Wednesday, September 8, 2010

10.9.8.7.6.5.4.3.2.1 Hate List w/ Motto

Bilang pagtupad sa naipangakong pagsagot sa ginawang pag-tagged sa akin ni Rainbow bux, at dahil sa nauuso na lang din ang tag tag na yan, eto ang aking sampung kaugaliang gustong maalis sa aking pagkatao (jokkkkkkkeeeeeeee... yung iba lang pala ang gusto kong maalis dito) lolz.

10. Matatakutin- Takot ako sa dilim at ayaw kong nanonood ng mga Horror movies lalo na't babae ang kasama.. Natatakot kasi ako sa maaari nyang gawin!
Motto: Di bale ng takot sa dilim! Di naman nagpapaC#$%%pa sa Bading!

9. Gasgasero- Langya, gasgas na gasgas sa akin ang bulsa ko kapag may atik ako! one time big time ika nga. Kaya yun, pag nangailangan, wala ng madukutan.
Motto: Aanhin mo pa ang Pera mo, kung wala ka namang chix na gagastusan nito.

8. Kaskasero- Masyado akong mabilis magmaneho, kaya naman nakaranas na ko ng aksidente sa motor. Pero wag ka, mabilis din akong dumiskarte. lolz
Motto: Mas mabuti nang sa kaskasero nakasakay, kaysa naman sa sasakyan ng patay.

7. Sobrang Masiyahin- Minsan gusto ko ng mag-seryoso, pero dahil sa lagi daw akong nkatawa (ala mong ang dating), walang sumiseryoso sa akin. hehehe.. hahaha..! di naman ah.. tsk tsk!
Motto: Ang taong masiyahin, may gustong tirahin.

6. Talentado- Sa sobrang talentado, Maepal na ang dating ko.
Motto: Di bale ng ma-epal, wala namang Ku@%4L.

5. Sakitin- Madalas akong magkasakit! Kahit pa ilang beses ipaalala sa akin na bawal magkasakit, hindi ko magawang pigilan. pakshet! Buti na lang at hindi nakakahawa ang sakit na Kagwapuhan.
Motto: Sakitin man daw at magaling, ang tao ay mamamatay din.

4. Peak ON- Mahilig akong mambuska at isa akong dakilang alaskador subalit kapag aketch na ang nasa hot seat. madaling mag Peak ang aking pasensya at agad ON the go to walk out na.
Motto: Di bale ng mainitin ang ULO, basta wala lang tumutulo dito. :-)

3. TAMAD Sipagin/Masipag Tamarin- I hate tamad na tao, kaya I hate myself sometimes. Minsan, aabutin ko na lamang ang isang bagay ay ipapaabot ko pa. Gagawin ko na lamang ay ipa-mamaya ko pa. Peborit kong line.. "MAmaya Na"..
Motto courtesy of TADO Shirt: Di bale ng tamad, di naman pagod.

2. Napaka-Mapagbigay- Hindi ako maramot. Ito ang madalas naming pag-awayan ni kukuru kuku. Pag may humingi kasi ng pagmamahal, hindi ako maramot magbigay. pis-awt :-)
Motto: Di ko kasalanan maging lapitin, at lalo namang ipanganak ng may kagwapuhang angkin.

1. Imbentor- Lahat ng nailathala ko ay imbento ko lamang. hehehe
Motto: Ang taong magaling magimbento, ay may matigas na toot toot.


33 comments:

enebetable said...

tsktsk.. gaya gaya ky nafa..

MiDniGHt DriVer said...

@eneb: buguy.. tag yan! hehehe

E•M•O•T•E•R•A said...

hahaha! maglalabasan na ba tayo ng 10 bagay na hindi pa alam ng kapwa-bloggers natin? hehehe

nice post. :) parang ayaw ko rin ipost ang akin. :) hahaha!!

natatawa ako sa Sobrang Masiyahin. :D

maginoongbulakenyo said...

LOL! makagawa nga ng ganito, ingitero ako e.hahaha

nafacamot said...

malibing driver... pinanindigan na ang pagiging babaero... malamang walang december sa buhay mo parekoy pag nagkataon...

Leah said...

Hahaha!! Mapagbigay? Ay sana, isinulat ko rin yan sa listahan ko. Generous din ako masyado eh, to the point na inaabuso na. Ngek!!

Matatakutin ka rin? Ows! Di mahilig sa horror movies? Ows! Di nga.. gaya-gaya ka lang eh.. LOL. Pis!!! =)

rainbow box said...

ewan ko lang sa imbentor... hahaha! maganda rin naman tong pauso ko na to eh noh! =P (imbentor din pala ko, siguro pag naging lalake ako malaki din ang toot toot ko)

magkita kits tayo pag kinsenas o katapusan! gasgasin natin yan! hahaha!

AdroidEnteng said...

parang kulang yung 10 things lang?more more more!heheheh....piz!

