Naranasan nyo na bang maramdaman ang tinatawag nilang Rurok ng kaligayahan? Na kung saan ay makukuhang lumuwa ng iyong mga mata kasabay ang pag-agos ng mga butil butil na pawis habang tumutulo ang mga nakaimbak na laway sayong mga labi na ultimo pagsasalita mo ay naaatat sa sarap na iyong nadarama.
Rurok ng kaligayahan na karaniwang kinakahumalingan ng sinumang makaranas nito.
Rurok ng kaligayahan na pinapantasya ng lahat ng mga nilalang sa mundo.
BWAHAHAHAHAHA (Romy Diaz mode)....
wala lang!
Gusto ko lang itanong. Di naman siguro masama yun dba? Lahat naman tayo ay gustong maging maligaya, masaya at kapaki pakinabang. Bilang ganti ay diringgin ko ang payo ng aking mga magulang, susundin ko.. nyaaakk.. iba na pala toh, kaya pala parang kabisado ko na ang sinusulat ko. lolz
Oh sya, saka na ko gagawa ng mahabang wento hane.. ayaw gumana ng 1kbps kong memory. hehe.. Eto pala ang epekto ng palagiang Row 4 nung nag-aaral pa.
Eto muna ang munti kong handog. Enjoy!
SARAP
Naranasan mo na ba ang maging maligaya?
Na kung saan ay iisipin mong ito ay rurok na,
Subalit kapag hinimay mo ay kulang na kulang pa,
Sa saya na madarama kapag talagang natikman mo na.
Pagtibok ng puso mo ay bibilis,
At di mo na mapipigil ang pagtitiis,
Pag iyong naumpisahan, for sure na mamimiss,
Pag iyong nasubukan for sure walang mintis.
Kakaiba ang sarap pag iyo ng natikman,
Ang tinatawag nilang rurok ng kaligayahan,
Pakiramdam mo ay parang tuyong dahon na lumulutang lutang,
Parang ulap na malaya sa paggalaw sa kalangitan.
Aw.. Rurok ng kaligayahan..
Um...Akin ka ng titikman..
Wow..Isang kutyara lang..
Ng... Ice Cream na Flavor Pandan.
BOW
9 comments:
MALIBI KA PARE! :P
iba yung nasa isip ko kanina =))
malibi nga...
haha! may hidden something..
nyhahah! :P
woot, nag-iba takbo ng isip ko sa rurok ng kaligayahan
boy bogli tsktsk pati b naman d2?
@Kuri:Aw.. Pare di ka ba tinamaan sa sinabi mo ? :-)
@Nirse jiashi: Weehh..Ano yun?(Excited)
@Nafa: Bugoy ka... isa ka pa! hehe
@Ladymyx: wahahaha.. wala po.. kaw talaga!
@khanto: di ka ba nadala? lolz
@Eneb: waaahhh.. ikaw din. lolz
an lalim.... di ko nga alam ano ung rurok eh
Post a Comment