Friday, February 4, 2011

D.W.E.N.D.E

Mga mumunting nilalang na ang tanging nais ay mamuhay ng mapayapa sa kanilang kaharian...

Sila ay kinatatakutan ng karamihan; ngunit ang ilan ay nagsasabing nakapagbibigay daw sila ng kaginhawahan at swerte kapag sila ay iyong kinaibigan.

May mga ekspertong hindi naniniwala na may mga katulad nilang nilalang, dahil ang gusto lamang nilang pag-aralan ay yung mga bagay na may sapat na batayan.

Sila ay ang mga tinatawag nating lamang lupa o mas kilala natin sa tawag na ..

DWENDE!

Madalas natin silang makita bilang mga karakter sa mga malapantasyang palabas at babasahin na ating nakikita, subalit bibihira lamang ang makapagsasabing nakakita na sa kanila.

Sino nga ba sila at paano sila nakaaapekto sa pang-araw araw nating pamumuhay?

Hindi ko na hahayaang sagutin nyo ang tanong ko, dahil hindi pa naman dyan umiikot ang istorya ng kwento ko.

Ganito kasi yun, Byernes, naguusap kami ni missy ng mga kalokohan at nakakatakot na pangyayari habang nasa byahe,

Tawanan.. kulitan.. hagalpakan.. sampalan.. hampasan at muntik na kaming magsuntukan nung mga puntong iyon.

Menus singko minuto bago mag alas nueve nadin ng gabi ng dumating kami ni missy sa aming tahanan galing sa mahaba at matraffic na pakikipagsapalaran sa daan.Naunang bumaba si missy.

At habang pababa na ako ng sasakyan ay parang may naulinigan ako na tila may pumaswit sa akin na hindi naman kalakasan, subalit hindi ko ito pinansin sa kadahilanang tahimik naman at walang mga tambay akong nakikita sa daan,bagkus ay ipinagpatuloy ko na lamang ang aking ginagawa. Nakababa na ako ng sasakyan, nasa aking kanang kamay ang bag na gamit ko sa opisina samantalang nasa kaliwa naman ang kay missy.

Naglalakad na ako papasok ng aming bahay subalit maya maya pa ay may pumaswit ulit,hindi ko alam kung bakit biglaang nanlamig ang aking katawan. Ang aking mga paa ay tila tumigil at nagmistulang naimbak sa buhangin na nabasa ng tubig na may yelo, kinilabutan ako at biglaang napatingin sa puno ng langka sa gilid ng aming tahanan. Wala naman akong makita... bukod kasi sa gabi na ay malabo pa ang aking mga mata.

Napakabilis ng mga pangyayari, sa di kalayuan ay nakita ko ang isang kakilala, nakatitig... nakataas ang isang kamay... iginalaw papunta sa kanan.. ibinalik sa kaliwa.. at paulit ulit nya itong ginawa... At ng hindi na makatiis ay lumapit na ito at saka sinabing..

"Walangya ka pare... kanina pa kita sinusutsutan... kinakawayan pa kita, di ka man lang namamansin.

Tara kila pareng XXXX, Inum tayo.. dami chicks..."

Anong kinalaman ng dwende sa kwento???

Malaki, kasi tungkol talaga dapat toh sa dwende kaya lang, sosobra na ang haba kaya sa susunod ko na lang sya ikukwento oki??? :)

P.S

Pag binasa mo ito at nagcomment ka, magiging swerte ka sabi nung dwende.

Pero sa mga hindi magcocomment at mag skip read.. mga mukha kayong dwende.. LOL

34 comments:

jasonhamster said...

kala ko yung kumakaway na yung dwende. na exciting pa naman ako nasan ang dwende asan! hahahaha

empi said...

langya ka! inuman lang pala. Lol!

walang dwende, wala!

empi said...

langya ka! inuman lang pala. Lol!

walang dwende, wala!

