Mabilisang Paglikha
Kailangan kong gumawa ng isang maiksing tula,
Na sa loob ng limang minuto'y akin na dapat nalikha,
Ngunit paano at san ako magsisimula?
Na kahit simpleng ideya'y wala man lang akong maitala.
Bakit nga ba kay hirap ng ganitong sitwasyon,
Ni hindi ko mapagana ang aking imahinasyon,
Kahit saan pa lumingon,walang makuhang impormasyon,
Kundi puro konklusyon sa mga korupsyon ng nakaraang administrasyon.
Napansin nyo bang parang kaydaming syon,
Kay sakit sa mata't feeling agaw atensyon,
Oh hindi kaya tumaas lang inyong presyon,
Sa pagkamakata kong kakaiba ang naging bersyon.
Nabanggit ko nga pala na maiksing tula lamang,
Ang aking gagawi'y pamatid inip lamang,
Subalit ako'y nasiyahan sa walang kwentang paglikha,
Ng kakaibang tulang ako lamang ang natutuwa.
Aba't kita mo nga naman at may kasunod pa pala,
Akala ko'y tapos na ang tulang walang kwenta,
Gusto ko na kaninang isunod BOW na panghuli sana,
Subalit umeksena pa ang panghuling istansa.
BOW
9 comments:
boi isa kang adik. tigilan na ang pagsinghot sa rugbyng naka-plastik.
pati tuloy ako napapa-rhyme chervaloo. 'nubah :P
:D ako ay dumaraan,
at magpaparamdam.
ako ay magcocomment
sa iyong tula moment.
bow.
@sikolet & kanto: sa inyong dalaa,
ako din ay natawa,
at nag-effort pa kayo
sa ginawa nyong kumento.
kaya naman akoy nagpapasalamat sa inyo
at sana sa susunod ay bumalik ulit kayo :-)
Oh jhakie aking kaibigan ako nanama'y naligayahan.
Sa tula mong hindi man lang pinag isipan.
Sanay ipagpatuloy ang iyong nakasanayan,
At ng madami pa ang tulad kong masiyahan!
BOW
^.^ lolz... musta jhakie... miss your buzz ^.^ be safe always
@FerRy:
Sinisiguro ko sayong ipagpapatuloy ko ang ganto,
na kahit sa walang kwenta'y mapasaya ko kayo.
Salamat sa pagbisita :-)
I miss you buzz jhake ^.^ paramdam naman dyan kahit coding ka today...
Astig pre. Bow ako. hehe!
@FeRry: adik ka
@benh:Tnx pare. haha
ngaun lang nagbackread at natuwa naman sa hindi mo pinag isipang tula. ayos na ayos parekoy!
Post a Comment