang araw ng mga puso, para mas mamayani ang pagmamahalan sa bawat tao sa mundo. Haaayyy..
TRIVIA: Anong kinalaman ng titulo sa post ko?
Read... my... lips...
Nabasa mo? hindi pa din.. yaiks...
Suot ko to nung Valentines Day