Friday, August 6, 2010

Dito Nagsimula ang Alamat!

Taong dalawang libo at siyam ng aming itatag ang samahang Midnight Driver & Company. Ang tanging intensyon ng aming grupo ay magbigay ng aliw sa aming mga kaibigan sa pamamagitan ng paggawa ng mga mumunting pelikula at pagbibigay ng espesyal na pagbati sa mga may mahahalagang pagdiriwang sa buhay ng bawat isa. Kakaiba ang kasiyahang naidudulot sa amin tuwing kami ay nagsasaayos ng mga eksena, produksyon at batuhan ng kumento na kahit pa ikasira ng kani kaniya naming relasyon.

Makalipas lamang ang ilang linggo at buwan, ang aming mga sakripisyo at pag-uubos ng oras ay nagbunga ng hindi namin lubos na inasahan. Naging matagumpay kami sa larangan na aming napiling pasukin, naging sensation kami sa lahat ng mga social networking site at iba ibang video uploading network, dinumog ang aming mga obra ng iba't ibang uri ng pagkatao sa mundo.

Ngunit sa kabila ng aming katanyagan at tagumpay ay tila hindi maiwasan ang iba't ibang grupo na ang tanging intensyon ay pabagsakin kami, mga tao na ang alam lamang ay manira ng samahan at pagkatao ng iba, mga tao na hindi makuntento sa pagsasaayos ng kanilang sari sariling buhay. Dahil sa mga ibinabato sa aming paninira, minabuti ng bawat miyembro ng aming grupo na tumigil muna kami sa aming ginagawa at mamuhay muna ng normal at malayo sa intriga. Isipin nyo na lamang, kung hindi sana kami huminto, baka pati Hollywood napasok na namin.

Eneb (Ang Dakilang CameraMan)
AnDroiD EnTeng (Ang Dakilang MU Artist)
NaFa (Ang Dakilang Angkas)
DaddY Kuri (Ang Dakilang BloGGer)
at Ako (Ang MiDNight Driver)
Bilang pagbibigay pugay kay SikOLeT (Ang Number 1 Fan sa Japan), ikinukunsidera ko nadin syang Affiliate ng aming Grupo

Paalala: Ang bawat miyembro ng aming Grupo ay kinakailangang GWAPO, MATIPUNO at ROMANTIKO.

Ang Sarap Talagang Mangarap

Ang kasikatang aming natamasa ay isang pangarap lang,
Ninais ko lamang na isulat para kayo ay malibang,
Binigyang buhay ang pangarap para hindi masayang,
Ang talento sa pagsulat ay hindi magkakalawang.

Pero totoo ang nabanggit ko na meron kaming Grupo,
Na binubuo ng mga Gwapo, matipuno at Romantiko,
Pero hindi nagtagal kami ay nakalaboso,
Dahil nadin siguro sa aming mga bisyo.

Wag ng magtanong, magtaka sa nabanggit,
Bisyong nakahiligan ay di na muling mauulit,
Amin ng pinagsisihan at kakalimutan ng pilit,
Ang bisyong pagta-tumbling at paulit-ulit na pag-split.

BOW

14 comments:

feRry jHoi ^.^ said...

I have heard this story Jhakie many times ^-^ hihihi dugo na tenga koh... taaaammmma na!!! hihi

Pede ba akong mag apply??? bilang isang manager?? kaso hindi ako gwapo (maganda lang)hindi din ako matipuno (voluptuous lang) at higit sa lahat hindi ako romantiko (dahil romantika ako) weeehhh

hahaha, funfunfun Friday Jhakie ^-^

MiDniGHt DriVer said...

@Ferry: Iyun kasi ang plano ng grupo, iwento sa mga blog namin ang aming istorya. ipagpaumanhin mo. hehe

Sige, pag-aaralan namin ang iyong application. haha. tnx

bulakbolero.sg said...

pwede pala kong sumali sa grupo nyo. wahaha.

Renz said...

wow ang kulit ng grupo, gwapo, matipuno at romantiko pwedeng pwede ata ako don XD kaso may age limit ata ehh under age pa ako XD XD

subterfuge said...

sige lang midnight driver
magkwento ka lang ng whatever
kahit ba paulit ulit at nakakakindi
basta retarded aking iniintindi

ang hindi ko lang matanggap
ang kayo ay magpanggap
gwapo, macho at romantiko
taena, anong kalokohan ito?!

pwede mo naman kami maging kaibigan
kahit nga mukha ka pang kalatog pinggan
'wag lang sa gantong paraan
sukatin aming katapatan

anyway, ano bang plano mo
ahhh, mage-mail nlang ako sa'yu
sana magustuhan mo ang suhestyon ko
at nang maumpisahan na ang gulo!

vonfire said...

ay hindi pala ako pwede maging myembro ng grupo. Pero mahilig ako sa gwapo, matipuno at romantiko! sey nyo?...:D

Unni-gl4ze^_^ said...
This comment has been removed by the author.
Unni-gl4ze^_^ said...

pwede isali bf ko sa group nyo dahil gwapo cya hahaha..jokes lng
btw kaw ba nagawa ng mga tula dito jake??galing kasi eh di kaya ng powers ko pag ganun hehe

Em said...

so you're real friends with Enteng and Nafacamot?! haha I find it neat :D lol!

sikoletlover said...

ahemmm tenchu at nasabit na naman :)

noon..... ako ang number 1 fan dahil nag-iisa lang naman talaga ako na fan ninyo.

ngayon.....andami ng nag-aapply na mapabilang sa inyong grupo at hindi na mabilang ang milyun-milyon ninyong fans. kayo na (ulit) ang sikat. APIR!

baka si macho guapito gumawa na din ng blog LOL

MiDniGHt DriVer said...

@bulakbolero; yown yun eh. tara na, tanggap ka na :-)

@Renz:haha, sige, pag nag-21 ka, tanggap ka na din. lolz

@Sub: Salamat sa inyong pagkumento,
magaantay na lang ako sa email mo,
para naman lumaganap na ang gulo,
dito sa tinatawag nating blogospero.

Thanks all!

MiDniGHt DriVer said...

@Vonfire:aw.. seryoso?

@Unni: ahaha, sige, isali na yan. ahaha, yap ako lang po, pang elementary db? hehe. tnx sa pag-appreciate.

@Em: yap, ur right :-)

@Sikolet: hahaha.. sana magdilang anghel ka. welcome sa pinas. ;-)

Hotcakes said...

napuntahan mo na ba to. wala lang nagdescribe kase ako pano driving sa manila.
haha


http://imissyouhotcakes.blogspot.com/2010/07/29-gps-of-new-generation.html

MiDniGHt DriVer said...

@Hotcakes: Yep... yung sa grandma mo? nagcomment ako.. haha, pero hindi sa pagdrive sa manila. kundi yung pagdrive jan sa tate. ;-0