Monday, August 23, 2010

TADHANA!

Naniniwala ka ba sa tinatawag nilang gulong ng palad?

Natagpuan mo na ba ang taong sa palagay mo ay siyang makakasama mo habang ikaw ay nabubuhay sa mundong ibabaw?

Naranasan mo na bang lapitan ka ng sandamakmak na kamalasan at wala kang ibang masisi kundi ang iyong sarili dahil sa isip isip mo lamang ay ipinanganak ka na malas?

O sa madaling sabi, ikaw ba ay naniniwala sa salitang TADHANA?

Ito yung tipong kahit hindi ka maghanap ay makikita mo o mararanasan mo ang mga bagay bagay dahil nakaguhit iyon sa mga pahina ng Libro ng buhay mo. Sabi nga nila, "Kahit pa anong gawin mo at pagbali-baliktarin mo man ang mundo ay hindi mo mababago ang nakatadhana sayo".
Tama nga naman, hindi muna magagawang palitan ang mga nakaukit na.

Ngunit sapat ba na ipagkatiwala natin sa tadhana ang ating kapalaran?

Hindi kaya mas magiging maganda at makulay ang ating buhay at pagkatao kung tayo mismo sa ating mga sarili ang gagawa nito?

Gayunpaman, marami sa atin ang umaabuso sa tinatawag nilang tadhana. Ang ibig ko lamang sabihin ay nagkalat na ang mga taong nakaupo na lamang sa isang sulok at nagaabang ng swerte (pagtama sa lotto, jueteng o maski ending)na darating sa kanila sa halip na magbanat ng buto para magkaroon ng pantustos sa pangangailangan ng kanilang mga mahal sa buhay.

Hindi masama ang mangarap, at lalong hindi masama ang magtiwala sa kapalaran subalit dapat ay alam mo ang limitasyon nito at alam mo kung paano abutin ang nakatadhana sa iyo.

NOTA: Nilikha ko ang poste na ito para sa taong nakatadhana sa akin. Yun eh!
At ang tulang ito ay inaalay ko para sa kanya. :-)

TADHANA

Nung una ay nais lamang kitang makita,
Nais na makakwentuhan at makasabay sa mesa,
Subalit ng maglaon panalangin ko ay naiba na,
Maiharap sa altar at sa habang buhay ikaw ay makasama.

Magkaiba man minsan ang ating paninindigan,
Ugali man natin ay hindi magkakapareha kailanman,
Basta ang importante sa ating puso at isipan,
Tayo ay wagas at tunay na nagmamahalan.

Hindi madali ang ating pinag-daanan,
Sari saring pagsubok ang ating nagawang lagpasan,
Sa dami ng kalokohan kong ating pinag-awayan,
Ikaw lamang ang babaing nakapagpatino sa Driver ng Bayan.

Ikaw ang aking tadhana, Ikaw ang aking buhay,
Ikaw ang syang nagbigay ng ngiti sa puso kong nalulumbay.

BOW

30 comments:

berdengkamalayan said...

sabi nga sa isang kanta ng aking hinahangaang si Bob Marley "Every man has the right to decide our own destiny" na sa aking pananaw ay makatotohanan. At di rin lingid sa ating kaalaman ang istorya ni Juan Tamad. Dapat sa sang katauhan eh magpursige, magpursige na manalo sa lotto hehehe.

Isang magandang lathala, pagpupugaw mula sa kaibuturan ng aking pusod este puso mr. Tsuper..

kikilabotz said...

naniniwala ako sa gulong ng palad. kaya nga habang nasa itaas ka at puro swerte ang buhay mo mag invest ka.. help a friend, help ur eenemy, help anyone who need your help kasi balang araw kapag ikaw na ang nasa baba baka kailanganin mo rin ang tulong nila

krn said...

ikaw na ang magaling tumula, haha. swerte naman ng pinag-alayan mo nang tula na yan :)

btw, basta para sa akin, you can create your own destiny :)

Hack To The Max said...

lahat naman ng bagay nangyayari ng may dahilan... maaaring nakatadhana ang mga ito pero nakasalalay pa din kung ano ang gagawin at ginusto mo.

P.S. - LOL at karen. Basag kung basag...

Diamond R said...

Maganda kung tayo ang gagawa ng ating tadhana.

Rah said...

Nice na tula. Ako naniniwala ako sa tadhana. May mga bagay na hindi mo mapipili, may mga pagay na kaya mong piliin. Hindi natin hawak lahat. Pero may mga bagay din na nasa kamay natin. May mga bagay na sureball, tulad ng death.

