Monday, August 2, 2010

BABAE: Matatag.Responsable!

Bilang pagpapahalaga at paggalang sa karapatan ng mga kababaihan, mas minabuti kong likhaan sila ng isang maikling tula para naman lumuwag ang kanilang saloobin pagkatapos ng naisulat ko tungkol sa mga babaero (sana nga mapaluwag). Hindi po ako nakokonsensya at lalong lalo namang wala akong pinagsisisihan sa aking naisulat, gagawin ko lamang to para naman maging pair ako kahit papaano. :-)

Oh sya sya Girls, pagtyagaan nyo na muna to ha. Cheers!


BABAE...

Kayo ang ilaw ng tahanan,
Inspirasyon ng bawat kalalakihan,
Simbolo ng tunay na katatagan,
Sa pamilya'y tiyak na maaasahan.

Galit kayo sa mga babaero,
Hindi ko kayo masisisi sa puntong ito,
Subalit minsan ba'y naisip na ninyo?,
Kung kanino nanggagaling ang tunay na motibo.

Hindi naman makapal ang mukha ko nito,
Panigurado kong marami ang magrereact sa inyo,
Lalo na yung mga babaing medyo konserbatibo,
At baka pati nadin mga lalaking maginoo.

Pero wait lang, saglit lang, please lang,
Ako'y inyo munang unahing pakinggan,
Wala akong ibang intensyon, kundi kayo'y parangalan,
At bigyan ng pagpapahalaga ang inyong kadakilaan.

Maaaring pangit ang naging dating,
Ng aking mensahe at gustong iparating,
Pero kung babasahin at inyong tutuusin,
Ginawa ko lamang 'to, para kayo'y pasayahin.

BOW

10 comments:

sikoletlover said...

ayos sabay kabig \/\/

boi wala ako maisip na title. di naman kasi ako kre-eytib katulad niyo :P

nafacamot said...

ang mga driver nga naman...mhilig sa biglang liko... mahilig kumambyo... arangkada ng arangkada... mahilig rumatsada...pero minsan pag may nasukol kakabig at sabay bwebwelta... uu nga pla naaalala ko mhilig ka sa malaking bamper bkit mo nga pla nsabi un? hehehe... pre mahilig ka palang mag u-turn... gaya ng linya mo sa babae "u turn me on..." sana pre magbago ka na bago pa dumating ang dead end... :D

kuri said...

ano to pambawi sa mga babaeng nasaktan??? wag seryosohin, JOKE LANG! :p

@chano: talking thru experience ba to pre??? hehe.

feRry jHoi ^.^ said...

haha ^.^
thumbs up jhakie ^.^

For sure hindi na sila galit sayo!!!

Love it

MiDniGHt DriVer said...

@Sikolet: hehe,geh magiisip ako. :-)

@Nafacamot: pare, ang lupit mo. alam na alam mo ang mga tamang diskarte :-)

@Kuri: oo pare, pambawi ng onti. tama ka, base sa experience nya yan :-)

@Ferry: tama ka. tnx

fiel-kun said...

meep meep!

huwaw nice poem! sigurado ako, maraming babae ang mapapaibig mo parekoy XD

MiDniGHt DriVer said...

fiel-kun: huwat? sir, ok lang po kahit onti lang. masaya napo ako sa lima :-)

subterfuge said...

maaari bang sumingit ginoong makata?
ang iyong tinuring ay tunay naman at tama
kaming babae ang dahilan at ugat ng kasalanan
pero kung kayo'y mapagpigil lamang
disin sana'y hindi lumaganap ang kababalaghan..

ngunit ganon pa man ako'y nagpapasalamat
sa iyong pagbibigay pugay sa'ming sang kababaihan
tunay kang maginoo't mapagmahal
saming mga simbolo ng pagmamahal

*extra lang* hehe

MiDniGHt DriVer said...

@SubterFuge: aw.. ang galing, nagustuhan ko ang iyong tula. tayo na at sumama ka sakin magtayo ng sarili nating grupo. :-)

subterfuge said...

tara tara!! alam mo na pano pumunta sa bahay ko paramdam ka lang ;)

(yung isang bahay ko-personal yun, yung isa-echos lang, feeling literary artsist ;) wahaha!)