Wednesday, August 11, 2010

ALAALA ni DaYuNioR


Tara.. Paglaruan natin yung Bird ko sa bahay! Dialogue ko 'to nung bata pa ako, kapag mangungumbinsi ako ng makakalaro lalong lalo na kapag aayain ko ang aking crush na si ___ (pwede ko ba syang itago sa pangalang janna?). Ang aking ibon ay pinangalanan kong DayuNior, lalaki kasi sya sabi ng aking Ama. Regalo nya sa akin iyon nung kaarawan ko, alam nya kasing mahilig ako sa ibon nung kabataan ko pa (although di pa naman ako katandaan sa ngayun), tuwang tuwa kasi ako kada makikita kong kumakain at lumalaki ang isang ibon. May kailapan si Dayunior, kaya naman kapag pinagmamasdan ko siya na nagpapahawak kay janna ay nageenjoy ako ng sobra, siguro sya man ay hindi maitanggi ang kagandahan ni Janna, para bang napakalapit nila sa isa't isa. Nakikita ko din ang saya sa mga mukha ni Dayunior kapag magkasama na sila at naglalaro, di tuloy maalis sa isip ko na maaaring si Janna ang dahilan kung bat patuloy sa paglaki si Dayunior, yun nga lang kahit anong close nila ay talagang di maiwasang maging sensitibo ni DayuNior at bigla na lamang syang nagagalit. Kung sa bagay di ko naman sya masisisi sa puntong iyon, kaw ba naman ang pisil pisilin at hawakan ng madiin db? manhid ka nalang pag di ka nagalit.

Kakaiba ang naging bonding namin ni DayunioR, sabay kaming naliligo, sabay kaming kumakain, sabay na natutulog at maski pamamasyal at pagpunta sa eskwela ay kasa kasama ko sya. Di man sya nakakapagsalita, pero nagagawa nyang ipahiwatig sa akin ang kanyang gustong gawin or sabihin, halimbawa na lamang ay kapag nakikita kong naglalaway sya na ang ibig sabihin ay nagugutom na sya or nauuhaw, oh kaya naman ay kapag nananamlay sya na ang gusto lamang pala nya ay makipaglaro. Sa mga simpleng kilos at galaw ni Dayunior ay madali nyang naipapahiwatig ang kanyang saloobin.

Ngunit dumating ang isang pangyayaring yumanig at bumago ng aking pagkatao. Noong December 31, 1993, isang araw bago lumipat ang taon. Masaya kaming naglalaro ng lusis, watusi at nagpapaputok ng pantutsi kasama ang aking mga kaibigan. Sa di inaasahang pangyayari, aksidenteng napunta ang watusi ni Janna sa tabi ni Dayunior, kitang kita ng dalawang mata ko kung paano nya tukain ang watusi sa kanyang tabi, natuwa ako nung una dahil nakita ko kung gaano talaga sila kalapit ni janna, sa isip isip ko lamang noon, "POGI POints din ito, sige lang Dayunior.. Sige lang" bwahahahaha. Masayang masaya padin kami at ipinagpatuloy ang aming ginagawa subalit makalipas lamang ang ilang minuto, si Dayunior ay biglang nanigas, naglaway, tumirik ang mata, akala ko ay gutom lamang sya kaya dali dali akong kumuha ng mumu at tubig, ngunit iba na.. hindi na nya kinakain ang inaabot kong mumu, hindi na nya mainom ang tubig, tikom na ang kanyang mga labi, napikit na ang kanyang mga mata, tuluyan na syang di gumalaw, at tuluyan na syang hindi huminga. Lingid sa aking kaalaman nung mga panahong iyon na ang watusi pala ay nakakalason. Sa mga oras na iyon, di ko maipaliwanag ang aking nararamdaman, gusto kong sisihin ang aking sarili subalit huli na, kung kaya ko lamang sanang ibalik ang nakaraan, kung kaya ko lamang sanang pigilan ang nakatakda, sana magpasa-hanggang ngayun, si Dayunior ay nabubuhay pa.. sana.. sana...

