Tuesday, July 27, 2010

BUMUSINA sa LAGUNA

Sa wakas.... nakakita na din ako ng puno ng Rambutan, puno ng Lansones at puno ng kakaw! Ang galing galing ng aking karanasan nitong nakaraang sabado't linggo. Kasama ang pamilya ng aking DYUWA (ito ang bigkas ng isa sa aming kaibigan), ako ay muling napunta sa lalawigan ng Laguna, sa puntong ito, hindi para magtrabaho kundi para bisitahin ang mga kapamilya ng kanyang butihing AMA. Sa loob lamang ng dalawang araw, madami dami din kaming lugar na napuntahan, nakakapagod pero enjoy naman lalo na at hindi ako ang nagmamaneho, hehe, hindi ko dala si Red, naki-epal lang ako sa kanilang sasakyan na dala. Ang sarap din pala ng buhay pasahero, pwede kang matulog kahit anong oras mo gusto.

Umpisa na ng busina. Nagpunta kami sa bayan ng Rizal, kung saan nagsawa kami sa pagpitas ng mga rambutan (pinamimigay lang sa kanila ang mga to at hindi binebenta), opo, nsabi ko ang salitang nagsawa dahil 1 oras kami halos nanguha ng rambutan pero parang di pa rin namin nababawasan yung mga bunga sa puno, grabe ang dami, nang matapos kami ay napuno namin ang tatlong garbage bag, or hindi siguro bababa sa 50 kilo. Hehehe, di naman halatang abusado kami nun dba?

@Ito ay iilan lamang sa mga rambutang aming napamitas. Kay tamis at kaysarap ng lasa baga:-)

Sumunod naming destinasyon ay ang Liliw. Bago ka makarating dito ay dadaan ka pa sa tinatawag nilang Bitukang manok, nakakatakot dumaan dito, bukod sa sobrang kurba nya, puro pataas pa, bundok na kasi ang parteng laguna nato. Pero sulit naman ang sinadya namin, kilala ang liliw bilang bilihan ng mga native na tsinelas at mga bag. At totoo nga, sila ay napakayaman sa tradisyunal panabit balikat at panapin paa na gawa sa abaka oh kaya naman ay pinya. Nakakabilib ang talento ng mga Pilipino sa larangan ng paglikha at paggawa ng mga produktong maipagmamalaki mo sa buong mundo. Iba din ang sayang naramdaman ko sa pagiging accomodating ng mga tao dito. Proud to be Pinoy ika nga.

@Isa sa mga tindahan sa liliw, ang dambuhalang tsinelas na ito ay nakakaaliw :-)

Nagpunta din kami sa San Pablo City, ito talaga ang pupuntahan namin, umepal lang muna kami sa ibang lugar. hehe. Papasyal sana kami sa Villa Escudero, kaya lang eh kemahal pala ng bayad dito. Kaya napagkasunduan naming sa susunod nalang. :-)

Bago matapos ang kwento, mawawala ba naman ang alay ko para sa Lalawigan ng Laguna. Eto na.... beep beep


Lalawigan ng Laguna ang lugar mo ay kakaiba,
Kay yaman sa tradisyong maipagmamalaki sa kanila,
Bulubundukin mong lugar ay kay sarap sa mata,
Kahit pa mga daan mo'y nakakatakot na kurba.

Kakaiba ang sayang aking naramdaman,
Nang ako ay mamitas ng mga Rambutan,
Na sa lugar nyo lamang aking naranasan,
At nagdulot sa akin ng sobrang kasiyahan.

Hindi ko malilimutan ang bayan ng Liliw,
Na nagpamalas sa akin ng kakaibang giliw,
Panabit balikat at panapin paa,
Na para sa akin ay world class ang ganda.

Kay dami ko pa sanang gustong sabihin,
Subalit sa paglikha'y tyak na gagabihin,
Sa dami ng pwedeng tula kong likhain,
Baka dumating sa puntong sa pagbabasa nyo naman ay tamarin.

BOW

7 comments:

Anonymous said...

naalala ko dati nung bata kami, mag bubukas ang lolo ko ng cacao para ipa"supsop" sa ming mga apo nya ung buto. pag finish na. iluluwa namin un buto para ibilad ng lolo. after ilang araw pagkatuyo, babayuhin nya yun para maging cocoa powder.

di ko lang alam kung ganun din ung systema ng paggawa ng cocoa powder na nabibili natin sa grocery??? wag naman sana. :)

MiDniGHt DriVer said...

hahaha. malamang pare ganun nga din yun. paborito ko pa naman ang cocoa powder na flavor ng ice candy. lalo na nung bata pa ako, akala ko ay totoong milo ang flavor nun. lolz

feRry jHoi ^.^ said...

aww... nice trip naman jhakie ^.^ for sure nag enjoy ka talaga dyan....

Hindi ka man lang nag text para naman mapasyal kita sa Cavite... hihi...

Next time nalang sigruo...

MiDniGHt DriVer said...

@Ferry: ahaha, sinabi mo pa. sige, may next time pa naman eh. ikaw na yung kokontakin ko sa sunod na punta ko jan :-)

ROM CALPITO said...

sarap naman ng rambutan penge bossing hihihi

invite sana kita bossing bumoto

sikoletlover said...

"panabit balikat" - homaygass..ang lalim ng tagalog mo boi. diko naarok.

pahingi din ako ng rambutan tsaka ng lansones tsaka ng kakaw tsaka ng tsinelas at panabit balika ^_^

MiDniGHt DriVer said...

@jettro: hahaha, sige boss, ilan gusto mo? hehe..

san ako boboto? GO

@Sikolet: hahaha, di ko kasi lam tagalog ng bag kaya nagisip na lang ako ng kung ano. hahaha. irereserve kita pag uwi mo :-)