Wednesday, September 29, 2010

UNTOLD STORY

UNTOLD STORY

..........................................................................................................................................................................................................
......................................................................................................................................................................................................


Manatili na lang syang Untold habambuhay!


PakShet! I need a break!

MD: Pare
NAfa: Yo
MD: anong balita?
NAfA: Sa radyo at TV...
MD: Ganun pa rin nangangapa sa dilim..
Nafa: Sana'y naisin mong umalis na lang dito.
MD: Gungung ka!

Langyang usapan yan.. lagi na lang ganyan!

Sino pwedeng makainuman jan? Tara!

Mukhang kailangan ko na ulit magpunta dito!

Paalala:

Tangna.. wala akong maalalang paalala!

Friday, September 24, 2010

SINO DAW?

From Left to right (Daddy Kuri, Enteng, Nafa, MD)

Nang magkita kita ang mga walang kwentang blogger, naisipan naming magpakuha ng picture para lamang masagot ang katanungang gumugulo sa aming mga isipan.

Tanong: Sino ang pinakagwapo sa aming apat?

MGA kasagutan:

Kung kagandahang lalaki lang din ang paguusapan,
Kailanman ay di papahuli ang may nunal jan,
Bukod sa matangkad, at may mapang-akit na katawan,
Tanging ako lamang ang may sapat na karanasan.

Sa tindig pa lang, wala na kayong panlaban,
Hapis na katawan, dinaig pa si SuperMan,
Kulay pa ng buhok, tingnan nyo't inyong pagmasdan,
Pati ang ngiti kong makatunaw kalamnan.

Di naman ako magi-stripe kung wala lang,
Di naman ako magba-brown ng walang dahilan,
Ang salitang kagwapuhan ay para sakin lamang,
Iyon ay naimbento ng ako ay isilang.

Katagang kagwapuhan ay parang di bagay,
Sa mga itsura ninyong parang lantang gulay,
Dahil sa ako ang may akda at akin itong blog,
Hindi ako papayag na ako'y inyong matibag.

Singkit pa ang mata ko sa puntong ito,
Dahil sa isdang bilasa na nakahahawang sakit ko,
pero tingnan nyo kung sino ang gwapo,
Bulag lang ang magsasabing nasa kanilang tatlo.


Nota: Nilikha ko ang posteng ito habang kumakain ako ng pinya.
Napagisip-isip ko lamang.
Ang pinya pala ay nakakapagpalakas. Kaydali ko kasing nabuhat ang napakabigat kong bangko. :)

Monday, September 20, 2010

ISDANG BILASA

May mga puting nakapaligid na tila namumuong gatas sa aking mga mata...
May magalas na parte na parang may mga maliliit na buhangin akong nadarama...
May kung anong hapdi at kirot na sa damdamin ko ay pumupukaw...
May tila masakit na alaalang syang nagiging dahilan sa malimit na pag-agos ng aking luha...

Ito ang mga eksenang gumising sa akin kaninang umaga. Mga eksenang nakapag-palamig sa aking pakiramdam.

Hindi pa man din ako tuluyang nakakawala sa bangungot na dulot ng sakit na BABOY SA. Muli na naman akong sinalubong ng panibagong karamdaman na siyang maaaring maging dahilan para ako ay muling pandirihan. Isang sakit na gaya ng baboysa ay makukuha mo lamang daw kapag kulang ka sa paligo dahilan upang maginit ang iyong katawan. Isa itong viral na sakit na kung saan ay maaari kang makahawa ng di mo sinasadya. Ito ay napapanahong karamdaman.

Nag-isip ako ng kung ano anong paraan para maagapan ang lahat. Nilapatan ko ng yelo ang paligid ng aking mga mata ngunit sumakit lamang sya. Buti na lamang at biglang pumasok sa aking isipan ang isang kaibigan na minsan ng nagpayo sa akin kung ano ang mabisang panlunas dito, napangiti ako at tila nakaramdam ng kaunting kasiyahan, dali dali akong naghanap ng nasabing panggamot. Iyon ang kabilin bilinan nya sa akin. Sinubukan ko ang mabisang panlunas na kanyang nabanggit ngunit nakalipas na ang ilang oras magpasahanggang ngayun ay wala paring nangyayari. Bagkus ang hapdi ay tila lalo pang lumalala. Ako ba ay pinaasa lamang nya? Akala ko pa naman ay tunay syang kaibigan. Nakakalungkot isipin subalit pakiramdam ko ay huli na ang lahat. Bihag na ako ng isang panaginip na sana ay madalian akong magising.

Hindi lahat ng namumula ay nasundot ng daliri... (Ang iba rito ay mas malaki ang nakasundot)
Pero karaniwan sa nasusundot ay nagdurugo... Anong sense? wala! Gusto ko lang sabihin.