Eto ang gusto kong maging istorya kapag gumawa ako ng isang pelikula, mababaw pero may kurot sa puso. Yown yun Eh!!.. hehe

BIRD

Ako ay may alaga, ibong mataba,
Kami ay magkasama sa hirap at ginhawa,
Ang gusto nya sa buhay ay lalaruin sya,
Ang hilig ko naman ay pinapagalit sya.

Akala ko nung una ay wala ng wakas,
Ang aming pagsasama na bukal at wagas,
Kulungan pa man din nya ay yung tipong dibaklas,
At kapag pinapawalan sya, dali daling nagpupumiglas.

Ngunit dumating ang araw na kinakatakutan,
Si DayunioR na aking ibon ay kailangan ng kalimutan,
Tapos na ang mga araw ng masayang pinagsamahan,
Tapos na ang kalokohan naming magkaibigan.

BOW

19 comments:

Hack To The Max said...

malibi part 2...

Miss Innocent said...

kawawang junior naman :(

di mo alam nung bata ka nakakalason ang watusi?? hindi ba yun ang unang ibibilin sayo. wag mong isusubo kamay mo

Unstoppablepedestrian.blogspot.com said...

ang lungkot ng story Jhakie ^-^ namatay ang friend at nag papaligaya sa bida!!!

Pero all in all, it was a nice concept.. tama si nafa part 2...

am here nah... mambubulabog na ako!!!

Anonymous said...

ANG HALAY MO PRE!

Lady_Myx said...

hahaha! 2 thumbs up! haha! try mo kuya ang watusi :P

joke lang.. :)

more power midnight driver :)

darklady said...

natuwa ako sa "ako'y may alaga, ibong mataba". same lang ng "ako'y may alaga, asong mataba." pinalitan lang ng pet.hehe

dati man may alaga akong ibon pero namamatay kaya nung last time na bumili ako pinakawalan ko na lang din para di mamatay.

nalagay na nga pala kita sa blog roll ko. ^_^

MiDniGHt DriVer said...

@Nafa: hehe.. adik

@hotcakes: salamat sa simpatya. hindi uso ang nagbibilin sa amin noon. ang isip ko ay hindi pa kumpleto nung mga panahong iyon :-)

@ferry:uu nga eh.. thats life. lahat ng bagay ay may katapusan. tnx

MiDniGHt DriVer said...

@Kuri: adik ka pare. hehe

@Ladymyx: tnx tnx.. hmm, pwede.. tara, try natin :-)

@darklady:hahaha.. yun talga yun eh, ginaya ko lang. haha..

weeehhh.. tnx.. mabisita nga :-)

AdroidEnteng said...

PG ka pre...hehe

MiDniGHt DriVer said...

@Android: hehehe.. nasa nagiisip yan pare:-)

Tong-tong said...

kawawa naman sya... nakakain ng poison.. watusi pa.. condolence..

Jag said...

sad nmn...matakaw kc c birdie mo npahamak tuloy hihihi...

MiDniGHt DriVer said...

@Tongtong: uu nga eh.. ipaparating ko sa kanya ang condolence mo. hehe

@jag: naman.. kung takaw lang ang paguusapan eh, parang amo lang nya. yun eh

zh3en22 said...

aww... sad nmn... pero nakakaaliw nmn xa... 2 humbs up 4 u... beep beep... dito nlng aq dadaan, eto ang bayad q... lol

Niko Bulaun said...

lang hiya naman yang bird na yan. :))

pa follow naman bro o

http://lifespamphlet.blogspot.com/

thanks

MiDniGHt DriVer said...

@Zh3en22: langya, nahirapan ako itype yung name mo. haha. thanks thanks

@Nikolo: wahahaha... done following you bro.

Unknown said...

Bakit ganun?
Iba talaga ang hatid sa aking mensahe ng post na ito...
Puro Ka... L...










Puro KALUNGKUTAn...









Sana... nasaan man si Birdie?? Siguro sa langit...
Maligaya sana siya...

[winks... xoxo]

MiDniGHt DriVer said...

@mharliz: wahahaha.. adik ka.. salamat ha :-)

Tong-tong said...

twwet twwt ako si dayunyour