Thursday, August 19, 2010

TAONG GRASA

Marungis...
Mabaho...
Di naliligo...

Ilan lamang ito sa mga katagang ipinaparatang sa isang taong grasa. Aminin man natin at sa hindi, mas marami sa atin ang nang-aalipusta at nanlalait sa kanila kumpara sa nagbibigay ng tulong at nahahabag sa kanilang sitwasyon. Ako ay hindi nagmamalinis! dahil ako man din ay isa sa maraming taong minsan ng umalipusta sa kanila. Subalit ngunit datapwat ako ay natuto na sa mga bagay bagay sa mundong aking ginagalawan. Minsan ko ng nasaktan ang kanilang damdamin kaya't sinisiguro kong hindi na ito muling mauulit pa.

Ninais kong isulat ang akdang ito na pangunahing tumatalakay sa hirap at pasakit na dinadala ng mga taong nabubuhay sa lansangan na hindi alintana ang dumi at usok na kanilang nalalanghap. Isinulat ko ito upang kahit papaano ay maging daan at magising ang ilan sa atin sa tunay nilang pinagdadaanan. Oo nga at may ilan sa kanila na gumagawa ng mga bagay bagay na hindi kanais nais sa paningin ng sinuman subalit hindi naman natin sila masisisi sa pagkakataong iyon? Sila ay walang bahay na masisilungan tuwing umuulan at umaaraw, Walang maayos na pagkain kada kumakalam ang kanilang sikmura at higit sa lahat walang Pamilya na gumagabay at pumoprotekta sa kanila sa oras ng pangangailangan.

Bilang Driver, malimit akong makakita ng mga katulad nila. Ako ay lubos na nahahabag. Gusto ko silang tulungan subalit hindi ko alam kung papaano at saan ako mag-uumpisa. Hindi sapat ang bigyan lamang sila ng limang piso. At lalo namang hindi makatutulong ang duraan at sila'y saktan.

Kung may sapat lamang akong kakayahan at pantulong pinansyal, hindi na ako magdadalawang isip pa. Ngunit ganun pa man..alam ko sa sarili ko na kahit sa munting paraan, sa pamamagitan ng akdang ito, alam ko, sana....nakatulong na ako!

Sa aking mga mambabasa:

Tara! Samahan nyo ko, tulungan natin ang mga TAONG GRASA!

Ako ay may maiksing handog para sa lahat!

SANA

Sana sa pagkakataong ito ay makatulong tayo,
Mga taong nasa lansangan ay mailayo sa gulo,
Mabigyan ng pamatid gutom at kapirasong sisilungan,
Mailayo sa kalsadang panganib ang nagaabang.

Sana naman kahit minsan, sila'y ating parangalan,
Bigyan ng kapirasong baon at barya silay hagisan,
Pagkalooban ng kaunting ngiti at tiwasay na pakiramdam,
Huwag pag-initan, bagkus sila ay gabayan.

Sana sa munti kong obra, kayo ay naliwanagan,
Na ang mga taong grasa ay di dapat pagtawanan,
Hindi dapat duraan at lalong di dapat saktan,
Silay dapat na tulangang mailayo sa lansangan.

BOW

32 comments:

Super Balentong said...

nice one! madalas ko din silang makahalubilo, kung meron lang din akong magagawa, nakakaawa sila. di mo alam kung ano ang pwedeng mangyari sa kanila at san sila mapapadpad.

kikilabotz said...

ayos at maraming salamat sa post. marami ang makakaunawa sa mga nararanasan ng mga taong grasa. saana makatulong ^_^

khantotantra said...

kung may sariling pera ako na milyones, minsan naisip ko na kumupkup ng taong grasa at pagmukhaing normal na tao. no more grease, no more charcoaled body.

Trainer Y said...

nice post! so true! but the sad thing is we cant do anything about it.. we cnt change everything.. ang munting tulong na magagawa lang natin eh ang bot-abutan sila ng pagkain o inumin pantawaid gutom paminsan-minsan. gustuhin man nating tulungan sila ng sobra pa sa nagagawa natin ngaun eh hindi uubra.. iilan lang tayo sa bilyon-bilyong tao sa pilipinas na apektado sa ganitong sitwasyon..

Unstoppablepedestrian.blogspot.com said...

Pedeng pede ng tumakbong mayor ng calumpit bulacan si jhakie ^o^ nice one!!!

