Monday, August 16, 2010

KwEnTonG KabAbaLaghaN

Paalala: Sana ay gayahin nyo ang boses ni Gas Abelgas habang binabasa nyo ito :-)

Minsan nang sumagi sa aking isipan ang magsulat ng mga akda na tumutukoy at sumisimbolo sa mga nilalang sa kabilang dimensyon gaya na lamang ng mga maligno, duwende, kapre, or white lady at mga multo.

Alam kong marami na sa inyo ang nakaranas ng iba't ibang kababalaghan na hindi kayang ipaliwanag ninuman na ultimo siyensya ay hindi makapagbigay ng sapat at konkretong eksplanasyon para dito. Ngunit maaaring marami din sa inyo ang hindi naniniwala sa mga gantong bagay at ikinukonsidera lamang silang kathang isip o imahinasyon ng sinumang nakakaranas, nakakakita at napapagparamdaman ng mga ito, hindi ko kayo masisisi sa puntong iyon dahil alam kong natatakot lamang kayong tanggapin na bukod sa atin ay may mga iba pang nilalang tayong nakaksulubong ngunit hindi basta basta nakikita ng ating pangkaraniwang mata.

May gusto akong ibahagi sa inyo na naging karanasan ko nung ako ay trese anyos pa lamang. Kapit kapatid, hindi ito nakakatakot kaya wag kang OA sa pagkapit! joke lang yun. hehe

Eto nah, Umpisa na!

Isang "madaling" araw, ako ay inutusan ng aking Ina para bumili ng Mantika sa may tindahan ni Aling Ema, bandang alas tres y media iyon, madilim ang paligid at tanging mga kuliglig at palaka lamang ang nagbibigay ng ingay sa daanan, tandang tanda ko pa ang mga pangyayari ng mga oras na iyon. May walong bahay na namamagitan sa amin at sa bahay ni Aling Ema, pero dahil sa mapuno at malalaki ang bakuran ng mga kabahayan sa aming probinsya, medyo malayo layo na din ang walong bahay na pagitan. Nang ako ay makabili na ng mantika at inumpisahan ang paglalakad pabalik sa amin, kitang kita ng dalawang mata ko ang isang tao na naglalakad papunta sa aking dinadaanan, siya ay nasa tapat ng aming bahay ng mga puntong iyon habang ako naman ay nasa tapat na ng kapitbahay ni aling Ema, wala ni kahit na kaunting takot akong nararamdaman sa mga oras na iyon, pinagpatuloy ko lamang ang aking paglalakad hanggang sa namalayan ko na nasa tapat na pala ako ng bahay nila Lola Pet!!! Napahinto ako, nanlamig ang aking katawan na may kung anong kakaibang kabog ang aking naramdaman, at sa hindi kalayuan ay kitang kita ko ang babaeng nakaputi na papalapit sa aking kinalalagyan, hindi ko makita ang kanyang mukha dahil natatakpan iyon ng kanyang makakapal na buhok, mabilis ang kanyang pagdating. Kung ano ano na ang gumulo sa aking isipan, napagtanto ko na ang malaking bahay nga pala nila Lola Pet ay wala ng sinumang nakatira pa, dahil si Lola Pet ay matagal ng sumakabilang buhay habang ang kanyang pamilya naman ay lumipat na ng bahay na matitirhan. Kung ganun ang bahay sa aking harapan ay isa ng Haunted House. Ako ay kinilabutan, napapikit na lamang ako sa sobrang kabang nararamdaman at hindi na nakaalis sa aking kinatatayuan, napasigaw ako ng malakas ng biglang may humawak sa akin... "WAAAAAAAHHHHHHHHHHH"... Ang bababaing nakaputi, tama.. sya ang may hawak sa akin ng mga oras na iyon. nangingilid na ang aking luha... di ko na ata ito kaya, lalo na't nang magsalita na sya.

Hoy, OK ka lang? sabi nya.. parang takot na takot ka ha.

Nang aking idilat ang aking mga mata, nakita ko ang babaing nakaputi sa aking harapan. Si Millie pala iyon, isang Nurse sa aming lugar, madaling araw pala ang kanyang duty sa ospital.
Langya.. tinakot ko lang ang aking sarili.

NOTA: Inutusan akong bumili ng mantika para ipampirito ng paborito kong manok na aking babaunin para sa aming Field Trip nung araw na iyon. :-)

27 comments:

Anonymous said...

thank you for your visit ^^
I'm now following you..



Xoxo ♥
Pinkie Anggia

htpp://sugarpuff.jp.pn

krn said...

bukas ko na lang ng maaga basahin to. sori naman matatakutin ako. LOL

Traveliztera said...

hahahhahahaha ang kulet!!!

