May mga puting nakapaligid na tila namumuong gatas sa aking mga mata...
May magalas na parte na parang may mga maliliit na buhangin akong nadarama...
May kung anong hapdi at kirot na sa damdamin ko ay pumupukaw...
May tila masakit na alaalang syang nagiging dahilan sa malimit na pag-agos ng aking luha...
Ito ang mga eksenang gumising sa akin kaninang umaga. Mga eksenang nakapag-palamig sa aking pakiramdam.
Hindi pa man din ako tuluyang nakakawala sa bangungot na dulot ng sakit na BABOY SA. Muli na naman akong sinalubong ng panibagong karamdaman na siyang maaaring maging dahilan para ako ay muling pandirihan. Isang sakit na gaya ng baboysa ay makukuha mo lamang daw kapag kulang ka sa paligo dahilan upang maginit ang iyong katawan. Isa itong viral na sakit na kung saan ay maaari kang makahawa ng di mo sinasadya. Ito ay napapanahong karamdaman.
Nag-isip ako ng kung ano anong paraan para maagapan ang lahat. Nilapatan ko ng yelo ang paligid ng aking mga mata ngunit sumakit lamang sya. Buti na lamang at biglang pumasok sa aking isipan ang isang kaibigan na minsan ng nagpayo sa akin kung ano ang mabisang panlunas dito, napangiti ako at tila nakaramdam ng kaunting kasiyahan, dali dali akong naghanap ng nasabing panggamot. Iyon ang kabilin bilinan nya sa akin. Sinubukan ko ang mabisang panlunas na kanyang nabanggit ngunit nakalipas na ang ilang oras magpasahanggang ngayun ay wala paring nangyayari. Bagkus ang hapdi ay tila lalo pang lumalala. Ako ba ay pinaasa lamang nya? Akala ko pa naman ay tunay syang kaibigan. Nakakalungkot isipin subalit pakiramdam ko ay huli na ang lahat. Bihag na ako ng isang panaginip na sana ay madalian akong magising.
Hindi lahat ng namumula ay nasundot ng daliri... (Ang iba rito ay mas malaki ang nakasundot)
Pero karaniwan sa nasusundot ay nagdurugo... Anong sense? wala! Gusto ko lang sabihin.
PAALALA: Ang gamot na sinasabing mabisang panlunas ay IHI ng ASO! Ito ang syang naaalala kong nabanggit sa akin nung kaklase ko nung Grade 3.
Paraan ng Paggamot!
1. Kumuha ng Aso. Siguraduhing ang aso ay nasa mabuting kundisyon.
2. Kumuha ng supot (mas maganda yung plastik ng yelo or ice candy) at duon ay paihiin ang ASO. Siguraduhing walang masasamang dumi nya.
3. Itali ang supot at butasan ng maliit sabay ipatak sa bilasang mata. Ulitin ng tatlong beses.
4. Itago sa ref ang matitirang ihi. mas maganda kung sa freezer para magyelo.
Ayon sa kanya, makalipas lamang ang ilang minuto ay ramdam mo na ang epekto nito.
NOTA: Ang gamot na aking nabanggit ay kathang isip ko lamang, wag sanang gayahin ninuman pero wala namang masama kung inyo ding susubukan.
18 comments:
dahil gusto mong dito ko na ipost, para siguro hindi mo makalimutan. eto na. lol! =P
warm compress - not cold - may relieve the pain due to sore yes. this may be applied 5-10 mins 3 times a day.
Anti-inflammatory and antibiotic eye drops or ointment may be used upon the advice of a health professional.
para naman din maginhawaan ka, iwasan ang laging pagtutuk sa PC. hindi yan tatakbo. ikadena mo lang.
get well soon! =)
may konek ba ang idang bilasa sa sore eyes pre? slow much na naman aketch.
andami dami mong maiisip na gamot ihi pa ng aso.
try mo kasi maligo pre.hehehe.
pre bagong tule ka???
hobby mo ba talagang magkasakit? tama... maliligo kasi kahit isang beses isang linggo...sabi nga ni kuri ano konek ng isdang bilasa?dapat maasim na yelo nalang para sa mga slowmuch na katulad nmin ni kuri...hehehe..
pare mali ata ang hula ko...sakit ba ng malibi yan???kuliti??
ahaha! get well soon! akalain mu naisip mu pa ihi ng aso anu konek s sore eyes? tama si nafacamot.. sore eyes nga ba yan o kuliti? hehehe... nice one! :)
kay ginoong ben mo ba nakuha yung lunas na iyan? naalala ko lang nung nasa spratlys tayo sa ilalim ng puno ng camachile yata yun nung binanggit niya ang lunas na yan. si rexel yata ang kailangan mo bwahahaha
anyways isa kang malaking YAK! una baboysa tapos ngayon isdang bilasa. diko maimagine susunod mong sakit. ewwwwwwww......
paano pala papaihiin ang aso sa plastik? hirap nun ah? ahahaha. sore eyes b o kuliti? hmmmm
pkiramdam ko ay stress ka. itapon mo na yang mga pinoproblema mo
viral infection talaga ang sore eyes ^_^ you need to consult your physician para maresetahan ka ng gamot!!!
Warm compress huh and not the cold one!!! avoid to much intact din sa sun, and PC!!! take a leave Jhakie!!!
Madaling makahawa yan, kaya stay away muna especially sa bata sa bahay!!!
get well soon, mabuti na yang ngaun ka inaatake nyan, kesa naman sa araw ng wedding mo diba??
ang sabi ng lola ko.. hindi naman daw masamang maligo magpaminsan-minsan..kaya kung ako sayo eh subukan mo din.. premises.. masarap sa pakiramdam.. true yun! walang halong eklavooo..
hahahaha...
patakan mo ng alcohol.. hahahaha
kadiri ka ihi ng aso.. andaming pwedeng maisip na ipatak ihi pa talaga ng aso.. pwede naman dinurog na dumi ng daga at rabbit tas i-dilute mo sa 1l ng tubig.. saka mo ipatak sa mata mo.. nyahahahaha...
*peace* MD.. :d
lol. at kala ko naman e may tunay na imbento ang klasmeyt mo ng grade3 at ikaw naman ay naniwala. haha.. buti nalang at kathang isip lang, muntik ko na gayahin. haha. joke.
dehins pa ko nagkakasore eyes. sana wag na kahit kelan.
malamang parusa sayo yan...hehehe.piz!..:D
after ng baboysa, magang eyes naman. grabe naman. iwas na sa sakit. Baka kasi sa susunod, mga kwentong kagat ng lamok naman ma post mo.
pagaling muna..... rest at drink vitamins
waaaaaaaaaaah!! sore eyes! get well asap. hehehe
hahahaha may sore eyes ka!!!! uso nga yan ngayon.
Mukhang malas ka ngayon parekoy ah... pagkatapos ng baboy sa eto na naman...hehehehehehhe... baka kung saan saan ka kasi nagsususuok... lol hehehehhehehe
Di ko kinaya yung ihi ng aso. Haha. Lalo kang maiimpeksyon. Nakangiwi mukha ko nung point na andun na me.
Parang lalong mapapahamak ang may sakit pag sinubukan nya yun!!!
hihi diba para sa sore eyes yang pinapagawa you?
awt buti nagkameron kang disclaimer na gawa gwa you lang to. hihi
Post a Comment