Sunday, July 18, 2010
Ako din pala ay isang......
Trip ni:
MiDniGHt DriVer
Bilang pagpapahalaga sa kumento ng aking kaibigan, minabuti kong ipagpatuloy ang mga bagay na nagagawa ko pa bukod sa pagiging driver, may mga institusyon na kung saan ay naging aktibong myembro din ako. Narito ang ilan, di ko pa ma-isip ang iba, pasensya na, tao lang.
Impersonator
Oh eto na megumi, binanggit ko na, wag ka na magreklamo.. hehe
Ang pagiging impersonator ko ay hindi lingid sa mga malalapit kong kaibigan. Madami na akong nagaya at ginagaya pa hanggang sa kasalukuyan. Masaya ako kapag napapasaya ko ang mga kasamahan ko at sa palagay ko iyon ang pangunahing purpose ko sa mundong ito. Ang paligayahin ang mga taong nakapaligid sa akin na kahit sa maiksing sandali lamang na kami'y magkasama, sinisiguro kong magiging masaya sya.
Runner
Nabanggit ko na ata ito dati, di ako sigurado pero hayaan nyong ulitin ko ito. Ako ay isang myembro ng grupo ng mga piling piling nag-gagandahan at naggagwapuhang mananakbo sa panahong ito. Gusto ko sanang ipakita ang ilan sa aming mga litrato subalit baka sabihin nyo ay SINUNGALING ako..
Mountaineer
Ako ay isang aktibong myembro din ng mga tinatawag nilang taong di makuntento sa kapatagan na mas ninanais pang makipaginuman sa tuktok ng bundok at pahirapan ang sarili sa pag-akyat at pagkapit sa mga naglalakihang ugat. Ngunit ang pagiging isang mountaineer ay hindi biro, kinakailangan mo ng dedikasyon sa kapaligiran at ibigay ng buong puso para dito, kada makakarating ako sa tuktok, doon ka nararamdaman ang sarap ng pagiging malaya ng isang tao, doon mo makikita ang tunay na ganda ng mundong ginagalawan mo.
PS: Di po ako talentado, ma-epal lang talaga ako. Magkaiba ang pagiging talentado at maepal. Ang una ay talentong pinagkaloob sayo ng may likha mula pa ng ikaw ay isilang sa mundong ibabaw samantalang ang pagiging maepal naman ay nadevelop mo na lamang habang ikaw ay nagkakaisip at impluwensya nadin ng mga taong nakapaligid sayo.
Eto, pagtyagaan nyo.
MA-EPAL lang ako
Talentado, yan ang sinasabi ng ilan sa inyo,
Di nyo nalalaman na ma-epal lang ako,
Hilig kong sumawsaw sa kung ano ang uso,
At ipagsigawan sa mundong myembro ako nito.
Subalit minsan din, kay sarap ulit ulitin,
Mga nakahiligan ko'y, kay sarap gunitain,
Isapuso't isaisip ang tunay na mithiin,
na tunay kong kasiyaha'y, kayo'y paligayahin.
Uulitin ko po sa inyo,
magkaiba ito,
Tunay na talentado at ma-epal sa mundo.
BOW
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
8 comments:
hihi, I could say that you belong to those you have thier talent na nag eepal din sa mundo ^.^ para fair diba?
ako din jhake, feeling ko ang paligayahin ang mga tao sa paligid ko ang mission ko sa mundong ito ---->>
Happy Monday to you ^.^
ahaha.. fair na fair nga.. hehe.. adik.. thanks ferry :-)
wells.. skills or talent you're still the bomb for accomplishing things other people only wish that they too, can do it.
Em: nak nang.. kaya sayo ko eh, pinapalakas mo ang loob ko para lalong mag-epal.. lolz.. tnx :-)
talentado ka pala.keep it up .now lang me nakadalaw at masyadong busy sa pag eempake .but pag may time I make sure na sisilip sa site mo .
may isang nissin seafood kap nudols ka sakin paguwi ko! haha
share what you have 'ika nga nila :D
@tatess: ahaha.. empake pala, uwi k pinas?
@sikolet:waawwwaaawwweeee... peborit naming mga driver ng nudols. hexsayted na ku.. tenkyou
agree. hindi ka maepal , ikaw ay isang mAALAM na TALENTADO :))
Post a Comment