Friday, September 24, 2010

SINO DAW?

From Left to right (Daddy Kuri, Enteng, Nafa, MD)

Nang magkita kita ang mga walang kwentang blogger, naisipan naming magpakuha ng picture para lamang masagot ang katanungang gumugulo sa aming mga isipan.

Tanong: Sino ang pinakagwapo sa aming apat?

MGA kasagutan:

Kung kagandahang lalaki lang din ang paguusapan,
Kailanman ay di papahuli ang may nunal jan,
Bukod sa matangkad, at may mapang-akit na katawan,
Tanging ako lamang ang may sapat na karanasan.

Sa tindig pa lang, wala na kayong panlaban,
Hapis na katawan, dinaig pa si SuperMan,
Kulay pa ng buhok, tingnan nyo't inyong pagmasdan,
Pati ang ngiti kong makatunaw kalamnan.

Di naman ako magi-stripe kung wala lang,
Di naman ako magba-brown ng walang dahilan,
Ang salitang kagwapuhan ay para sakin lamang,
Iyon ay naimbento ng ako ay isilang.

Katagang kagwapuhan ay parang di bagay,
Sa mga itsura ninyong parang lantang gulay,
Dahil sa ako ang may akda at akin itong blog,
Hindi ako papayag na ako'y inyong matibag.

Singkit pa ang mata ko sa puntong ito,
Dahil sa isdang bilasa na nakahahawang sakit ko,
pero tingnan nyo kung sino ang gwapo,
Bulag lang ang magsasabing nasa kanilang tatlo.


Nota: Nilikha ko ang posteng ito habang kumakain ako ng pinya.
Napagisip-isip ko lamang.
Ang pinya pala ay nakakapagpalakas. Kaydali ko kasing nabuhat ang napakabigat kong bangko. :)

29 comments:

Emmaleigh said...

LOLOLOLOL!!! owwkaay!


I'm outta here haha

peace!

feRry jHoi ^.^ said...

I'll vote for the 5th guy!!!!

hhihihihi ^_^

Nauna din sa comment!!

serious:

Daddy Kuri
genious look, mukhang matino pero malamang hindi!!! nyahaha

Tengoy:
payat pero astig, tignan mo naman!!! ang kapal ng buhok!!
yun lang!!!

Nafa:
chubbyness din like me!! kahit sa picture mukhang matampuhin!! pano pa kaya sa personal!!! nyaahaha

Jhakie:
Hindi na nahalata ang sore eyes mo sa liit ng mata mo!!! bakat jhakie ^_^ hihihih (yung tyan moh)!!!

>>>> POGIta kayong lahat!!!

no doubt partners in crime talaga kayo!!!

YanaH said...

taragis.. makalaglag upuan naman pala kayo weh.. literal akong nalaglag sa upuan sa kakatawa sa psot na toh. anuverrrr hahaha


may mga ilang katanungan lamang ako:

1. ano bang mga karanasan ang meron so daddy kuri?

2. ano ba kulay ng buhok ni enteng bukod sa itim, may kakaiba ba?

3. konek ng stripes at brown sa kagwapuhan?

4. sa tingin mo ba bulag ako?

**sana walang mga id.. nagmukha kayong mga estudyante sa istilo ninyo hahahaha.. sorry nemen sa mga puna... iminodel nyo sana ang fire extinguisher..

para sa ikatatahimik ng lahat.. gwapo kayong lahat sa paningin ko.. (wag sana makita ang paghaba ng ilong ko ahihihihi joke)

rainbow box said...

lol @ yanah! kume-question ateng? hahahaha! sabagay may point yung sana wala ng ID! lol!

parang kaung mga bata sa skul na nagpicturan! lol! talagang nagbag pa yung dalawa! hahaha!

lol @ bakat! grabeh tawa don!

kau na pogi! kau naaaaa! hahaha!
pagaling ang may sore eyes para sa susunod na magpicturan hindi na..

*oh ready picture picture*

1....

2....

3....

*sleep*


peace ken! =P

I am Xprosaic said...

Bwahahahahhahaha grabe naman pati sa comment ang kukulit din... o sila na ang humusga bwahahahahhahaha...
-peace-

MarcoPaolo said...

parang boyband lang enoh! LOL

E•M•O•T•E•R•A said...

astiiigg! magkakakilala pala kayong apat?! oo nga noh. parang boy band ito.


sample!
sample!
sample!
sample!
sample!

