NOTA: Sa lahat ng posteng nagawa ko, dito ako may pinaka pinaghugutan ng Inspirasyon.
Halos isang linggo rin akong nawala sa sirkulasyon.
Sa kadahilanang nagkaroon ako ng isang karamdamang nakakahawa.
Isang karamdamang pinandidirihan ng karamihan.
Isang karamdamang nararanasan lamang ng isang taong madumi ang dugo at kung minsay di naliligo ayon sa iba.
Hindi ko inakalang mararanasan ko ang pakiramdam na ganun kung saan ay halos mamilipit ako sa sakit.
Ang aking luha ay di makayang pigilan at kusa itong bumubuhos na tila walang katapusan.
Ang aking mga paa ay hindi makapaglakad ng maayos na masahol pa sa may saklay at umiika ikang paa na kahit papaano ay nakakarating sa lugar na gustong puntahan.
Ang aking pag-upo ay dahan dahan lamang at tila ba mayroon taeng namumuo sa aking puwitan.
Ang pakikipagusap ko sa iba ay hindi halos maunawaan dahil sa pabugsu bugsong sakit na tila hindi kakayanin ng aking mala artistahing katawan.
Nung sabado ay nangyari na nga ang aking pinangangambahan, hindi ko na kinaya pa ang sakit na aking nararamdaman, dali dali akong nagpadala sa ospital para patingnan ang aking lumalalang karamdaman. Tanghali na ng mga oras na iyon, mahaba ang pila at ang aking sikmura ay kumakalam. Mahigit dalawang oras din akong nag-antay bago ako masalang. Sinilip ko ang sugat na syang may dulot ng kirot at sakit na aking dinadala. Malala na sya, may tila mga laway na namumuo sa kanyang paligid. Ninais ko sanang kuhanan iyon ng litrato para iposte rito subalit ang kanyang kinalalagyan ay malapit sa parteng ubod ng selan. Nahiya ako ng kaunti, kaya huwag na lang. Pinahiga ako ng Doktor, sinilip ang aking sugat, nakita nya ang malamayonnaise na itsura nito at saka sya biglang napasimangot. Kumuha sya ng gamit na parang malaking Tyani (gamit pantanggal buhok sa kili kili) at unti unti nyang inihiwalay ang mayonnaise sa aking kalamnan. "Aaaahhhh", Ito lamang ang mga katagang aking nabitawan habang isinasagawa nya ang masusing pagoopera sa aking karamdaman. Makalipas lamang ang ilang minuto ay naging maayos na din ang lahat. Binigyan nya ko ng listahan ng mga karampatang panlunas para daw maagapan ito at hindi na makahawa pa.
Narito ang ilang paalalang makatutulong sa pagtukoy sa aking karamdaman.
Hindi lahat ng may mata ay nakakakita...
Hindi lahat ng namumula ay nahihiya...
Hindi lahat ng may gatas ay masustansya...
At hindi lahat ng pumuputok ay masarap paglaruan...
BABOY SA....PakshEt KA!
30 comments:
Ketong ba toh? -hindi
STD ba toh? - hindi
Almuranas ba toh? - hindi
Buni ba toh? - hindi
Tigyawat ba toh? - hindi
Malabo naman na PIGSA toh... wala bang clue?
Pimple ba to, manong driber? Or baka almoranas? Hehehe!! Sa pamamasada mo yan sa buong maghapun. istress.. hehehe.. peace!
parang alam ko to ah...hehehe
buni na may kurikong na sinamahan pa ng alipunga na namaga at nagmukhang almoranas?
PIGSA YAN, WAG KA MAGMAANGMAANGAN PA. RAMDAM KONG PIGSA YAN. WALANG DUDA. HEHEHE :)
baka naman pimpol lang yan... lumaki lang kaya naging PIGsa! pero wala akong clue kung ano ba talaga ang karamdaman mo... BAKA lang kasi PIGsa yan... tama ba?! lol
Is it a zit near your singit? LOL.
TNT - tawa ng tawa... :P
kumustahin naman ang pinaghugutan mo ng matinding inspirasyon mo na pigsa?? hahahaha.. so i guess isa sa mga realization para sa ming mga readers mo ng katotohanang HINDI KA NALILIGO hahahaha.. sorry naman sa pagkakaemphasize hahaha...
anuverrrr kuya.. sana naman sa susunod may warning (bells) na nakalagay na BAWAL BASAHIN HABANG KUMAKAIN. amputek.. ang sarap pa naman ng ulam ko.. may maputing sauce.. taena ka! hahahaha
hula ko pigsa??
ay pigsa yan. may kakilala me na nagkameron din nyan,at binlog din nya. lols naalala ko nga sya.
that's pigsa na parang bagyo kasi with mata. lols
good thing pinadoctor mo na sya
ang lala naman ng BaboySA mo boi. dapat ni-try mo yung bote. PLOK!
pigsa, period. hahaha!
chicken fox ba,hehe..
hahaha malaking tigyawat yan, dapat bossing kinukos mo ng eskinol hahaha
Hindi lahat ng may mata ay nakakakita...
Hindi lahat ng namumula ay nahihiya...
Hindi lahat ng may gatas ay masustansya...
At hindi lahat ng pumuputok ay masarap paglaruan...
natawa ko jan.
pero... kadire naman!!!!! ano to!!!!!!!!!!
Tumor yan na malapit nang magkatawang tao...
over-sized pimple yan. grabs, sa ospital pa ang operasyon.
dumaan,
PIGSA 'yan. No doubt. Haha!
ay alam ko kung ano yan..pero hindi ko sasabihin kung ano. ganyan talaga nangyayari kapag hindi naliligo ahahahaha!! joke pang po.
hahaha pigsa!
baka nga pigsa yan. hahaha! :D okay lang yan. okay ka na ngayon. ingat ka lang lagi. :D
hahaha, nice post jhakie ^_^ ewan ko nalang kung hindi pa nila mahulaan ito!!!
>> pero buti naman at magaling kana!! pinag alala mo ako the last time eh!! don't do that again ukie!!!
>>> paggaling kapa!! and maligo kana!!!
hihihi, nakakahawa ba talga ito!!
yikes PIGSA PIGSA lols~~
at may pinaghuhugutan talga ang pigsa story mo lols~~
weeeeiiiiiii........maligo kasi ng bonggang bongga hahaha jokes lng~
sus sana mapost n tong komento ko
kagabi pa ako d makakomment binlock moko noh?hahha
sakit ng di naliligo?! XD
sabi nila pigsa, so sige pigsa na rin hula ko wahaha :)
pigsa ba ito o pigsa? o baka septicemia? maduming dugo daw eh...madami akong hula dapat? heheh
sa pagkakadescribed malinaw pa sa picture ang itsura nito.Sana ma isapilikula na lang ito.
PIGSA ! hahaha
eeww, haha
at least hindi dengue, keri na nag pigsa. haha
Grabe sa description ah..
Malala pa 'to sa kiniwento mo sakin e..
hahaha.. kamusta naman??
Buti magaling ka na.. wag ka na ulit magpapababoy ha?? este be healthy.. :D
Ligo naman dyan. :)
Post a Comment