Monday, July 5, 2010

Coding ako pag Tuesday


Ayaw ko ng araw na Lunes, Hindi lamang dahil unang araw ito ng pasokko sa trabaho galing sa mahabang pahinga, ito din ay kakambal ng araw na martes na ang ibig sabihin ay pahirapan portion na naman, araw kasi iyon ng palengke ng Calumpit. Haaayyy, para sa aming mga Driver sa kamaynilaan, isang araw lamang ang iniiwasan namin sa loob ng isang Linggo. Iyon ay ang araw kung kailan limitado lamang ang aming oras para manatili at magmaneho sa daan, iyon ay ang araw kung kelan ang aming mga sasakyan ay hindi maaaring magpausok at bumusina sa lansangan. Dahil sa ang dulo ng plate number ko ay 4, automatikong coding ako pag tuesday. Opo, coding ako pag tuesday, ooppps, hindi ako kumakanta ok.. kaya wag kayong magmapiling. Nagkataon lang na parehas kaming coding ni RJ pag tuesday na syang nagpasikat ng kantang toh. Pero may ibang version ako, di ko pa alam kung pano ko itotono, kwento ko na lang muna:

Paunawa: wala po akong originality, parang awa nyo na, pagbigyan nyo na ko kahit ngayun lang.

Lunes ang araw ng una naming pagkikita,
Pag dating ng martes, wala muna kaming dalawa,
Sasapit ang miyerkules at muling masisilayan sya,
at huwebes naman ang nagpapatibay sa pagsasama
byernes ang araw na aming pagporma
sa mga gimikan at sa babaeng naggagandahan.

Saglit lang at baka mabasa to ng aking kasintahan,
yari na naman ako, gulpi ang aabutin ko.
Di ko na alam kung pano tatapusin ang tula,
kaya ganto na lang bigla na lang mawawala.


Beep BEeep

8 comments:

goyo said...

hahahaha.dalawang kanta pinag-isa.lols.may parokya pa.hehe.

Ok lang na coding pag tuesday.buti ka nga may sasakyan. :P KAMI wala..

Sendo said...

ang masasabi ko lang...eh sana magkaroon ako ng sasakyan para maranasan ko ang coding coding na iyan...at ang magmaneho sa manila..wala kasing coding rito..ahw dito na lang hahaha...ingat sa pagmamaneho! ^^

MiDniGHt DriVer said...

@Sendo: Salamat parekoi, wag kang mag-alala, panigurado kong sa husay mong mag-blog eh may mararating ka at magkakaroon kadin ng mamanehohin. salamat muli sa pagbusina sa blog kong walang wenta.. hehe

bulakbolero.sg said...

ayus yung composition mo ah!

MiDniGHt DriVer said...

@bulakbulero: wahaha.. sa wakas, may nakapansin din sa napakalupit kong akda.. hehe! salamat boss

Unstoppablepedestrian.blogspot.com said...

haha, sige jake gawan ko ng tono yang lyrics mo...tapos benta natin sa calumpit market...diba? hahaha... okay lang yang coding.. dapat nga 2 days pa ang coding eh... jokes...

be safe always ^.^

MiDniGHt DriVer said...

@Ferry: geh.. antayin ko yung tono.. lolz..

MiDniGHt DriVer said...

@Goyo: ngayun lang nag-appear sa akin ang malupit mong kumento.. di din sakin ang sasakyan na minamaneho ko.. isang romantikong Driver lang ako parekoy.. hehe