=))

Leah said...

Bumisita lang sana ako.. pero di ko napigilan ang aking self na hindi magkoment.. Hihi.

Kitang-kita naman oh. Gwapo si daddy kuri. Pero mas gwapo yata si enteng. Sa buhok pa lang oh, cute na cute na. Pero (ulit) baka magalit sa akin nafa at ibuzz ako lagi sa YM, kaya syempre mas gwapo si nafa. Pero (ulit) since blog to ni MD, eh di sige.. pagbigyan. Pinakagwapo si MD.

Hahaha!!! Oi, ang burger ko.. hinihintay ko, di pa ata dumarating.

Jag said...

JUSKO! Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko hahaha! At dahil nagcomment na ako nawalan na ng saysay ang kagwapuhan nyo dahil andito na ako...LOL...

rainbow box said...

@jag: lol! iedit mo! isama mo picture mo ng magkaalaman na! ikaw na ang magiging fifth guy! may bumoto na sayo! =P

khantotantra said...

wow, f4........

Kayo na ba ang pinoy versions ng f4.

same lang ba kayo ng office?

maginoongbulakenyo said...

Eto ba ang batayan ng kagwapuhan? teka magugunaw na ba ang mundo..Lolz

To be honest 1000 pogi points for daddy kuri, syempre hindi papatalo ang kababayan kong si MD...kayo nalang magbigay ng points sa kanya..antok nako..bwahahaha

Super Jude said...

HAHAHA. yan ang self confidence! bulag lang ang magsasabing hindi ikaw gwapo!! :))

janjan said...

nyahahhaahha! oi cute si daddy kuri no offense...hahahah! pero ang ganda ng tula.

Diamond R said...

ang may ari ng blog ang pinakagwapo.yon lang ang aking masasabi. Yong iba pogi lang

Arvin U. de la Peña said...

mahirap pumili,hehe..kasi baka unfair sa hindi ko mapili..

Traveliztera said...

Hahaha ang galeng ng tula !

at syempre... dun ako sa DENM. hahaha!

Axl G. said...

yun yun oh.. parang cover lang ng cd :D

Anonymous said...

kailangan ko ng isang libong glasses para makita ang kaguwapuhan nu jokes lang haha...pero kung may magbibigay ng 10libong piso sa inyong apt sakin ikaw na ang guapo para sakin nyaaaahahha....
anong meron bat nagpapic kau?bday ni Ondoy?
d ko alam kung model kau ng mga backpack dun sa sahig or fire extinguisher hehehe...

peace***^_____^

-unni-
(ang tamad mag log in)haha

Mau said...

kayo na guwapo... ahahaha...buyband kung buyband ang drama..

Chingoy said...

sensya naman, kay Fafa Nafa ako haaaaaaaaaayyyy!!! :p

Sendo said...

nabubulag ako sa kagwapuhan niyo ah haha

KUMAGCOW said...

kelangan pong mag talent portion para malaman ang katotohanan...hehe

Si kuri school mate ko yan nung college eh hehe

Benh said...

kung kagwapuhan lang din ang usapan eh pantay-pantay naman kayo.. buti pa daanin nio na lang sa kontes na parang "Blogger Got Talent" pra magkaalaman na.. haha! Palakasan na lang ng palakpak.. :))

Anna said...

sinabi ko na sa YM ang boto ko ah, 'all of the above.' =)

Pirate Keko said...

sa iyongtanong, ito ang aking sagot
sa iyong akdang, hindi nakakabagot.
ang pinaka gwapo sa inyong apat,
ang manlilibre ng meryendang sapat :) hahahaha. COOL!!
ang gwapo talaga.. BURGER BURGER

Poldo said...

eto ang tumapos sa career ng EF POR! panis!!! hahahaha

ang tindi! parang nakikita ko sa inyo yung star cast ng The HANGOVER hahahaha

RICO said...

f4 sucks!!! MD,KURI,enteng,NAFA RULES!!!!

Mokong™ said...

kaya pala nalaos ang mga boyband... dahil sa inyo... yan ang masarap kasama sa inuman... sali ko! para kumpleto boyband...lolz