Alam na ng karamihan sa inyo na coding si Midnight Driver kapag araw ng Martes, kaya naman kahapon ay mas minabuti ko pang iwanan na lamang si Red Ranger (Ito ang malupit na pangalan ng sasakyang minamaneho ko) sa aming tahanan. Sa pagkakataong ito'y naranasan kong muling makipagsiksikan at makipagunahan sa pagsakay ng FX, jeepney at Bus. Sa isang araw na hindi kami magkasama ni Red, namiss ko kagad sya. Ramdam na ramdam ko ang kanyang prisensya. Mahirap sumakay kagabi, kaunti ang Bus sa may Edsa at kay lakas ng ulan, pagkalipas ng halos 30 mins na pag-aantay saka lamang ako nasakay, yun nga lang, tayuan at siksikan. Paalis na sana ang Bus na aming sinasakyan ng harangin kami ng isang MMDA sa may dulo ng Bus Stop sa Farmer's Cubao. Dahil sa nasa likuran lang ako ng Driver, medyo napakinggan ko ang kanilang pagtatalo. Eto ang naging pangyayari:
-Humarang and MMDA, sabay tapat ng kanyang kamay sa may windshield ng BUS na parang sa commercial lang ng Rexona na nagsasabing "wala ba kayong mga kamay?"
Manong Bus Driver: Bakit po Sir?
MMDA: Wala ka namang sinusundan ha, bakit ang tagal mo?
Manong Bus Driver: Kasi Boss bumaba pa yung mga pasahero ko, eh nahirapan pong bumaba kasi madaming tao
MMDA: Nahirapang bumaba, o nagsakay ka pa? (pabalang na sagot ng MMDA)
-Parang nagpantig ang ulo ni Manong Bus Driver
Manong Bus Driver: Mapipigilan ko bang sumakay yung mga pasahero, eh may mga bumababa (mataas na boses ang gamit at nanginginig sa galit)
MMDA: Edi nagsakay ka nga, hindi mo ba alam na kanina pa maraming pasaherong nagrereklamo dito dahil sa ang hirap na ngang sumakay eh ang tagal pa ninyo sa bungad. Pahiram ng lisensya mo!
Manong Bus Driver: Bakit ko ibibigay? wala naman ako ginagawa, titiketan mo lang ako.
MMDA: Natural na tiketan kita, eh may violation ka eh. Loko ka pala
Manong Bus Driver: Ano? wala naman ako nagawa ah, alangan namang pababain ko lahat ng sumasakay, edi sakin naman nagalit yung mga pasahero. Ayokong ibigay!
MMDA: Amina sabi eh... (Galit na si Kuya)
Manong Bus Driver: Ayoko nga eh....(Mas galit si Manong)
MMDA: (Tinanggal ang butones ng kanyang uniporme at sinabing...) Ikaw na kaya dito at magpalit na tayo ng pwesto. Ikaw na ang magsuot ng uniporme ko. Ayw mo lang ding sumunod sakin eh
Manong Bus Driver: Yan ang hirap sa inyo eh, di kayo marunong pakiusapan. pag kayo sumasakay samin lagi kayong libre pero wala kayo naririnig. Mga buwaya talaga kayo.
-Hindi ko na tatapusin ang kwento dahil napakahaba pa ng kasunod nito, ang tagal nilang nagtalo. Pero infairness nagmistula silang mga Artista sa dami ng mga taong nanonood sa kanila. karamihan sa mga kapwa ko pasahero ay nagbabaan na dahil sa inip, pero ako ay mas minabuti kong mag-antay na lang hindi dahil sa mahirap sumakay kung hindi dahil inaatay kong magpang-abot sila at saka ko ivivideo. hehe.
At para sa Bus Driver at MMDA, etong sa inyo.
BUS:
Sa kahabaan ng EDSA,
tayo'y palagiang nagkikita
Ngunit bakit di makasundo,
kami'y lagi nyong pinapara't pinapahinto.
MMDA:
Hindi namin kasalanan,
kung kayo'y aming mapagtripan,
Ginagawa lamang namin
Ang mga trabahong pinaguutos sa amin.
DUET:
Sana... sana...Sa kalasada'y magkasundo na
MMDA at Manong Driver, pag-aaway ay maiwasan na
Pare parehas lamang tayong gustong kumita
Mapuno ang bulsa at mabusog ang ating Pamilya.
9 comments:
blah.. it's hard to tell who "won" or who should win between their showdown but they could both be wrong. I totally forgot now how the streets are like in the Philippines but for drivers and for everyone's safety, they shouldn't stop or unload passengers on stops where they're not supposed to. And as for the MMDA's, some of them just wanted the money. power tripping in other words.
Em: may tama ka, parehas silang mali. Pero nung huli, naayos naman.. yung kundoktor nga lang ang umareglo.. btw, gaano k nba katagal wala sa pinas?
boss parang may nawawala kasi.....aah! DISIPLINA. yun lang. bow.
ahm almost a decade
@Sikolet: Tama ka madam.. yun nga yun.. tumpak
@Em: ahaha.. ang tagal na.. weeehww
both parties are wrong including the passengers. Pag sinabi kasing bawal- BAWAL!!!!
Hwag ng paglitan ang hindi tama!!!
Pero infairness I love the lyrics, gagawan ko din ba ng rhyme yan??
Musta naman jhake???
@Ferry: ahaha.. tnks.. sige gawan ko ng tono.. ayos naman ako ferry, salamat sa kumento :-)
sapul naman talaga yung mmda, paranmg tanga naghahanap lang ng pangakpe.. excuse my term, :))
the MMDA got owned hehe
sayang at naputol na bakbakan nila xD
Post a Comment