Monday, January 3, 2011

NAPatuNayan ko LAng....

...na kaya pala marami ang ikinakasal na umiiyak ay hindi dahil sa saya o lungkot na nadarama nila kundi dahil sa sakit na dapat tiisin...

Bakit kamo??? Kasi naman ay Napakatagal palang nakaluhod ng mga ikinakasal, kulang na lamang ay ipahinto namin pansamantala ang aming kasal para lamang makatayo kami kahit saglit lang. HEhe..

O hindi naman kaya nakalimutan lang kaming patayuin ni Father? Hmmmm.. Posible nga yung nakalimutan or posible din na SINADYA... kasi naman, sa kasagsagan ng aming pagiisang dibdib ay mantakin nyo ba namang lumapit sa amin si Father para lamang tanungin kung niloloko ko daw ba sya?.. hehehehe... Tumawa lang ako sa kanya at sinabing ... WEEEEEHHHHH... kinurot lang ako ni Misis kaya ako tumahimik.. hehehe

Eto pa ang isa, Nung minabuti na ni Father na pagpasyahang maaari ng magdikit ang aming mga labi ng babaeng hinarap ko sa bandana ay pinasimplehan ako ng tanong ni Father... Nahalikan mo na yung Misis mo dba? Nagulat ako at bigla ko syang nasagot ng "NAMAN..." hehehehe... Tawa lang sya ng Tawa.. Si Father ay hindi naman machismaxxx dba? hehe

Masaya ako sa kinalabasan ng aming kasal.. Masaya ako dahil nagbunga ang walong taon na aming pagiging magkasintahan..

Napatunayan ko lang na ang pagpapaputok ay di lang pala maaaring makamatay na tao... Mas malaki ang posibilidad na makabuhay ito!

Manigong Bagong Taon sa ating Lahat!

25 comments:

Diamond R said...

Congratulation. this is the best news na narinig ko this year from a blogger about pag papaputok di lang puro karahasan.kundi ang posibilidad na malaki na makabuhay.Inaabangan ko ang kwento mo about your wedding parang massyadong sekreto.
masaya ako sa bago mong buhay.

Ester Yaje said...

oi oi oi. ikakasal ka na! it calls for a celebration

LordCM said...

hahaha, langya parekoy sa lahat ng kinasal ikaw lang ata ang nagreklamo sa pagkakaluhod lolzzz

Congrats parekoy, at dasal ko na doblehin o triplehin o sige na nga times 100 nyo ung taon na pagiging magkasintahan nyo :D

akin ung walang buntot pre ah, o kaya ung batik batik lolzz

Pinx said...

Korek! hindi lahat ng pumuputok ay nakamamatay! hehehe... congratulations!!! welcome to the club! ang tagal ko nang di nakadalaw dito! wheeeew! happy new year pala!

Keatondrunk said...

musta d2... wow congrats pla!

T.R.Aurelius said...

congratz!! ahahaha kelan ang celebration, sali me, :D

rainbow box said...

tae sa comment ni kuya CM na batik batik. tawa ako ng tawa. lol

congratulations kuya! lagyan mo ng matinding helmet si ate ah! =P may you have many many more birthdays to come! hahaha! best wishes!! ♥

saka ninang ako sa una! yihee!!! =D

MaginoongBulakenyo said...

Ikaw na ang sagana sa pagpapaputok...Choz!

Congrats kabayan :)

Bino said...

chismoso naman si father! joke! best wishes tsong! dalangin ko'ng maging masaya at masagana ang inyong pagsasama :D

khantotantra said...

congrats MD.

:D

Baka test sa kinakasal ang pagluhod para malaman ang patience nila. :D

congrats ulit.

KikomaxXx said...

chong congratulations talaga for the newly wed.. wahehehe... huwag damihan ang anak ha.. wahehehe

Xprosaic said...

Yun oh! At ikinasal na nga! Congrats parekoy! O dahan dahan sa pagpapaputok ah... Ilang putok lang ok na magastos ang buhay ngayon eh... nyahahahhahaha

empi said...

Ayon oh... bagong taon...bagong kasal! Ayos! Mabuhay kayo, MD! :D

Axl Powerhouse Production Inc, said...

imba..... happie wedding... congrats MD..... cheers on that heheheh :D

di ka nag invite ha.. for a weddding shoot hehehe :D

ang kulit ni father ha... :D

salbehe said...

Naaliw ako kay Father, feeling ko kamukha nya si Boy Abunda. Best wishes sa inyo MiDniGHt DriVer! Ganda ng backround music, tambay muna ako dito. :)

Kamila said...

Nyahahahah.. CONGRATULATION ULIT!!!! EMERSON..!!!!!! At Happy New Year!

Santo Santino said...

pareng driver CONGRATS! Naway maging masaya at masagana ang inyong pagsasama...hinay hinay sa pag gawa ng bata...hehehe...joke!

CONGRATS and Happy New YEar!

E•M•O•T•E•R•A said...

Isang malaki at madaming Congratulations and Best Wishes sa wife mo. Magandang umpisa ng taon yan ah. At syempre dapat lelevel up na sa kakulitan ang entries mo nyan. hahaha! :D

Ang kulit ni Father ah. Parang sya ang gustong tumutol ng kasal eh noh? hahaha.

Happy New Year! :)

aajao said...

welcome sa magulo, este, MASAYA at MASARAP na buhay-may-asawa! :)

CONGRATULATIONS!

aajao

♥superjaid♥ said...

congratulations kuya!ang kulet ni father but i like him hehehe di katulad ng ibang pari na masyadong msungit hehehe

melovesflying said...

Hello. I am a graduating student from UP Manila and blog hopping led me here. :) I was wondering if you could answer a survey I made regarding Filipino bloggers. This is for my thesis and answering will only take you a couple of minutes.

http://www.kwiksurveys.com/online-survey.php?surveyID=HLEKII_31745bbc

Confidentiality will be of utmost priority. Answering my survey will be very much appreciated. Thanks! :)

janjan said...

congrats!!!! saya!!!

J. Kulisap said...

Hmmmm, Sir, may kundoktora na pala ang iyong dyip. :)

Congratulations sa sinasabing paglagay sa tahimik, isang kabanata 'yan ng mas malalim na paglalakbay bilang isang lalake, asawa at ama.

Naka ilang putok?

zh3en22 said...

wahhh... natawa naman ako dun... Congrats, and best wishes...

Ellen ♥ said...

wow! Congrats for the both of you. :) Happy Life!

ellenreviews.blogspot.com