Super Balentong said...

lahat ng bagay at pangyayari ay maydahilan, nakaukit na ito. lahat may hangganan sa umpisa pa lang. at hindi tayo pwedeng lumagpas sa hangganang yun. pero nanjan ang mga bituin para gumabay sabi nga ni madam zen. haha

Unstoppablepedestrian.blogspot.com said...

there is no such thing as destiny jhakie ^-^
Nag kataon lang na yun ang nangyari kaya pinaniniwala natin na yun ang nakatadhana!!

>> when two people deeply inlove then suddenly fall apart, it is because they were both decided to do it so, and not just because yun ang tadhana para sa kanila...

> now, kung sasabihin mong masaya ka ngaun sa present people in your life, it is because you have chosen to become part of your life and makes you happy at all!! pero kung hindi mo na gustong pasiyahin ka nila!! well defenitely yun na un!! Now, kung baket tayo nag kakilala yun ay dahil parehas tayong mahilig sa blog.. at hindi imposibleng mag kakilala ang taong parehas ang blogsite na ginagamit diba?

>> what am trying to say is, the so called destiny lies beyond a person itself and not to the thing DESTINY ITSELF

>> this is just a self stand!!! deal with it or not!! its okay!! but this is a self feeling..

>> P.S: ganda ng poem mo jhakie ^-^ love it!!! for sure mapapangiti ng bongang bonga ang taong yun!! winks winks

Anonymous said...

kahit kailanman tadhana'y hindi ko pinaniwalaan
hindi ko nilagay ang aking buhay sa kamay ng sinoman
ako at ako lamang ang gumuguhit ng aking kapalaran
ito may tagumpay o kasawian

ngunit kung ang iyong ipagpipilitan
tadhana ng ilang sa tao sa kapaligiran
na ngayo'y naghihirap at dumadanas ng kamalasan
teka lang kaibigan, hindi ako sangayon jan

para mo nang sinabi may favoritism si Lord
dahil sa situation ng ilang hindi maka afford
dahil ang mayaman ay nananatiling mayaman
at ang mahirap ay lugmok parin sa kahirapan

hindi ginusto ninuman ang maghirap ang iba
kung sa tingin mo nama'y inabuso ka
kasalanan mo't hindi ka lumaban at hinayaan lang sila
walang dapat ibang sisihin, ikaw lang talaga

PS

maraming salamat kaibigan
sa patuloy mong pagbuhay sa aking natutulog na laman
ooopps teka hindi ito kabastusan
ibig kong sabihin, pag ako'y nalulungkot lagi kang anjan

para patawanin ako
para pangitiin ako
para gisingin ang pagiging makata ko
para tulungang mainspire ulit ako

thanks E*V*
sana makilala pa kita ng lubusan
makasakay sa iyong sasakyan
at makarating sa kahit saan

Anonymous said...

Yes! Saludo ako sa tulang ginawa mo, kung para kanino man 'yan. :D
Yep, I do believe in destiny. May plano ang Diyos para sa bawat isa sa atin. Sinasabi rin na dumaan man ang napakaraming tao sa buhay natin, mayron at mayron talagang isa na sadyang nakatadhana.
\m/

Anonymous said...

tau ang gumagawa ng sarili nating kapalaran base sa ating mga gawa at desisyon. along the way, nagdarapa tau at nasusugatan. ang importante ay magawa nating harapin ng buong puso san man tau dalhin ng ating mga desisyon sa buhay.

Xprosaic said...

Ayon nga kay Invictus "I am the master of my fate, the captain of my soul"...Mas gusto ko na lang paniwalaan ang ganitong set-up at least alam ko sa bawat desisyong gagawin ko may karampatang outcome na malamang eh ginusto ko naman... ahahahhahahaha ang labo ng explanation... lolz... basta yun na yun... nyahahahhahahha

Renz said...

BOW..
Hanep sa galing brad. Cge idol na kita mula ngayon :) hehe.. Astig yung introduction, mas astig yung poem dahil ba astig din ang nagsulat? o astig ang nagbasa? Haha..
Ingat

mhay said...

astig! tama si nafaccamot! whatever happen has a reason behind on it! galing ng poem! astig ka tlga mdriver! idol n rin kita.. hehehe...

Unknown said...

Uy.. salamat sa pagdedicate sakin ng tula ha..
haha charr..
ui.. sino yan?? ayeeiii.. kaw na!

Kidding aside, may major point ka mr.wafung driver [nagiging bolera na ko dahil sayo!:P] tayo ang may hawak ng ating kapalaran. Tayo ang magdidkta sa kung saan patungo ang ating tadhana

Kim, USA said...

