Wednesday, July 28, 2010

MAGuLONG PAg-iiSip

Ang buhay ko ay parang gulong ng karag karag na sasakyan, madalas maplatan.

Hindi ko alam kung bakit ako biglang nalungkot, wala naman akong mabigat na pinoproblema sa ngayun, pero bakit ganun? Pakiramdam ko ay may hinahanap hanap ako, pakiramdam ko ay may kulang sa akin sa pagkakataong ito. Gusto kong mag-emote pero di naman bagay. Ang pagtibok ng dibdib ko ay kasing bilis ng rumaragasang toro, ang paggalaw ng utak ko ay kasimbagal ng paggapang ng pagong sa mabatong lugar. Naisip ko bigla ang dialogue sa isang serye, "Am I destined to be unfortunate?". Hindi ko alam kung bakit biglang pumasok to sa utak ko, hindi ko alam kung anong kaugnayan nito sa nararamdaman ko ngayun. Ayokong mag-isip ng di maganda lalo na't alam kong wala naman itong maidudulot na mabuti sa akin at sa aking kapwa. Gusto kong sumigaw, pero di ko naman alam kung anong isisigaw ko. Siguro ay dadaanin ko na lamang sa tula lahat.

Sa pagkakataong ito'y naiiba naman,
Hindi ko ikukwento ang lugar na napuntahan,
Bagkus ay sasabihin sa inyo ang karanasan,
Ang gumugulo sa isip at sa nararamdaman.

Hirap ang puso kong tumibok ng normal,
pati ang utak ko'y ang pagkilos ay kay bagal,
hindi ko alam sa ngayun kung ba't ganto ang asal,
Walang ibang magawa kundi ang magdasal.

Gusto kong sumigaw at gumalaw ng gumalaw,
Kahit kasi sa pagtulog, antok ay hirap dumalaw,
Pati sa pagtula, pakiramdam ko'y ako'y hilaw,
Kahit pati kayo'y di ko man lang mapa-WOW.

Ayoko ng isipin, mga gumugulo sa isip ko,
dahil baka naman mamaya'y bigla nalang akong maloko,
Panigurado ko bang magugulat kayo,
dahil baka si Midnight Driver ay di na maging romantiko.

BOW

7 comments:

feRry jHoi ^.^ said...

aw, jhakie ^.^ for whatever it is just chill lang.. Dont expect of something too much, don't be bothered for so much things in you na wala namang katuturan. Ahm, mag unwind ka, hang out with those people who can make you feel better.

Everything will be okay in the end, kapag hindi kapa okay, then hindi pa un end.. yun lang yun ^.^ Tama ka the best thing to do now is to pray... okay lang maging EMO sangkap yan ng pagiging romantiko (yay!! hihihi)

>> oh!!! smile na ^.^ ang sagwa pag tahimik ka eh

MiDniGHt DriVer said...

@Ferry: Thanks for the word of advice. kaya sayo ko eh. haha. :-)

Unni-gl4ze^_^ said...

apir!ako din minsan nakakaramdam ng ganyan,,yun bang gusto kong sumigaw pero di ko alam isisgaw,.,,bglang nalulungkot pero di alam ang dahil~~hayss laife~~~pero kaya natin to maraming tsokolate sa tindahn haha jokes lng..
nice poem btw

tatess said...

normal lang yata yang feeling na yan minsan .

sikoletlover said...

ay ang drama. try mo iligo yan boi.

babala: ang mashadong pag-iisip ay nakamamatay :) relaks lang pre. layp is byutipul :D

MiDniGHt DriVer said...

@Unni:Magandang ideya yan. kakain ako ng maraming tsokolate. haha. ty

@tatess: yap, normal nga daw. haha

@Sikolet:may tama ka jan. iniligo ko kagabi, abay nawala nga:-) lolz. tnx

AdroidEnteng said...

malamang pre alam ko kung bakit, mahaba ang pila sa CR...hehe