>> on my part, mas madalas akong takot sa kanila, may phobia ako sa kanila jhakie eh... I had a bad experienced with them.. hinila kasi nila yung paa ko ng nadaan ako ng bus sa Taft... haiz...

>> kaya now, i usually avoid them and sorry to say, but I am not favor of giving them money. Instead, much better if people will give them food na!! para alam mong kakainin na nila!!! ung iba kasi eh, pinang raragby pah... tsktsktsk!!!

>> thursday visit here jhakie

Tong-tong said...

galeng... idol..

ako minsan naiiirrirate kasi mababaho sila. pero never ko sila pinagsalitaan or make fun.

nice kasi nakakapagbigay ka ng time for this and you serve an inspiration to us :D

Michael said...

pre, driver ka ba talaga? Anyway, we do have a new government bro... hopefully they give pansin to this problem... Tayo naman we don't falter paying our taxes, it's something that we do every month. That's our share. Personally, we can't adopt them or give them permanent help... That's way beyond our league... sana nga, as what the others are saying, if we are mayaman... then we can do something for them... eh di nga eh... so maybe awareness na lang... And some prayer... ☺

Hack To The Max said...

isdatyu? hindi ko naisip na may ginintuang puso ka din pala.. pagkakaalam ko kasi inaagawan mo pa sila ng barya pag may laman na ang mumunti nilang lata. joke.

kidding aside. para sa akin kung may tutulong lang sa kanila dapat magsimula sa sarili nila lalo na yung capable do something for them. i agree with ferry mas ok na food nalang ibigay kesa pera kasi yung iba (hindi ko nilalahat) eh sa masamang bagay pa nila ginagamit (ex. sugal,yosi,rugby, etc.). hindi natin alam yung taong tinulungan mo pag dating ng araw sya pa tatapos ng buhay mo. mas ok pa sa akin yung mga may kapansangan pero nagbibigay ng kasiyahan gaya ng pagkanta at pagtugtog. atleast hindi nalang sila basta nakalahad ang kamay bagkus eh ngbibigay aliw sa atin. opinyon ko lang po 2. good job bro.

AdroidEnteng said...

pre kaw ba yan..akalain mo may giningtuang puso din pala ikaw...joke!joke!

siguro nga dapat talaga natin tulungan pero hindi sa lahat ng oras. ang nangyayari kasi umaasa na lang sila sa limos na nakukuha nila at nawawalan na sila ng gana na magbigay ng effort para subukan ayusin muli ang buhay nila at wag maging taong grasa habang buhay. but reality hurts talaga, mahirap ang buhay sa pinas lalo na sa mga taong kapos...hayyz

Anonymous said...

naisin man nating tulungan sila, minsan hindi din po natin alam kung papano sila lalapitan. nakakatakot po minsan e. :(

krn said...

nakksss. kaisa mo ako jan :)

Unni-gl4ze^_^ said...
This comment has been removed by the author.
Unni-gl4ze^_^ said...

waahh ako inaamin kong dati takot ako sa mga taong grasa pero dumating yung time na elementary fren ko mismo naging taong grasa rin dun ko narealize na dapat palang di sila katakutan at kamuhian bagkus unawain bakit sila nagkaganun,,
ok di na ako mag-iingay dito seryoso mode,,,
pero naawa ako pag nakakakita ng mga taong grasa lalo n yung mga matatatanda na ano kaya yung situation nila pag may sakit silang iniinda..titiisin nlng nila yun hanggat makakaya..yun lang kasi ang tangi nilang magagawa eh..
ako rin kung marami akong money papagawa ako ng shelter eklavush para sa mga taong grasa para may matuluyan sila at papakainin 3 beses sa isang araw,,sana lng~~bow

glentot said...

Sana naman tulungan sila ng DSWD or something...

Benh said...

Pre bow tlga ko sa'yo sa paggawa mo ng tula.. hehe! napakapolitical ng post mo pre.. Keep it up!

Unknown said...

we can help them in our own simple ways.. kung gugustuhin natin.. we can!!
nice.. being aware wbout the problem of our community helps us realize what we can do for the better.

Anonymous said...

nice one pare.

MiDniGHt DriVer said...