PAALALA: Ang gamot na sinasabing mabisang panlunas ay IHI ng ASO! Ito ang syang naaalala kong nabanggit sa akin nung kaklase ko nung Grade 3.

Paraan ng Paggamot!

1. Kumuha ng Aso. Siguraduhing ang aso ay nasa mabuting kundisyon.
2. Kumuha ng supot (mas maganda yung plastik ng yelo or ice candy) at duon ay paihiin ang ASO. Siguraduhing walang masasamang dumi nya.
3. Itali ang supot at butasan ng maliit sabay ipatak sa bilasang mata. Ulitin ng tatlong beses.
4. Itago sa ref ang matitirang ihi. mas maganda kung sa freezer para magyelo.

Ayon sa kanya, makalipas lamang ang ilang minuto ay ramdam mo na ang epekto nito.

NOTA: Ang gamot na aking nabanggit ay kathang isip ko lamang, wag sanang gayahin ninuman pero wala namang masama kung inyo ding susubukan.

Wednesday, September 15, 2010

BAYAN ni JUAN

"Kahit pa nasang sulok ka man ng universe, distance will never be an issue anymore. Infact, mas magiging matatag pa ang inyong pagsasama, dahil sa pamamagitan ng komunikasyon, ang tiwala ng bawat isa ay hindi mawawala bagkus ito ay mas iigting pa."

INSPIRASYON

Mas minabuti ninyong paglingkuran at pagsilbihan ang ibayong dagat,
Tiniis ang matinding lungkot, hirap at pagkalumbay para sa ikabubuti ng lahat,
Handang isakripisyo at isantabi ang pansariling kaligayahan,
Handang ibuwis ang buhay di lamang sa pamilya kundi para din sa sariling bayang sinilangan.

Umalis kayo sa ating bayan, bitbit lamang ang isang mumunting sisidlan,
Na may kaagapay na pangarap at tapang upang harapin ang bagong kabanatang nagaabang,
Walang sinumang nakakaalam, kung ano ang maaaring kahinatnan,
Ng inyong pakikipagsapalaran at pakikisalamuha sa bayan ng mga dayuhan.

Kayo ang aming mga bagong bayani sa makabagong henerasyon,
Kayo ang dahilan kung bat marami sa amin ang namumuhay na may ngiti at bagong pag-asa na syang nagiging inspirasyon,
Kayo ang simbolo ng tunay na kadakilaan, katatagan at pagka-maka Pilipino,
Kayo ang syang bayani ng inyong pamilya, ating Inang bayan at maging ng buong mundo.

Higit pa sa salapi at kaginhawahan ang inyong naibibigay,
Higit pa sa pagtaas ng ekonomiya at naggagandahang bahay ang inyong nabigyang buhay,
Kaya naman ang tangi naming nais ay kayo ay mabigyang pugay,
Kilalanin ang katatagan at sakripisyong inyong inaalay.

Sa tahanan naguumpisa ang tunay na katatagan ng Bayan,
Sa Pamilya nagmumula ang inspirasyon ng mga nakikipagsapalaran,
Milya milya man ang layo at ilang bagyo man ang inyong pagdaanan,
Alam ko sa sarili ko, iba ang tatag ng bawat Pilipino saan mang sulok ng Mundo!

Ang posteng ito ay hinugot ko lamang dito. :-)

Wednesday, September 8, 2010

10.9.8.7.6.5.4.3.2.1 Hate List w/ Motto

Bilang pagtupad sa naipangakong pagsagot sa ginawang pag-tagged sa akin ni Rainbow bux, at dahil sa nauuso na lang din ang tag tag na yan, eto ang aking sampung kaugaliang gustong maalis sa aking pagkatao (jokkkkkkkeeeeeeee... yung iba lang pala ang gusto kong maalis dito) lolz.

10. Matatakutin- Takot ako sa dilim at ayaw kong nanonood ng mga Horror movies lalo na't babae ang kasama.. Natatakot kasi ako sa maaari nyang gawin!
Motto: Di bale ng takot sa dilim! Di naman nagpapaC#$%%pa sa Bading!

9. Gasgasero- Langya, gasgas na gasgas sa akin ang bulsa ko kapag may atik ako! one time big time ika nga. Kaya yun, pag nangailangan, wala ng madukutan.
Motto: Aanhin mo pa ang Pera mo, kung wala ka namang chix na gagastusan nito.

8. Kaskasero- Masyado akong mabilis magmaneho, kaya naman nakaranas na ko ng aksidente sa motor. Pero wag ka, mabilis din akong dumiskarte. lolz
Motto: Mas mabuti nang sa kaskasero nakasakay, kaysa naman sa sasakyan ng patay.

7. Sobrang Masiyahin- Minsan gusto ko ng mag-seryoso, pero dahil sa lagi daw akong nkatawa (ala mong ang dating), walang sumiseryoso sa akin. hehehe.. hahaha..! di naman ah.. tsk tsk!
Motto: Ang taong masiyahin, may gustong tirahin.

