Mga mumunting nilalang na ang tanging nais ay mamuhay ng mapayapa sa kanilang kaharian...
Sila ay kinatatakutan ng karamihan; ngunit ang ilan ay nagsasabing nakapagbibigay daw sila ng kaginhawahan at swerte kapag sila ay iyong kinaibigan.
May mga ekspertong hindi naniniwala na may mga katulad nilang nilalang, dahil ang gusto lamang nilang pag-aralan ay yung mga bagay na may sapat na batayan.
Sila ay ang mga tinatawag nating lamang lupa o mas kilala natin sa tawag na ..
DWENDE!
Madalas natin silang makita bilang mga karakter sa mga malapantasyang palabas at babasahin na ating nakikita, subalit bibihira lamang ang makapagsasabing nakakita na sa kanila.
Sino nga ba sila at paano sila nakaaapekto sa pang-araw araw nating pamumuhay?
Hindi ko na hahayaang sagutin nyo ang tanong ko, dahil hindi pa naman dyan umiikot ang istorya ng kwento ko.
Ganito kasi yun, Byernes, naguusap kami ni missy ng mga kalokohan at nakakatakot na pangyayari habang nasa byahe,
Tawanan.. kulitan.. hagalpakan.. sampalan.. hampasan at muntik na kaming magsuntukan nung mga puntong iyon.
Menus singko minuto bago mag alas nueve nadin ng gabi ng dumating kami ni missy sa aming tahanan galing sa mahaba at matraffic na pakikipagsapalaran sa daan.Naunang bumaba si missy.
At habang pababa na ako ng sasakyan ay parang may naulinigan ako na tila may pumaswit sa akin na hindi naman kalakasan, subalit hindi ko ito pinansin sa kadahilanang tahimik naman at walang mga tambay akong nakikita sa daan,bagkus ay ipinagpatuloy ko na lamang ang aking ginagawa. Nakababa na ako ng sasakyan, nasa aking kanang kamay ang bag na gamit ko sa opisina samantalang nasa kaliwa naman ang kay missy.
Naglalakad na ako papasok ng aming bahay subalit maya maya pa ay may pumaswit ulit,hindi ko alam kung bakit biglaang nanlamig ang aking katawan. Ang aking mga paa ay tila tumigil at nagmistulang naimbak sa buhangin na nabasa ng tubig na may yelo, kinilabutan ako at biglaang napatingin sa puno ng langka sa gilid ng aming tahanan. Wala naman akong makita... bukod kasi sa gabi na ay malabo pa ang aking mga mata.
Napakabilis ng mga pangyayari, sa di kalayuan ay nakita ko ang isang kakilala, nakatitig... nakataas ang isang kamay... iginalaw papunta sa kanan.. ibinalik sa kaliwa.. at paulit ulit nya itong ginawa... At ng hindi na makatiis ay lumapit na ito at saka sinabing..
"Walangya ka pare... kanina pa kita sinusutsutan... kinakawayan pa kita, di ka man lang namamansin.
Tara kila pareng XXXX, Inum tayo.. dami chicks..."
Anong kinalaman ng dwende sa kwento???
Malaki, kasi tungkol talaga dapat toh sa dwende kaya lang, sosobra na ang haba kaya sa susunod ko na lang sya ikukwento oki??? :)
P.S
Pag binasa mo ito at nagcomment ka, magiging swerte ka sabi nung dwende.
Pero sa mga hindi magcocomment at mag skip read.. mga mukha kayong dwende.. LOL
5 comments:
lols. akala ko naman iwewento mo na yung dwende. :p
Nasa climax na e' sumingit lang si Pare,walang skip read to a,nag iwan pa ako ng comment paano ba yan? haha
kala ko ito na ung iba't ibang uri ng dwende! ibang dwende pala to hehehe
ayokong mag mukhang dwende, kaya binasa ko talaga at nag comment pa. hehe!
ay, ganun?? sos! sige na nga, wait ko na lang yung karugtong, hehe.. :D
bumisita po AKO!
Post a Comment