Saturday, July 3, 2010

Ang Walang Kupas na Buko Pie


Kagabi, bumyahe ako sa Laguna kasama ang aking katotong si Chano para sunduin ang kanyang misis na malapit ng manganak. Pero bago kami tumulak, bumusina muna ako. Beep Beep. Ayos ang busina ko, osya tayo na’t lumarga.

Sa kasagsagan ng aming mahabang paglalakbay sa SLEX, muntik na akong makatulog ng matapat kami sa bandang Alabang. Anak ng tinapang trapiko yan, abay pagkabigat naman pala, hindi ko tuloy sya naiwasang ikumpara sa NLEX, pagkalaki ba ng diperensya. Haaaayyy.. Isipin nyo b naman na umabot kami ng kulang lamang isang oras ng hindi nakakaalis sa pwesto. Alam kong saglit lamang ang oras na iyon kung ikukumpara mo sa masikip na daloy ng trapiko sa EDSA, subalit ang pinaguusapan sa puntong ito ay ang salitang “EX” na bukod sa Expressway ang ibig sabihin ay tumutugon din to sa katagang EXTRA as in Extra money para lamang makadaan dito. Buti na lamang ay nalibang ako sa malupit na mga kumentado ng announcer sa radyo, kasalukuyan din kasing nakikinig kami nun sa radyo PBA, ang ganda ng laban ng Derby Ace at SMB. Sulit ang mahabang pakikinig. Hehe.

Saglit lang pala, parang malayo ang title ko sa kwento ko, ganto pala yun. Kaninang umaga, bago kami bumyahe pabalik sa Bulacan, nag-iisip ako kung ano ang maaari kong maipasalubong sa aking pamilya at kasintahan, alam nyo naman na nakagawian na siguro nating mga Pinoy na mag-uwi ng pasalubong kahit na saang lupalop ka pa pumunta, minsan nga sa kabilang kanto na lamang ang punta mo, kailangan may pasalubong ka pang iuwi sa mga bata. Kilala ang Laguna sa madaming uri ng kakanin partikular na ang walang kupas na Buko Pie, at kapag ito na ang usapan ay panigurado kong “The Original Buko Pie” ang nangunguna dyan. Grabe, hindi ko akalain na ang layo pa pala nun sa lugar na pinuntahan namin, napasubo tuloy si Red Ranger sa mahabang byahe, pero di ako nagsisisi, dahil sa bukod sa pagkahaba haba ng pila (natuwa ako dahil sa mahabang pila, ang ibig sabihin lamang nito ay dinarayo talaga ito), ang buko pie ng The Original ay sadyang napakasarap. Ang Buko sa loob nito ay pagkakapal kapal at ang timpla ng asukal at harina ay swak na swak lamang sa aking panlasa. Akala ko ay makakalimutan ko na ang pangalan ko at ang daan pabalik sa Bulacan. Kung nagkataon, baka di na kami nakauwi. Hehe..

Sana ay matikman nyo rin ang sarap ng The Original Buko Pie. Ooops.. parang mahaba na ang kwento ko, hinay hinay lang muna at baka maubusan ako ng krudo. Ang mahal pa naman ngayun. Osya sya, samahan nyo ako sa susunod kong pagbusina ha. Beep BEep

7 comments:

goyo said...

mas masarap ba yan sa collets buko pie?Ü hehe..pero mukang interesante din yang sinasabi mong the original buko pie..yaan mo kapag naligaw ako dun, titikman ko.hehe..

MiDniGHt DriVer said...

@Goyo: Oo parekoy, malayong malayo ang collets dito.. inalagaan nito yung name nya eh, and ang alam ko wala itong ibang branch. Pare da best to, promise. u must try it.. hehe

Anonymous said...

ang alam ko po madaming collete's sa Calamba. sunod sunod sunod. haha. pero kung buko pie din lang, sa Lety's Buko Pie ang boto ko! :3

MiDniGHt DriVer said...

@Apol: aha.. sinabi mo pa.. superdami ng colletes branch na yan.. kahit sa bulacan meron.. hehe tnx sa pagbusina apolwapol :-)

Jhiegzh said...

Woaah, I can remember Ive been to Laguna this January, nung papunta na me Pasay para dun magstay sa kaklase ko nung high school, a day before flight ko pa NEGROS, I have noticed dami tlga nagbebenta ng buko pie sa terminal! Pero d ako bumili pero I love buko pie though, I have tasted it many times!...That's why I am curious ano lasa ng buko made in Manila at d2 sa Negros, para man comparison naman ako kahit papano!

Sendo said...

nanganak na ba ang misis ng kaibigan mo? haha..hehe..ayan pagkasarap n g buko..meron din kami niyan rito pero parang mas katakam-takam ang hitsura ng original buko niyo diyaan hehe..ingat ulit sa pagmamaneho haha

Lady Patchy said...

palagi talagang traffic sa SLEX .taga dyan ako. at talagang masarap ang the original buco pie.