Tuesday, August 31, 2010

Bahay Aliwan!


BABALA: Ang akdang inyong mababasa ay hango sa totoong pangyayari sa buhay ni Midnight Driver. Patnubay ng mahihilig ay kailangan.

Taong dalawang libo at isa ng maganap ang di inaasahang pangyayaring ito.

"Kailangan nilang buhayin ang kanilang mga anak, at tanging alam lamang nilang paraan sa mabilisang pagkita ng salapi ay ang pagbibilad ng katawan sa harap ng maraming kalalakihan. Nakakahiya man sa una subalit nasanay na sila.".

Ito ang mga salitang binitawan sa akin ng aking katabi ng kami ay pumasyal sa lugar na tinatawag nilang Bahay Aliwan para sa mga kalalakihan kasama ang aking mga pinsan at tropa. Tunay nga namang kakaiba ang ligayang madarama ng sinumang lalaki na papasok sa kanilang lungga. Bukod kasi sa sasalubungin ka ng maggagalang na tigapagserbisyo ay bubungad nadin sa iyo ang mga katawang bihira mo lamang makita ng ganun kalimit. Mga HUBAD na katawan na tila nang-aakit.

Nung una ay kinakabahan pa ako, sapagkat natatakot akong baka biglang ma-raid ang bahay aliwan na iyon at siya pang maging mitya ng pagkasira ng buhay ko.
Napansin iyon ng aking katabi sa lamesa, kaya naman bigla na lamang nyang dinikit ang kanyang mga labi malapit sa aking tenga at sinabing,

"First time mo? wag kang matakot, akong bahala sayo".

Nagulat ako at tila may kakaibang init at lamig na dumampi sa aking kalamnan.
May kung anong tila kumalabit sa aking pagkalalaki.
Pinagmasdan ko ang aking mga kasama at mga taong nakapaligid sa amin.
Silang lahat ay abala sa kung ano anong mga bagay bagay. Pakiramdam ko ay sarili naming mundo iyon.
Sariling mundo na kung saan ay maaari naming gawin ang anumang gustuhin namin.
Gawin ang mga bagay na kumakatawan sa aming makamundong pagnanais.

Kaya naman wala na akong sinayang na pagkakataon. Dali dali kong pinaghandaan ang aking first move.

Hahaplusin ko na sana sya ng bigla nalang may kung sinong humawak sa aking braso. Nag-init ang aking ulo (1&2) at pakiramdam ko ay tila mayron lamang nagti-trip sa akin. Dali dali akong lumingon at nakita ko ang isang lalaking bigotilyo, may kaitiman ang kulay at mejo malalaki ang braso.
Pamilyar sa akin ang mga tindig na iyon.

Langya... Ang AMA ko, nasundan kami.. Kasama ang aking mga tyuhin, matagal na pala nila kaming hinahanap, nagsumbong kasi ang eklavush naming pinsan dahil hindi namin sya isinama. Umalis kasi kami ng bahay na mga lasing na, kaya naman daw nag-alala sila na baka mapasabak pa kami ng gulo kaya mas minabuti nilang kami ay hanapin sa kung saan.

Haaayyy.. sayang.. 10 bits!

OT:
Ako pala ay malugod na nagpapasalamat kay Hotcakes dahil sa papuring aking natanggap galing dito.

32 comments:

Hotcakes said...

hahaha natawa ako...

natawa rin ako dun sa baka maraid. hehe.

anyway... ang galing mo mag tagalog. haha...

so susubukan ko mag reply ng tagalog. ay ang hirap

anyway.. (ayan nanamn) ... naalala ko yung boypren ko nung nasa pilipinas pa sila at twing may uuwing balikbayan lagi nlng kelangan nila pumunta sa mga bahay aliwan na yan! leche haha ... masama pa parang family affair. or i mean... boys night out ng pamilya. kasama mga tiyohin at mga tatay at mga lalaking anak.


kaya wala naman ako magawa girlfriend lang ako. pamilya nya yun. pero okay lang .. nagsama sama naman kami ng mga nanay at asawa. sabay sabay rin sila pinag tatalak sa mga kalokohan nila

Hotcakes said...

ay salamat nga pala sa link... hahaha baka dumami rin siguro mga pilipino readers ko dahil sayo

feRry jHoi ^.^ said...

jhakie dearie i have so many things to say!! hahaha

pero I only have 5 minutes to go kasi... tomorow ko sabihin huh!! promise!!
mas mahaba kesa kay Hotcakes!!! (^_^) winks

>>> yngatness jhakie ^_^

I am Xprosaic said...

wahahahha wala akong sasabihin o ikukwento tungkol dyan... baka masira ang aking bad record...lol... basta basta... bahay aliwan ay talagang nakakaaliw... lol...

