Friday, July 30, 2010

BABAERO, Natural lang ba 'to?

Chano, Jervy, Calvin, MONTY, AV, Ben, Tata, Daboy, Jepoy.. Ito ang mga pangalan ng mga barkada kong kilala sa pagiging babaero, hindi ko sinama ang ilan sa kanila dahil ayaw kong makasira pa ng pamilya. Hindi ko masasabing may mali sa kanilang ginagawa, dahil kung tutuusin, wala naman silang inaagrabyadong tao, at lalong hindi naman sila ang lumalapit bagkus ay sila pa ang nilalapitan ng palay. Alangan namang tumanggi sila sa grasya diba? (eto ang pangunahin nilang dahilan). Bilang isang lalaki, para sa akin ay natural lamang ang pagiging babaero, mas mabuti na ito kaysa naman sa maging lalakero. hehe

May handog akong maiksing tula para sa lahat ng babaero sa mundo, alam kong magugustuhan nyo to dahil mga mapagmahal kayo :-)

Di namin kasalanan ang maging lapitin,
Mga babae na sa amin ay laging nagpapapansin,
Sa palagay nyo ba'y anong aming dapat gawin?,
Sila ay layuan at makuntento na lang sa tingin?.

Hindi naman yata namin mapapayagan iyon,
Naggagandahang mga babae ay pahirapan ng ganun,
Ang hangad lang naman namin ay kumain ng canton,
At saka sahugan ng naglalakihang hipon.

Mapagmahal lamang kami, kaya kami ganto,
At ayaw naming masaktan mga babae sa mundo,
Gusto namin ang lahat ay mga makuntento,
Gusto namin ay happy lahat ng mga tao.

Parang ang dami ko pang pwedeng sabihin sa inyo,
Kaydami kasing dahilan ng babaero,
Pero kapag si misis na ang nakatyempo,
Panigurado, mga babaero'y siguradong kalaboso.

BOW

20 comments:

Lord CM said...

Hahaha, ayos ah! pero mali ata ung wala silang inaagrabyado, dahil sigurado mga misis nila naaagrabyado na

sikoletlover said...

PONSHO PILATO ISDATCHU????? kayo...kanila..ang linis ng kamay mo ha.

accdg. to your "'Di biro maging Driver" post e magkaiba ang BABAERO at LAPITIN NG BABAE. naconfuse yata ako bigla.

pinasakit mo bangs ko boi. tsk tsk

Renz said...

basta driver, sweet lover :)) babaero ka nuh kuya? Joke lang.
akala ko nung una BARBERO kaya naguluhan ako babaero pala.
Nakakatawa yung tula. Panalo!

MiDniGHt DriVer said...

@Lord Cm: hahaha... sa pananaw ng babaero tol, wala sila inaagrabyado :-)

@Sikolet: hahaha.. sino nagmalinis? ako? hindi kaya.. hehe

@Renz: hehehe.. gagawan ko din ng tula yang basta driver sweet lover ;-), haha..

Unni-gl4ze^_^ said...

isa lang masasabi ko poootttragess na mga babaero sorry for the word hahhaa,,nasira buhay ko dahil sa babaero kong asawa yun lang bow~~~~~....depende n din kasi sa lalake kung lalandi talga sila dba,,kung mahal nila asawa nila di sila mambababae dba????yun lng haha,,,

MiDniGHt DriVer said...

@UNNI: Natakot naman ako.. buti na lang at di ako babaero. Eh, gusto lang naman kumain ng canton ng mga lalaki. hahaha. peace. lolz

JENIE=) said...

title pa lang, im shaking my head already! I hate babaero's!

apektabo ba!!! haha!

visit me back real soon
HEALTHINFO@EarthyMe
heartQUAKES
life round meNyou
at-a-blink

Francesca said...

Really cool poem. LOL at the canton and hipon, that was unexpected. Very witty. :)

vonfire said...

actually di ko mabasa ang buong texto kaya eto na lang ang sasabihin ko. HANGGA'T WALANG MALALANTOD NA BABAE AY WALANG LALAKING MAMBABABAE!

nambubusina lang po! :D

bene said...

adik ka vistan!

kuri said...

ANAK NG! at naisingit mo pa talaga ako!
buti nalang medyo hidden at hindi alam ni wifey ang blog mo na to.

MiDniGHt DriVer said...

@Jenie: hahaha.. sorry naman, buti na lang di ako babaero kaya di mo ko magiging hate. lolz

@Francesca: hahaha... expect the unexpected. lolz

@Vonfire: tama ka parekoi. +1 Karma sayo boss :-)

@Ben: hehe, tyamba lang pare

@Kuri: oo parekoy, nahiya naman ako sayo onti. lolz. mainform nga si mare regarding kay midnight driver :-)

Benh said...

Parekoy isa kang henyo sa paggawa ng tula! bow ako sayo.. hindi naman tayo babaero.. marunong lang magappreciate ng mga Kagandandahang ginawa ni Lord. :))

MiDniGHt DriVer said...

@benh: haha.. salamat parekoy at may nakakaapreciate pa pala ng ginagawa ka. may tama ka, hindi babaero ang tawag sa atin. appreciative lang ba kung baga. lolz

feRry jHoi ^.^ said...

haha, laughing out loud jhakie ^.^ I love the canton and hipon portion ^.^ bwahahaha...

Masyadong appreciative talaga ang lalaki... mas yadong naooverwhelm kapag may nag papacute na babae ^.^

>>> pero fact lang huh, ang babae kasi nilikha para mang akit yan ^.^ now its for the boys nalang to be hoooked on that thing.. Remember the ADAM and EVE story hahaha ang girls initiator yan.. And I admit it ^.^ now!! to make a long story short, ang girls is made to test the capacity of boys, so meaning kapag bumigay si boy eh MAHINA sya!!! WEAK WEAK WEAK!!! and it was proved all the time...

BOYS ARE WEAK TO AVOID TEMPTATIONS!!!
(angal???)

MiDniGHt DriVer said...

@Ferry: Nope. di po kami weak.

Sadya lang pong mapagbigay ang mga lalaki. haha.

Remember adam and eve story? lolz

nafacamot said...

gusto ko sanang mag post ng isang malaking NO COMMENT... kaso di inuna mo pa tlga ko ha... hehehe.. boss pano ba mag picture comment? lagay ko lang ung picture u wid totoot at yung nasa titiit ka... hehehe..

MiDniGHt DriVer said...

@Nafa: hahaha.. Sige lang parekoy, kasalanan ko bang pag pagiging babaero ang usapan eh ikaw ang unang pumapasok sa isip ko? hehe.. peace pare. biro lang naman lahat to eh. hehe

Ban Terbaik Di Indonesia GT Radial said...

nice info..

Tiradauno said...

Gusto mo ba ng online work?
Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
Contact Number: 09465046302
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/