Sunday, August 8, 2010

Pagpatak ng Ulan

Kasalukuyang umuulan habang ginagawa ko ang walang wentang post na ito, kaydaming pumapasok sa aking isipan, di ko naman alam kung paano ko sasabihin or ipapaliwanag, halo halo kasi. May takot, saya at naaalala ko rin ang pagmamahal. yown yun eh.. sabay emo! Pero seryoso, medyo mahirap ipaliwanag ang gusto kong sabihin, pero try ko subukan okie?

"Takot" dahil bukod sa madulas ang daan na nagiging pangunahing sanhi ng aksidente sa lansangan, may naging karanasan din tayo na hindi malilimutan ng minsan ng gumanti sa atin ang Inang kalikasan, dulot ng kapabayaan at pagiging abusado ng mga tao, masyado tayong naging iresponsable para sa yaman na ipinahiram lamang sa atin ng maykapal, kaya naman sa pamamagitan ng ulan at malalakas na hangin ay binigyan nya tayo ng isang malaking leksyon ng buhay.

"Kasiyahan" sapagkat marami ang nabibiyayaan ng ulan, unang una dito ay kaming mga driver, mas madaling maglinis ng sasakyan kapag umuulan, tipid sa tubig.lolz, at nadyan din ang mga magsasaka na ang ulan ang tanging inaasahan para mabuhay ang kanilang mga pananim, dahil sa kakulangan ng irigasyon at sapat na suplay ng tubig para sa kanilang mga bukirin. Nadiyan din ang mga puno, hayop at halaman na namumuhay mag-isa sa kagubatan, mga tao sa kamaynilaan na ang tubig ang pangunahing pangangailangan.

"Pagmamahal" na siyang inspirasyon ng bawat isa, ang pagdampi sa ating katawan ng patak ng ulan ang siyang nagsisimbulo ng tunay na diwa ng pag-ibig na ultimo luha na nagpapahiwatig ng pangamba at kasiyahan sa mga nagmamahalan.

ULAN

Patak mo sa lansangan ay kaysarap pakinggan,
Tikatik mong pagtulo'y kaysarap ulinigan
Tunay kang biyaya mula sa kalangitan,
Ang himig mo, ang tunog mo sa puso ko'y nagpapagaan.

Kahit anong bigat pa ng aking dinadala,
Kapag bumuhos ka na, nababago ang timpla,
Ang daming pumapasok na magandang alaala,
Tungkol sa karanasan, kasama ang sinisinta.

Dampi ng hangin na pumupukaw sa aking pagkalumbay,
Ingay ng patak mo sa bubong na sa dugo ko'y bumubuhay,
Pagtitig sa itaas na ultimo luha ng pagmamahal,
Na inaalay sa atin ng Diyos Amang maykapal.

Oh Ulan, ikaw ang tugon sa dasal ng magsasaka
Dahil ang kanilang pananim ay tuyung tuyu na,
Kung di dahil sayo ay baka wala na,
Ikabubuhay at kakainin ng kanilang Pamilya.

Wag mo lamang ilakas masyado ang buhos,
Dahil takot na ang bayan sa isang malaking unos,
Ayaw ng maulit mga baha na tumapos,
Sa mga ikinabubuhay ng mga taong kapos.

BOW

12 comments:

Super Jude said...

tunay ngang ikaw ay isang makata. haha.
nice naman. nagawan ng tula ang ulan! :D

Unknown said...

pagpatak ng ulan sabay pagginaw sa gabi...ay isang ala-alang mahirap maging singol! :(

na-add na kita sa blogroll ko! :D

Miss Innocent said...

twing umuulan ay naalala ...
kay sarap isipin ... na may kasama...
sukob naaa halika na:) sabaytayo ..

i love that song

MiDniGHt DriVer said...

@Superjude: waaahhh..salamat parekoy, ganyan talaga pag walang ginagawa. hehehe

@vonfire: Yown yun eh. salamat parekoi.. :-)

@hotcakes: hahaha... nice naman... katahan na..:-)

DRAKE said...

Bro tiga Bulacan ka ba? Parang pamilyar ang mukha mo?hehhee!

Ingat

Anonymous said...

ayun o may nakakilala na sau pare!heheh.

Jag said...

Naks! Ikaw na! Tunay na matalinghagang driver hehehe...nakikiangkas lang po hehehe...

MiDniGHt DriVer said...

@Drake: Uu parekoy, tiga bulacan nga ako. waaahhh... baka naman sa tv mo lang ako napanood? lolz

@Kuri: uu nga apre eh. hehehe

@Jag: hehehe.. salamat bossing :-)

subterfuge said...

hehe! *tips hat* wala ko masabi ilang oras lang nakalipas nakagawa ka na agad ng obra. sige lang boss ipagpatuloy mo

DRAKE said...

whahaha,parekoy kilala na kita! Schoolmate tayo bro. BULACAN STATE UNIVERSITY! sabi na nga ba pamilyar ang mukha eh!

Ingat parekoy

MiDniGHt DriVer said...

@Sub:hahaha.. adik.. btw, tnx

@Drake: wahahaha... may tama ka.. kailangan makita din kita.. madami tga-BSU dito parekoy. hehehe

J. Kulisap said...

Masarap talagang gawan ng tula ang ulan.

Misteryoso kasi.

Ang sarap ng hagod mo don.

Nakiusap ka pa na wag lang masyadong malakas.