LordCM said...

narining ni misis ung maraming chicks, lagot ka, gagawin kang dwende nun! lolzz

LordCM said...

dapat dalawa rin comment ko, parang si empi! hehehe

kuri said...

nagcomment lang ako pare para swertehin.

hArTLeSsChiq said...

pampaswerte lang...:))

Axl Powerhouse Production Inc, said...

tse.. mula kay dwarf to wifey ang lapit ng connection ha.. pambihira ka :D

Santo Santino said...

yes!sweswertehin ako! =)

Anonymous said...

inuman lang pala. hahahaha. alang dwende ..kung gusto talga ng dwende manuod ng snowhite xxx

-kikiabotz

iya_khin said...

tseeehhh!! fan ka lang siguro ng dwarfina kaya ganyan! kala mo siguro si Dennis ka,heheheh!

krn said...

adeeek talaga. hahaha lagot ka kay misis!chick pala huh

Diamond R said...

di ako naniniwala sa dwende pero dahil ikaw ang nagkwekwento excited akong alamin ito lalo na ng nasa puntong kinakausap ka ng kumakaway sayo. ibang klase pero nakuha mo ako sa style na yan.

Ellen ♥ said...

Sooo.. should I consider myself lucky? because I leaved a comment! hahaha XD You never fail to surprise me.

It's all at the end of the post!

ellenreviews.blogspot.com

MOKS™ said...

bwiseet! asan na ang dumwende? yang nasa loob ng short mo? hahaha piz pare!

khantotantra said...

pampaswerte lang. :D

bitin... ituloy na ang wentong wende. :D

rainbow box said...

pampaswerte lang den! :))

♥superjaid♥ said...

pampaswerte lang hehehe

ang kulet akala ko dwende talaga =)

kiko said...

teka sa laki kong to mukha ba akong dwende? nasan na ung kasunod… tagal aman…

Leonrap said...

langya... excited pa naman ako sa story tapos napunta sa inuman.. ahaha... kaloko to ah. ahaha... ^^

Bino said...

to be continued pala yung tungkol sa kwento hehehehe

Poldo said...

Walang ya!!! kala ko naman kwentong katatakutan na toh.... Inuman lang pala.. hahahaha..

Ganun lang pala para mapasama ka sa inuman... sinusutsutan?? LOL...

Pumayag naman ba si missy??!.. hihi

KikomaxXx said...

isa na namang epic fail mula kay MD ..w ahehehe

Kamila said...

pag ako hindi sinwerte sa pag-comment ko dito... lol... hahahaha....

hindi ko nakita ang essence ng post mo.

Nene said...

hahaha! nabitin nmn ako s kwento mo.. kuya sure mong my ksunod ang kwento mo ha kc aabangan ko ang susunod mong kabanta.. =P

~ JaY RuLEZ ~ said...

natawa naman ako sa kwento na ire...

abang na abang na ako eh...inuman pala huli...nyhahahaha..

:))

nakidaan at nagcomment nagfollow na din:))

Arvin U. de la Peña said...

siguro san miguel beer ang ininum niyo,hehe..

mangpoldo said...

anong kinalaman ng dwende? haha. pampaswerte nga. lol

Jhiegzh said...

Nagcomment para swertehin! ahahaha..lols, astig! inuman lang pla..may thrill ika nga!

DENASE said...

swerte ba talaga ang mga kagaya nila?

Happy monday folk.

http://arandomshit.blogspot.com/

Jag said...

Wooo! Wala wala wala!Naeexcite pa nmn ako sa mga kwentong ganyan tapos binitin lng...

May utang k sa amin dapat magkwento ka talaga ng tungkol sa dwende kundi kukuyugin ka namin hahaha!!!

Baka may night blindness ka kaya di mo agad napansin ang tropa mo? LOLZ!

Sey said...

salamat pinadaan mo yung jeep mo sa blog ko at thanks din dahil isa na ako sa mga pasahero mo. hinintay ko yung ending akala ko yung kumpare mo ang dwende. hehehehe.

Pasakay.

jezonhamster said...

kuya balita ko lumaki na yung dwende. kapre na.

nyak

asan na kase yung dwende sa kwento.baka sa part 2 :))

chinchan said...

magcomment ako para akoy lalong swertehen at pagpalain =)




http://www.juanderfulpinoy.com
chinchan