6. Talentado- Sa sobrang talentado, Maepal na ang dating ko.
Motto: Di bale ng ma-epal, wala namang Ku@%4L.

5. Sakitin- Madalas akong magkasakit! Kahit pa ilang beses ipaalala sa akin na bawal magkasakit, hindi ko magawang pigilan. pakshet! Buti na lang at hindi nakakahawa ang sakit na Kagwapuhan.
Motto: Sakitin man daw at magaling, ang tao ay mamamatay din.

4. Peak ON- Mahilig akong mambuska at isa akong dakilang alaskador subalit kapag aketch na ang nasa hot seat. madaling mag Peak ang aking pasensya at agad ON the go to walk out na.
Motto: Di bale ng mainitin ang ULO, basta wala lang tumutulo dito. :-)

3. TAMAD Sipagin/Masipag Tamarin- I hate tamad na tao, kaya I hate myself sometimes. Minsan, aabutin ko na lamang ang isang bagay ay ipapaabot ko pa. Gagawin ko na lamang ay ipa-mamaya ko pa. Peborit kong line.. "MAmaya Na"..
Motto courtesy of TADO Shirt: Di bale ng tamad, di naman pagod.

2. Napaka-Mapagbigay- Hindi ako maramot. Ito ang madalas naming pag-awayan ni kukuru kuku. Pag may humingi kasi ng pagmamahal, hindi ako maramot magbigay. pis-awt :-)
Motto: Di ko kasalanan maging lapitin, at lalo namang ipanganak ng may kagwapuhang angkin.

1. Imbentor- Lahat ng nailathala ko ay imbento ko lamang. hehehe
Motto: Ang taong magaling magimbento, ay may matigas na toot toot.


Monday, September 6, 2010

BABOY SA.....!!!


NOTA: Sa lahat ng posteng nagawa ko, dito ako may pinaka pinaghugutan ng Inspirasyon.

Halos isang linggo rin akong nawala sa sirkulasyon.
Sa kadahilanang nagkaroon ako ng isang karamdamang nakakahawa.
Isang karamdamang pinandidirihan ng karamihan.
Isang karamdamang nararanasan lamang ng isang taong madumi ang dugo at kung minsay di naliligo ayon sa iba.

Hindi ko inakalang mararanasan ko ang pakiramdam na ganun kung saan ay halos mamilipit ako sa sakit.
Ang aking luha ay di makayang pigilan at kusa itong bumubuhos na tila walang katapusan.
Ang aking mga paa ay hindi makapaglakad ng maayos na masahol pa sa may saklay at umiika ikang paa na kahit papaano ay nakakarating sa lugar na gustong puntahan.
Ang aking pag-upo ay dahan dahan lamang at tila ba mayroon taeng namumuo sa aking puwitan.
Ang pakikipagusap ko sa iba ay hindi halos maunawaan dahil sa pabugsu bugsong sakit na tila hindi kakayanin ng aking mala artistahing katawan.

Nung sabado ay nangyari na nga ang aking pinangangambahan, hindi ko na kinaya pa ang sakit na aking nararamdaman, dali dali akong nagpadala sa ospital para patingnan ang aking lumalalang karamdaman. Tanghali na ng mga oras na iyon, mahaba ang pila at ang aking sikmura ay kumakalam. Mahigit dalawang oras din akong nag-antay bago ako masalang. Sinilip ko ang sugat na syang may dulot ng kirot at sakit na aking dinadala. Malala na sya, may tila mga laway na namumuo sa kanyang paligid. Ninais ko sanang kuhanan iyon ng litrato para iposte rito subalit ang kanyang kinalalagyan ay malapit sa parteng ubod ng selan. Nahiya ako ng kaunti, kaya huwag na lang. Pinahiga ako ng Doktor, sinilip ang aking sugat, nakita nya ang malamayonnaise na itsura nito at saka sya biglang napasimangot. Kumuha sya ng gamit na parang malaking Tyani (gamit pantanggal buhok sa kili kili) at unti unti nyang inihiwalay ang mayonnaise sa aking kalamnan. "Aaaahhhh", Ito lamang ang mga katagang aking nabitawan habang isinasagawa nya ang masusing pagoopera sa aking karamdaman. Makalipas lamang ang ilang minuto ay naging maayos na din ang lahat. Binigyan nya ko ng listahan ng mga karampatang panlunas para daw maagapan ito at hindi na makahawa pa.

Narito ang ilang paalalang makatutulong sa pagtukoy sa aking karamdaman.

Hindi lahat ng may mata ay nakakakita...
Hindi lahat ng namumula ay nahihiya...
Hindi lahat ng may gatas ay masustansya...
At hindi lahat ng pumuputok ay masarap paglaruan...

BABOY SA....PakshEt KA!