@all:

Many thanks to all of u! kung mas marami tayong makakaunawa sa kanila, mas madali nating maipaparating sa kinauukulan ang ating nais sabihin. I really appreciate every single comments and ideas na naishare nyo. At least kahit papaano, lahat tayo ay may ginawa para sa kanila! :-)

Jag said...

nakikita kong dumadami n nga ang mga taong lansangan...knya knya silang dskarte sa daan pra mkatawid lng ang gutom...sana may gagawin ang gobyerno ukol dito...kupkupin sila at mgtayo ng livelihood program or something pra mkpagsimula sila uli...

hndi lng pla sweet lover ang mga tsuper n tulad mo...mpagmhal din sa kapwa...naks!

Jag said...

maitawid lng ang gutom i should say...

MgaEpal.com said...

Ito ay galing lang sa isa sa amin dahil sya lang ang nagkaron ng PERSONAL na encounter sa "taong grasa". Ito ay mula kay "Boss Chip"...

Kwento ito. Pasensya na. Nangyare years ago nung magpapapicture ako sa studio malapit dito sa amin, dahil akala ko kailangan magdala ng picture sa LTO pag kukuha ng lisensya (Mga 17 years old siguro ako non.) Tapos na akong kunan ng picture at antayin ko na lang daw. Nagyosi muna ako sa labas. Sa tabi ng studio, may kiosk na nagbebenta ng mga balls (fishballs, squidballs, chickenballs, kikiamball at samalamigballs) . May umupong taong grasa sa may tabi ng kiosk...

Tahimik lang yung taong grasa na nakaupo sa sahig. Mukang nagpapahinga lang dahil pagod sa kakalakad.

Tindera sa kiosk: Hoy! Umalis ka nga dito! May mga customer na kumakain!

Hindi ako makapaniwala na sinigawan nya yung taong grasa. Nasa sahig lang naman yung tao at walang ginugulo. Hindi din naman sya mabaho dahil mejo malapit ako sa kanya, wala naman akong naaamoy.

Sumigaw ulit yung tindera...

"Hoy! Ano ba! Wag ka dito!"

Naaawa na ako dun sa taong grasa. Hindi ko na nahihithit yung yosi ko dahil natulala na lang ako sa nangyayari. Hindi ko alam kung baket, pero naramdaman ko na bumibilis yung tibok ng puso ko. Mukang sumisipa yung adrenaline ng katawan ko dahil naiinis ako sa tindera nung kiosk. Nakatingin ako nun sa tindera pero wala akong magawa. Pero nung nakita ko yung muka nung taong grasa na nahihiya at mukang nag-iisip kung saan sya pwedeng magpahinga na hindi sya mapapahiya, hindi na umandar yung utak ko. Bigla na lang ako napatayo.

"Boss Chip": Miss dalawang kikiam para sa kanya.

Kasya lang para sa dalawang kikiam yung pera ko non, sukli lang sa bayad ng pagpapicture ko. Alam kong hindi sya mabubusog sa dalawang kikiam. Binilihan ko lang sya ng kikiam para hindi na nya kailangan tumayo ay lumipat ng pwesto para pakapagpahinga. Hindi na sya pwedeng paalisin nung gagong tindera dahil customer na sya.

Hindi ko na alam kung ano yung naging reaksyon nung tindera at nung ibang customer dahil hindi ko na sila tiningnan. Nagsindi ako ulit ng yosi tapos inantay ko lang umalis yung taong grasa. Hindi sya nag-thank you, tinapik lang nya yung tuhod ko nung aalis na sya tapos tumungo lang. Tumungo lang din ako, hindi ko kailangan ng thank you, madami nang nasabi ang tunguan namin na yon. Umalis na din ako agad sa tapat ng kiosk dahil ayaw ko ng mga eksenang pabida. Tapos kinuha ko yung pictures ko para sa LTO na hindi naman pala kailangan.

Tuwing nakakakita ako ngayon ng mga taong grasa, minsan nag-aabot ako ng barya, minsan hindi. Sa tingin ko, ang pinaka masarap na tulong na pwede nating ibigay sakanila ay ang hindi sila pandirihan... hindi sila tingnan na mukang takot tayo... IPARAMDAM NA NAIINTINDIHAN NATIN YUNG KALAGAYAN NILA. Hindi na siguro natin kailangan ng madaming pera para gawin yon.

Kung iisipin ko ngayon, mali pala yung ginawa ko nung pinapaalis yung taong grasa sa may kiosk. Hindi ko na pala dapat inantay na sigawan sya ng pangalawang beses.

