Wednesday, August 25, 2010

KURBA


Nangyari na ang nangyari...
Naganap na ang naganap...
Marami ng oras ang inilaan...
Marami ng buhay ang nasayang ng ganun ganun lamang...
Huli na ang lahat para tayo'y magsisihan...
Huli na ang lahat para tayo ay magturuan...
Wala ng magagawa pa para ibalik ang mga buhay na nasayang...
Maliban sa dasal at pakikiramay sa pamilya na mga naiwan...
Walang may gumusto nito...
At lalong walang sinuman ang humiling nito...

Nagawa man nyang yurakan ang imahe ng mga Pilipino...
Ito'y sa kadahilanan lamang ng kanyang paninindigan at prinsipyo...
Ninais lamang nyang maglingkod sa Inang Bayan...
Ngunit sa kabila ng lahat, siya ay winalang bahala at tinalikuran...

Binatikos man sila dahil sa kanilang mga naging hakbang...
Marami mang nagawang pagkakamali at desisyong hindi kapakipakinabang...
Binilad ang katawan sa init at nagluluksang kalangitan...
Inialay ang sarili para sa kaligtasan ng karamihan...
Saludo padin ako sa inyo aming mga magigiting na kapulisan...

Kayo daw ang naging mitya at pinagmulan ng tunay na gulo...
Kayo daw ay umabuso sa kalayaan at sa inyong serbisyo...
Alam kong gusto nyo lamang na ang balita'y ihatid sa mga tao..
At gampanan ng tapat ang inyong sinumpaang serbisyo...

Nakalulungkot isipin na nangyari ang gantong trahedya...
Lalo na at ang inyo lamang nais ay magbakasyon at magpahinga...
Sa ngalan ng bawat Pilipino sa buong mundo na umaasa...
Kami ay humihingi ng pasensya at nangangakong kayo ay mabibigyan ng hustisya...

Lahat tayo ay may naging pagkukulang...
Lahat tayo ay naging biktima sa pagkakataong hindi inaasahan...
Sana lahat tayo ay may aral na natutunan...
Lahat tayo ay magtulungan para malimutan ang bangungot na dulot ng nakaraan...

Unti unti pa lamang nating tinatahak ang matuwid na daan ay muli na naman tayong naligaw at napunta sa daang KURBA.

22 comments:

Unstoppablepedestrian.blogspot.com said...

the best to jhakie ^-^
thumbs up nanaman ako sayo!!!

galing galing

Hack To The Max said...

Noynoy ikaw ba yan? MAJOR MAJOR na kurba yan...

Anonymous said...

WINNER!

Renz said...

Galing. Sama-sama ituwid ang kumurbang daan. :)
(by the way, idol na kita :)) )

Anonymous said...

tama. mag-move on na lang tayo at tigilan ang sisihan.

Trainer Y said...

nice post...
so true...
there's no use blaming each other. wala ng saysay na maghanap ng sisihin.. wat we can do is just to move forward and hope that i wotn happen again in the future...

krn said...

nice, nasabi mo na lahat. wala na akong sasabihin hehe :)

Xprosaic said...

Dyan lang magaling ang iba sa atin ang magturo... magaling maghanap ng pagkakamali ng iba... sana lang instead na yan ang gawin eh gumawa na lang ng mabuti at gumawa ng aksyon... wala lang... umeepal lang...lolz

Dhang said...

maganda ang nilalaman ng tula... tama!

definella said...

amen =))

wala na tayo magagawa, move forward na^^

Diamond R said...

Tama, higit tayong hahangaan kung papaano natin haharapin ng may pagkakaisa at pagkakaunawaan ang nangyari at anong pagbabagong hakbang ang ating tatahakin para maiwasan kurbadang daan. Taking personal responsibility. It happened for a reason at nangyari na. Magmahalan na lang tayo at magpatwaran mas higpitan ang yakap di na kailangan ng maraming salita ng higit na madama ang paghingi ng tawad.

Miss Innocent said...

ang galing

Benh said...

husay pre.. you covered two perspective here! :D

Yannie said...

ang galing naman...

ikaw pala'y isang driver na makata

Lady_Myx said...

nice midnight tsuper! :) sana, balang araw, makapagpublish ka ng aklat.parang si edol bob ong! :D

good job! :D

Arvin U. de la Peña said...

sadyang kapag may nangyayari na ay doon nalalaman na kung ano ang dapat..basta para sa akin ay ginawa niya iyon para malinis ang pangalan niya at madinig ang hinaing niya..at bayani siya para sa akin..

Traveliztera said...

Ang ganda ng pagkagawa... Lahat ng angles ng issue na-analyze and 'yung moral nadeliver mo nang maayos. :) Great job! :)

darklady said...

Bulakenyo ka nga! Mahilig gumawa ng tula! ^_^


Gusto ko yung title, bagay na bagay!

Miss Innocent said...

made a post about your blog :D

http://imissyouhotcakes.blogspot.com/2010/08/82-substance-over-style.html

i wouldn't know if you would dare to put the award though... coz it looks feminine. but mentioning the award would be fine i guess :D

E•M•O•T•E•R•A said...

very well said. :D

MiDniGHt DriVer said...

@all: lahat tayo ay may kanya kanyang opinyon. panghawakan natin ito at alagaan.

Maraming salamat sa inyong lahat :-)

Kim, USA said...

What happened last week was so sad. I don't want to compare how the cops here in US take charge if a hostage taken is going on, but what I could say talagang kulang ang ating mga pulis dyan sa Pilipinas nang training sa ganitong mga pangyayari. I hope it will improve because this situation should not happen again. Happy Tuesday!