Ang question mo is..naniniwala ba ako sa tadhana. I think I do! Because finding my hubby for 6 years now is beyond my comprehension. BUT there is a but here, I prayed for it too. And it takes me 10 years to find and meet him. Ang sa akin lang huwag madaliin ang lahat sa buhay natin. Take it easy, and don't forget to pray. Having a negative mind set affect our well being kaya nagka-malas-malas. Ang sa akin lang din everything here in this world has a purpose and meaning of life. And if we pause, set still and recollect out daily life we will be in the right path and our fate will turn into the right perspective too. Thanks for the visit!

definella said...

destiny?! i rather call it God's plan :)

nice poem, may future ka^^

Benh said...

syempre na amazed na naman ako sa tula mo.. hehe! I have similar post with this.. but contradicting tayo.. check it here: http://benigmassive.blogspot.com/2010/08/destiny.html

feRry jHoi ^.^ said...

@virtualanimosity, nice poem here huh!! I've got a nice idea, why don't you ask jhakie's permission and then ikaw na ang author ng blog na ito!!! hihihi...

>> at talagang ginising nya ang natutulog mong laman!!! hihihi.. para kasing nasa zigzag ka kahit wala naman pag sumakay ka dyan kay jhakie eh!!! grrr

@dadi Kurs ^-^ pinaka magandang nasabi mo yata ito sa buhay mo!! hihihi nice shot!! apirr!!!

Tuesday visit jhakie dearie (winks)

JENIE=) said...

i guess i believe more of God's Will ;)

glad to be here friend, see me back
HEALTHINFO@EarthyMe
heartQUAKES
life round meNyou
at-a-blink

E•M•O•T•E•R•A said...

naalala ko tuloy yung kanta ng parokya ni edgar "TED HANNA" astig ang tula ah. :)

Traveliztera said...

anlalem a hehee!

I'm sure we all have our own destiny but we have to move to make everything work. Along the way kasi are signs to help us get there or help us achieve whatever we are longing for. If we don't move, we won't be able to see those signs that will guide us. We might not be able to meet the people and the circumstances that would have been the key to our destiny kaya it's better to go out there and enjoy life and madadala ka na sa destiny mo. :) hyeeeeeeeeees ... goodluck sa inyo ng destined syo ;)

Artiemous said...

ako naniniwala pa rin na ako ang hari ng sarili kong tadhana... Ü pisawt!

Chyng said...

+1 kay Artienous

Josie said...

me kasabihan tayo na "Nasa Diyos ang awa pero nasa tao ang gawa", kahit kaawaan ka pa ng Diyos kung di mo naman aayusin ang buhay mo, wala ding mangyayari di ba. I still believe that man made his own destiny, though we cannot ignore the fact that there are some who are damn lucky, and some that were not, :P salamat sa bisita sa aking site, mag comment ka nmn.. lol...

Anonymous said...

@ferry jhoi:

hindi ko alam kung dapat ba akong ma-offend sa comment mo (or sarcasm) but thanks for that anyway, im taking it with a pinch of salt.

and oh, btw, i dont need his permission para maging author ng blog na'to. una, i have my own and pangalawa we (i mean both of us) are working on a different blog.

sikoletlover said...

Destiny is for losers. It's just a stupid excuse to wait for things to happen instead of making them happen. - Blaire Waldorf

xoxo

MiDniGHt DriVer said...

@All: Maraming maraming salamat sa mga kumento, papuri, opinyon, kritiko at kuru kuru ninyong lahat.

Anonymous said...

Nice post sir!
Sabi nga ni Madam Zeny Zeva: "Hindi hawak ng mga bituin ang ating kapalaran, gabay lamang sila. Meron taong free-will, gamitin natin ito."

BeepBEep!!!
Keep on Bloggin' \m/

Mickie Mousie said...

Kahit a anong gawin mo at pagbali-baliktarin mo man ang mundo ay hindi mo mababago ang nakatadhana sayo.
Maswerte ka kse nakita mo na ang tadhana mo pagdating sa pagibig. Ako ,minsan akala ko , nakita ko na. Maraming beses kop ala un iniisip na nakita ko na dahil lagi ako sumasaya. Akala ko kse pag sumasaya , tadhana na ang ibig sabihin nun.
Naah! Pagbali bagligtarin ko nga naman ang mundo , d ko na mababago ang tadhana ko. At kasama dun ang kalungkutan..Pero, sabi mo nga , dapat d abusuhin ang tadhana. Hindi, Hindi ako susuko hanggat’ makita ko kung ano man un o sino man un…