NAPAHABA YUNG KWENTO. PASENYA NA. BAKA ILAGAY NA DIN NAMIN ITONG KWENTO NI "BOSS CHIP" SA SITE PARA MAKITA NG MGA BASAHERO. LINK NA LANG NAMIN DITO. PASENSYA NA ULIT KUNG MASYADONG MALAKI YUNG NAGAMIT NAMING SPACE DITO SA COMMENTS. SALAMAT SA PATAMBAY.

subterfuge said...

muli napahanga mo ako. dont worry p're kasama mko sa layuning sila ay kalingain! 2-thumbs up!

Arvin U. de la Peña said...

ganun man ang buhay nila ay dapat pa rin ituring na isang tao..hindi dapat na pandirihan kasi may puso at damdamin din sila..

darklady said...

sang ayon ako. pare pareho lang tayo na tao na ginawa ng Diyos kaya dapat lang na irespeto natin sila na bilang tao din.

MiDniGHt DriVer said...

@Superbalentong: Tnx pare. ngayun alam ko na na may magagawa tayo.

@kikilabotz: sana nga... tnx for the compliment :-)

@khanto: and no more worry! ipapanalangin ko yan pare. ty

MiDniGHt DriVer said...

@yanah:hmmm, i think we can. may magagawa tayo! sana..

@Ferry: wahahaha.. adik ka talaga, pero, infernes.. pwede kong subukan yun. hahaha.

seriously speaking, tama ka.. its better to give them food instead of money. good point!

@tong: Tnx bro. i really appreciate ur comment. naisip ko lang, paminsan minsan pwede naman pala.. puro na lang kasi yung kalokohan ko ang napopost ko eh.hehe. tnx parekoy!

Kim, USA said...

Never akong nang aalipusta or nanlalait sa mga taong grasa. Kasi tao din sila at may damdamin. Minsan lang tinitingnan ko kung sino yung totoo at sino yung nameke lang bago ako magbigay nang pera. Kaya lang minsan na pa isip ko din bakit ako ganyan kung magbigay magbigay diba? Either peke man siya or hinde, he is accountable to that kay LORD!

MiDniGHt DriVer said...

@michael: hmmm, driver lang ng grupo bro. pero ur right regarding our share, and kung may sobra tayo then yun na lang siguro yung time para makatulong tayo ng kapwa. :-)

@Nafa and android: mga pare, try nyong magkapareho ng intro. haha.

kidding aside,parehas maganda ang point nyo, wag sila masyado paasahin dahil baka mawili naman. thouh may point here is yung mga tao na wala na ngang naitutulong sa kanila, nakukuha pa nilang saktan physically and emotionally yung mga taong grasa. tnx sa inyo. ;-)

MiDniGHt DriVer said...

@apolwapol: yah.. thats it. mas marami ang natatakot sa kanila.

@karen: weehhh.. tnx po!

@Unni: sige, magingay ka sa seryoso mode ko.. haha,!

Aw, sorry to hear that.ayokong isipin ang katotohanan. ang sakit kasi!

MiDniGHt DriVer said...

@glentot: sana tulungan sila ng gobyerno!

@benh; yown eh. tnx pare. :-)

@Mharliz: yah. tama! we can! tnx to my favorite friend mharliz ;-)

@Kuri: salamat parekoy. :-)

@Jag: ang hirap kasi sa may mga kapangyarihan, sila pa mismo ang nangunguna sa pandidiri sa kanila. reality sucks!] tnx dude. di ko lam kung comliment yung segway mo. hehehe

MiDniGHt DriVer said...

@EPAL: napakabait ni boss chip. nakakabilib ang ginawa nyang iyun, hindi madali yun. Kung tutuusin, dapat yung tindera ng tuhug tuhug ang mas makaunawa sa kanya. saludo ako kay bos chip!

salamat ng marami sa inyong agtambay at pagigay ng napakahalagang impormasyon. sa inyong salaysay, lalo akong naliwanagan.

MiDniGHt DriVer said...

@subter: tnx po. mas idol padin kita sa pagsusulat. :-)

@Arvin: isang malaking TAMA para sayo boss!

@darklady: wow.. yun ang banat. ekwal na karapatan ika nga. :-)

@Manang kim: salamat sa ginintuang puso mo. pero may punto ka padin, marami nadin kasi ang nanloloko ngayun. si Lord na ang bahala sa kanila. :-)