YanaH said...

hahahaha buti nga! blwh! naudlot ang makamundong pagkasabik ng isang gaya mo hahaha..

huli kaw!

♥ LaDy_mYx ♥ said...

hahahahahahahahahahahaha!!

wala akong masabi kundi hahahahaha!!

XP
(yung pramis mo? :D)

Traveliztera said...

hahahahaha ayan! =p hahaha pero i must admire you... magaling ka mag-narrate nang tagalog... :)

Arvin U. de la Peña said...

hehe..siguro ang pinsan mo na iyon ay pinagsabihan mo kinabukasan..talagang nakakahiya kung sa pag raid ay naroon ka..

definella said...

yes! yes! yes! nasundan ng ama.. ahaha ^^v

glentot said...

Hahahaha napaka-awkward naman nun!!!!!! ang buhay nga naman...

Manang Kim said...

Hahahaha ay sayang napurnada ang first move mo!! You should brought your eckavush na pinsan kaya ayan busted ka!! Hahaha!! Thanks for the visit!!

darklady said...

whahahaha hindi natuloy! whahahahahha!! ^_^ pang asar na tawa e.hihihihihi

Lord CM said...

Hehehe :D Dapat inaya mo na lang si itay na samahan kayo sa bahay aliwan lolzz

f e R r y j H o i said...

am here na jhakie!! hihihi

naranasan ko naring pumasok sa bahay aliwan, together with my siblings and boyfriend. Wala lang gusto ko lang ma experience ang pakiramdam ng makakita ng kapwa mo babae. Hindi dahil ako ay tomboy kundi para lang mag karon ng idea kung ano bang meron don at binabalik balikan ng mga lalaking tulad mo!! hahaha!! pero wala naman akong nakita kundi pag kaawa sa mga babaeng nag huhubad!! gaya nga g sabi mo, ginagawa nila iyon para kumita ng pera sa madaling paraan lamang... kawawa naman sila!! wala silang choice pero kelangan mabuhay eh!!!

>> sa part mo!!! mas kawawa ka jhakie!! kasi andon kana eh!! momemtum muna yon!! pero hindi pa natuloy!! salamat sa tatay mo!! hahaha atleast walang nagawa nong araw na iyon!!!

>>> wednesday visit here

janjan said...

hi! found your blog through hotcakes and i must say naaaliw ako sa mga posts mo. bihira kasing may blog na puro tagalog, kaya saludo ako sayo hahahha!

nafacamot said...

kelan mo kaya kwento yung mga successful na labas mo sa bahay aliwan???yun ang kwentong gustong gusto ko marinig...hahahah... peace pare... isa kang malibi... :D

E•M•O•T•E•R•A said...

ayos ah! parang nabitin si Nafacamot sa kwento mo. hahahah! buti nalang nailigtas ka ng papa mo. hahaha! pero infairness, dyahe yun ah... kasi nahuli ka nya na nasa loob mismo ng bahay aliwan na yun. :D

Eureka Gildo said...

Hahahahaha nakakatawa ito. Better luck next time! =)

Leah said...

Wehehe!! Di pa ako nakapunta sa bahay aliwan. Sama naman ako next time. LOL

AdroidEnteng said...

hindi ako makarelate sa kwento mo parekoy..anu bang meron sa bahay aliwan? aheheheh...:D

Diamond R said...

Bad trip naman si daddy!Pero natawa ako sa pagtatapos ng kwento mo. Nasa kainitan na ng eksena biglang.. wow mali.

bulakbolero.sg said...

wahahaha.... saklap!

karen anne said...

BUTI NGA. HEHEHE JOKE

sikoletlover said...

gusto ko ring marinig ang kwento ni toot-toot at ni teet-teet tungkol sa bahay aliwan nyahaha

minsan istayl na lang ng iba ang kanilang mga sad stories. lalo dito. bilib mee. pramis.

Jag said...

Hahaha...hindi ko alam kung magi-guilty ako sa post na ito hahaha...so after nun bmalik ka pa ba ulit dun?

kuri said...

saklap naman nun, tsk!

Tong-tong said...

badtrip! panira ng trip! nahuli! lol


hahaha

dili pa ko nakakapunta sa ganyan. (rolling eyes)

Hotcakes said...

hello hello :)

Benh said...

SAYANG pre.. di bale marami pang next time.. hehe!

Mharliz said...

yay.. major major mmamang gwapong driver.. kaw hah!.. hehehe

Anonymous said...

[url=http://www.mulberrylondon.co.uk/]mulberry london[/url]
your current advantage and additionally cost.
[url=http://www.mulberrylondon.co.uk/mulberry-alexa]Mulberry Alexa[/url]

Tiradauno said...

Gusto mo ba ng online work?
Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
Contact Number: 09465046302
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/