Wednesday, August 4, 2010

Ako Ay Nangarap Maging....

ARTISTA!

Sige tawa.. alam ko naman na pagtatawanan nyo ko kapag nalaman nyo ang tungkol sa pangarap ko. Hindi ko naman kayo masisisi, sino ba naman ang hindi matatawa sakin sa mga pinagbababanat kong ito? Ang lakas ng loob ko na sabihing gusto kong maging artista samantalang itsura ko pa lang lagpak na. Pero kayo din naman diba? aminin nyo man at sa hindi, minsan sa buhay nyo ay pinangarap nyo din maging artista at makita ang sarili nyo sa TV. Sino ba naman sa atin ang hindi nangarap na sumikat oh mapanood sa TV oh kahit yung simpleng makita lang natin ang ating sarili sa mga notebook oh dyaryo. Lahat tayo ay nangarap ng ganto nung mga bata pa tayo, ang kaibahan ko nga lang ay dinala ko padin yung pangarap nato hanggang sa magbinata ako at mukhang kahit sa pagtanda ko ay bitbit ko padin to. Kung naging gwapo lang sana ko, natupad ko na ang pangarap ko. Ooooopss, baka naman sabihin nyo na khit panget ay pwedeng maging artista, alam ko po yun, pero mahirap ng umasa sa tyamba, Iba padin kung may puhunan ka dba? Pero hanggang sa ngayun ay di pa ko nawawalan ng pag-asa, ito ang tunay na lakas. lolz

Ang pagiging artista ay isa lamang sa naging pangarap ko nung ako ay bata pa, hindi ko man sya natupad, hindi naman ako nabigo sa pag-abot ng iba ko pang pangarap :-).

Pangarap...

Lahat tayo ay nangangarap,
Para sa kinabukasan at hinaharap,
Lahat tayo ay nagsisikap,
At ninais makatulong sa mahihirap.

Nangarap akong maging artista,
Pumasok sa banda at maging vocalista,
Walang hadlang kung tutuusin,
Bukod sa pansariling adhikain.

Ako, bilang isang pangkaraniwang tao,
Minsan ng nangarap na pumasok sa pulitiko,
Ngunit ng muling maisip ko,
Pulitiko di bagay sa aking pagkatao.

Kayo, ano ang pangarap nyo?
Maging Inhinyero, Doktor o Albularyo,
Maging isang piloto na kumokontrol sa eroplano,
Oh maging kapitan ng naglalakihang barko.

Ang tangi ko lamang masasabi,
Pangarap ay huwag ipagwalang tabi,
Pangarap ay maging inspirasyon nyo sa buhay,
Kinabukasan nyo'y mas gawing makulay.

BOW

17 comments:

khantotantra said...

gusto ko maging artista kaso ayoko sa states, over ang paparazzi

nafacamot said...

ayuz sa tula pre... mga ilang taon na lang malalagay ka na sa libro pang elementarya...hehehe... three thumbs up pra sau...

feRry jHoi ^.^ said...

ganda ng tula mo jhakie ^.^ nice shot!!

Mangarap ka lang ng mangarap.. malay mo naman diba makuha ka.. pang BEFORE...nyahaha..

Jukies.... ^.^

mhawhness jhakie ^>^

kuri said...

ipunin mo mga tula mo ha. malay mo balang araw mapublish yan bilang libro.

ako hangang ngaun nangangarap na makapasok sa showbiz world! :)

enebetable said...

pwede ung tula pre..
pwede kdn mging artista..
try m s chan5 kapatid..
pamalit ky MAKATA TAWANAN :)

MiDniGHt DriVer said...

@Khanto: may tama ka.. takot din ako paparazzi. lolz

@nafa: salamat pare. bumanat ka din ng di ako nilalaglag. lolz

MiDniGHt DriVer said...

@Ferry: hahaha. tnx. adik ka talaga. :-)

@Kuri: Noted parekoy. sana makapasok tayo sa showbiz. lolz

@Ben: hehe. nagpasa nga ako resume dun para maging jury. hahaha

vonfire said...

di bale parekoy di ka man sumikat bilang artista, sumikat ka naman bilang driver sa blogosperyo! :D

sikoletlover said...

meron ka naman ng puhunan e. tignan mo si long mejia ^0^ harhar

MiDniGHt DriVer said...

@Vonfire: Wow.. salamat parekoy. u enlighten my vision. lolz

@Sikolet: aw ka talaga kahit kelan. hmmp

subterfuge said...

malupet! magaling magaling!

Santo Santino said...

hahaha...ako singer o model ang pinangarap ko dati.hehehe...

galing mo talaga tol gumawa ng tula...

clap..clap..clap

*josie* said...

d ko na tuloy alam kung alin ang tula o ang rap, pareho nmn yun d ba magkaiba lang siguro pagbigkas, wla na kc ko nakikita or naririnig na tumutula, puro rap na lang.Glad to be here and thank you for visiting my site.

MiDniGHt DriVer said...

@Subterfuge: Tnx tnx.

@Santo Santino:Kaya pala pang-model ang porma mo sa picture. hehe.
Salamt parekoy, napapataas mo ang kumpyansa ko ba. hehe.

@josie:Salamat po sa pagbisita. parehas lang po ang rap at tula, dinagdadagan lang po ng musika ang tula. salamat din po :-)

♥ LaDy_mYx ♥ said...

naks naman! :) ang mga taga-bulacan talaga may talent in composing rhymes :)

momie ko po tga malolos :)

kaso, sa batangas kami nakatira ihh :P

nice job kuya :)

Hotcakes said...

ako gusto ko lang makasama mga artista. :)

MiDniGHt DriVer said...

@LadyMyX: HuWWaaaww.. Ang ganda talaga ng lahi ng mga tiga Bulacan. hahah. Tnx Tnx po

@Hotcakes: yaan mo, pag naging artista na ko. lagi kita sasamahan. lolz :-)