Wednesday, September 15, 2010

BAYAN ni JUAN

"Kahit pa nasang sulok ka man ng universe, distance will never be an issue anymore. Infact, mas magiging matatag pa ang inyong pagsasama, dahil sa pamamagitan ng komunikasyon, ang tiwala ng bawat isa ay hindi mawawala bagkus ito ay mas iigting pa."

INSPIRASYON

Mas minabuti ninyong paglingkuran at pagsilbihan ang ibayong dagat,
Tiniis ang matinding lungkot, hirap at pagkalumbay para sa ikabubuti ng lahat,
Handang isakripisyo at isantabi ang pansariling kaligayahan,
Handang ibuwis ang buhay di lamang sa pamilya kundi para din sa sariling bayang sinilangan.

Umalis kayo sa ating bayan, bitbit lamang ang isang mumunting sisidlan,
Na may kaagapay na pangarap at tapang upang harapin ang bagong kabanatang nagaabang,
Walang sinumang nakakaalam, kung ano ang maaaring kahinatnan,
Ng inyong pakikipagsapalaran at pakikisalamuha sa bayan ng mga dayuhan.

Kayo ang aming mga bagong bayani sa makabagong henerasyon,
Kayo ang dahilan kung bat marami sa amin ang namumuhay na may ngiti at bagong pag-asa na syang nagiging inspirasyon,
Kayo ang simbolo ng tunay na kadakilaan, katatagan at pagka-maka Pilipino,
Kayo ang syang bayani ng inyong pamilya, ating Inang bayan at maging ng buong mundo.

Higit pa sa salapi at kaginhawahan ang inyong naibibigay,
Higit pa sa pagtaas ng ekonomiya at naggagandahang bahay ang inyong nabigyang buhay,
Kaya naman ang tangi naming nais ay kayo ay mabigyang pugay,
Kilalanin ang katatagan at sakripisyong inyong inaalay.

Sa tahanan naguumpisa ang tunay na katatagan ng Bayan,
Sa Pamilya nagmumula ang inspirasyon ng mga nakikipagsapalaran,
Milya milya man ang layo at ilang bagyo man ang inyong pagdaanan,
Alam ko sa sarili ko, iba ang tatag ng bawat Pilipino saan mang sulok ng Mundo!

Ang posteng ito ay hinugot ko lamang dito. :-)