YanaH said...

ano ba uunahin kong kumentuhan? hmmm...
sinabi ko an nga ba't reckless driver ka.. tsk tsk tsk.. mabilis dumiskarte? weh di nga?
# 4... hahahaha tingnan natin...
# 2 n # 1... ncnr (no comment/no reaction) hahahahaha

wala ko sa mood magcomment.. hahaha

MarcoPaolo said...

tnt... may motto pa talaga. Imbentor ano yong toot toot na yon? :D

MiDniGHt DriVer said...

@emotera: san k natuwa dun? sa motto? lolz

@bulakenyo: hahaha.. go parekoy! yun pa pala, pang-11 ko ang inggitero, gusto mo malaman ang motto? hehehe

@nafa: parekoy, idol kita eh. u know! lolz

MiDniGHt DriVer said...

@Leah:aw, it hurts...lolz

@box:wahahaha, tama.. ikaw ang tunay na imbentor. nice nice
+1 karma sayo.. manlilibre k?

@android: yan lang ang hate ko pare, yung iba puro na likes. lolz

@yanah:at wala k pa sa mood nyan??? lolz

@marco: wahahahaha.. ano ba yung katunog ng imbento?lolz

janjan said...

hahaha! natawa ako dito. motto #2 : talaga lng ha?

Artiemous said...

panalo to! hahaha! :D lalo na yung takot sa dilim! :D

Jag said...

at may motto pa talaga hahaha...natawa ako sa di bale ng mainitin ang ulo basta wala lang tumutulo dito adik hahaha...

hahaha I love horror films ahihihi...gustong gusto ko ang katatakutan ahihihi...

Emmaleigh said...

well, I refuse to believe that these are all imbentos haha

babaero! =))

kuri said...

parang hindi naman imbento to! hahah.

nauuso ata ang 10 things hate about myself post.

makagawa nga din ng akin.

ingitero much ako eh.

f e R r y j H o i said...

hindi sana ako mag comment eh ^_^ but I found myself clicking "Post a Comment" kaya yan!!! hihihi

>> elib nanaman ako sa mga motto mo!!! especially #1 and #7.. hahaha!! lufet non jhakie!!!

>>> Hindi kasi kita matiits MIDNIGHT DRIVER eh.. kaya you should be thankful for that ^_^
amf!!!!

princess said...

astig talga! actually pareho kmi ni ferry d dpat ako magcocoment. hehehe.. click ko dpat ung nakakatuwa eh ewan bkit nandito ako.. pis! like ko 7! astig ka tlga! :)

sikoletlover said...

balita ko nga magkamukha na kayo ni mong. mukhang pati sa'yo e kailangan ng magpa-schedule. tsk.

@parekoy - malamang nga mawalan ng december ngayong taon wahaha. sa sobrang mapagbigay kasi kadalasan namimis-interpret na ng others wooot!

I am Xprosaic said...

Buti at di mo sinabing "Galit ako sa mga ubod ng gwapong tao kaya I hate myself".... lol

rainbow box said...

@MDriver: wala ng gagasgasin saken. said na said na ko! lol! yung sayo nalang! =P hahaha

glentot said...

Haha alaskador na pikon? Ganung ganun rin ako ahaha

Mharliz said...

Parehas tayong takot sa dilim.. di tayo pwedeng magsama.. ahahaha
Hanep sa motto ah.. imbentor ka talaga!!

Tong-tong said...

hihi baliktad tayo sa horror movies. pero dili din me nagpapa#(@#*#$_) sa bading. natawa me sa linya mong yan!

gasgasero din me ng bulsa.

ay magaling din pala me mag imbento..

lol lol lol lol


natawa me much sa gawa mo pre

Greta said...

pareho tayo masayahin..meaning may gusto din ako tirahin?!!amen!

Traveliztera said...

"4. Peak ON- Mahilig akong mambuska at isa akong dakilang alaskador subalit kapag aketch na ang nasa hot seat. madaling mag Peak ang aking pasensya at agad ON the go to walk out na." - ohhhh... ako, pag inaalaska ako, d ko sinsagot haha kasi alam kong mas pikon ung nang-aalaska sakin hahaha! grabe, ang considerate pa e noh hahaha!

at xmpre, alam kong inimbento mo lang lahat. HAHAHAHAHAHA!

Arvin U. de la Peña said...

hanga ako sa galing mong mag imbento............

AnLiz said...

funny to ah..napangiti ako

YAM said...

haha. naenjoy ko yung inembento mo.
:)

Leah said...

Awww.. joke lang naman yun. It hurts po ba? Pis na po... Yan. Mabuti na lang wala dito sa listahan ang PIKON at SENSITIB. hehehe.. Wait, ang #4, PIKON rin ba yun? LOL...

admin said...

hahahaha 7 and 4. nice..tama nga naman toh..at malapit na din akong magdisagree sa number 1 mo (=..parang truth lahat ito..hhehehehe

Chyng said...

wow ha, wala ba yung "mahangin"?
hehe joke!

apir sa sakit, sana di laging pigsa.. hehe