Ruby said...

akala ko c sadako ung nakita mo... :)) heheh... sayang! tsk! hihih.. peace ^_^v

Snapper said...

hahaha... buti nalang may nota sa ibaba, muntik ko ng kuwestiyunin na inutasan ka ng iyong ina kahit na alas tres y medya pa lamang na dapat ikaw ay mahimbing pang natutulog... hehehe..

ibang klase talaga ang kalikutan ng isip mo partner! saludo ako sa iyo... hehehe

Unni-gl4ze^_^ said...

ai ang adik hahaaha..minsan tau dun gumagawa ng mga bagay upang tayo'y matakot ahihih,,,
regards kay Millie haha

Hack To The Max said...

LOL @ karen

LOL @ NOTA

LOL ka talaga mDriver

Tong-tong said...

nurse pala e! nang aano ka eh!! nananakkot ka eh!!! natakot ako. slight... ok natakot talaga me ahaah

MiDniGHt DriVer said...

@sugarpuff: thanks thanks po!

@Karen: lolz. pwede na ngayun :-)

@Traviliztera: mas makulit ang writer sa personal. haha

@Ruby: sana, ikaw ang kasama ko pag nakita ko si sadako. yan ang banat!

MiDniGHt DriVer said...

@DJ:hehehe, buti na nga lang at naihabol ko ang dahilan. muntik ko na yun malimutan. thanks parekoy!

@Unni: Tama! makakarating po :-)

@Nafa: lol u talga nafa!

@Tong: hahaha.. uu nga eh.. sensya man!

Diamond R said...

Shake rattle and roll, who tried to read it ala Gas Abelgas? yang introng yan ay effective if you know how to do it.

magaling midnight driver tumbs up!

♥peachkins♥ said...

Bumisita at nakibasa..Masaya dito..


The Peach Kitchen
peach and things
blowing peachkisses

feRry jHoi ^.^ said...

hahaha, nakaka praning ito jhakie ^-^...
akala ko pa naman eh kagaya ito ng post kung nightmare eh!!!
hahaha

>>> buti nalang nag explain ka sa ibaba kung baket 3:30 am ka nabili ng mantika!!!

>> next time ihanda na sa gabi palang!! para walang problema sa umaga!!

>> manermon ba!! sabihin mo sa nanay mo huh!!! jukie

Trainer Y said...

kaloka ka! next time kase kung may field trip eh the day before ng fieldtrip bumili na ng mga dapat bilhin para hindi ka mukhang aning naglalakad sa kalsada ng madaling araw.. hahahaha

saka wag mo pinagpapanuod si gus abelgas, kaya ka natatakot eh.. hahahaha

nakisilip at nagparamdam..... awooooooooooo! hahahaha

MiDniGHt DriVer said...

@Diamond R:hehe, ginawa mo ba parekoy? thanks thanks!

@peachkins: wow.. salamat salamat at nagenjoy ka!

@Ferry: hehehe.. sige sige, sasabihan ko si Ina. at babanggitin ko s kanya na si Ferry Jhoi ang nagsabi nun. hahaha. btw, ty

@Yanah: hahaha.. opo opo.. masusunod!
> idol ko kaya si Gus abelgas.. mali pa ko speling, akala ko gas :-)

Trainer Y said...

at bumalik! hahahaha

akala ko dati (hmmm dat was last year) patay na si gus abelgas hahahaha... sorry naman... SOCO hahahaha

Marlo said...

Napaihi ka no? Nahiya ka lang isulat. HAHA :D

Lakas ng busina mo nun sa kanya! AHAHA

darklady said...

buti na lang pinaliwanag mo kung bakit ka bumili ng mantika sa ganong oras.At meron na din bukas na tindahan nun? Excited din tindahan.hehe


Malikot siguro isip mo that time kaya naisip mo na mumu yung nakita mo. ^_^

MiDniGHt DriVer said...

@Yanah: wehehe.. salamat sa pagbalik yanah. kaw ha, baka multuhin ka ni Gus :-)

@Marlo:hehehe.. naman, baka masira career ko pag sinulat ko yun. lolz

@darklady: wahaha.. 24hours po yung store na yun :-), di lang isip ko mlikot that time. lolz

Myk2ts said...

sabi na eh, scary talaga tong wentong to eh. :p

E•M•O•T•E•R•A said...

aaww... nakakatakot pero nakakatacute hahaha! :) masyadong mataas ang story ko about ghost to make the story short: two times na ko nakakita ng white lady! waah! katakot talaga yun.

MiDniGHt DriVer said...

@myk2ts: hahaha... tnx bro!

@Emotera: waaaahhh... kung alam mo lang din yung mga nakita ko nadin....

Puro kathang isip lang pala. hehehe

Anonymous said...

gago k pla ehh

sweetymarga said...

wahahha, kaaningan tlga tong blog na toh..but anyway,, i really enjoy reading ur blog...
magaling!!!! parang suspense comedy, wahahha

eliz intia said...

ok takot na tuloy ako

Unknown said...

ampota ka akla q qng ano na kinkalabutan n aq tpos sa huli nurse lng pala phew!

Unknown said...

Hahahahaha.. Dami kong tawa mga sampu!