Monday, July 12, 2010

Di lamang ako Driver, ako ay isa ding....

-Dancer
Lingid sa kaalaman ng karamihan sa inyo na minsan na akong naging myembro ng grupong JaBaLawis (NSS Version of Jabawockeez). Kami ay binubuo ng mga kalalakihang nagtatago sa likod ng maskara at nabubuhay sa mundo ng kasiyahan ng bawat isa. Bilang mga trabahador sa isang malaking kumpanya, ninais na lamang naming itago ang aming mukha para na din sa aming mga pansariling kaligtasan.
-Movie Actor
Opo.. isa akong artista. Madami dami nadin ang nagawa naming taping kasama ang Midnight Driver Crew, mahirap ang maging kasangkapan ng pinilakang tabing, kinakailangan mong sundin ang gusto at pinagagawa sa iyo ng mga kasama mo, pero sa lahat ng karerang pinasok ko,dito ako pinaka nagenjoy. Kasama ko dito sina, Eneb (Dakilang kameraMan), Chano (Dakilang Angkas), Kuri (Ang Blogger ng Grupo), JC (Ang Make-up Artist) at Sikolet (Ang Number 1 Fan sa Japan). Sa mga susunod kong post ay titingnan ko kung magkakaroon na ako ng lakas ng loob para ipagkalat ang mga videos ng Midnight Driver Crew.

-Singer
Galing ako sa Pamilyang ang tanging hilig lamang ay kumanta.OOooPPss, hindi pala, joke lang yun (ang aking Ama nga pala ay mahilig ding uminom at Magsabong samantalang ang aking Ina naman ay ginagabi sa Tonghitan).
Pero basta, ako ay isa ding Singer.

-Empleyado
Ang aking minamaneho ay pag-aari ng kumpanyang pinapasukan ko. Ang trabaho ko ay tiga-bantay ng araw maghapon kaya naman dito ko nakuha ang ideyang Midnight Driver. Mahirap ipaliwanag pero dito ko talaga sya nakuha. Di ako marunong magsinungaling. Ang Pogi ko kaya.. hellowww???

-Blogger/Writer
Sa bagay na ito, hindi ko na kailangang magpaliwanag pa.

Ang buhay ko ay makulay, kaya tara na at umangkas na sa pangaraw araw na kwento ng Romantikong Midnight Driver ng bayan. Ako po yun. Narito ang aking maiksing tula, halina't sabay sabay nating pagtyagaan.

Ako si Midnight Driver,
Sa umaga ay bantay weather,
I hate shoes na leather
What I want is yung much better.

Kaya kong gawin kahit ano,
wag lang yung uutusan ako
madali kasi akong mapagod
Saglit lang ay nahuhurt na ang aking likod.

BAW.

8 comments:

Em said...

the multi-talented driver ;) what else can we ask for?!

f e R r y j H o i said...

full of humor naman ito jhake ^.^ I love the poem huh infairness my rhyme.. am amazed!!!

petitay said...

sweet lover pa jay walking ulit... natawa ako sa tula mo!

sikoletlover said...

boi nakalimutan mo... impersonator!

yer da man ^_^

MiDniGHt DriVer said...

@Em:Hmmm... salamat, ako na ang talentado..wahahaha

@Ferry: partida pa yan ne, rush lang.. kapitbahay ko kaya si makatatawanan.. :-)

@petitay: wow.. pwede ko na din ata gawin karera ang tula.. dami na natatawa.. haha

@Sikolet: UU nga noh.. nalimutan ko yun, dun pa naman ako nageexel.. haha
uy, special mention ka sa post ko ha.. :-)

Salamat sa inyong lahat

bulakbolero.sg said...

me ganun? lol... talendato ah!

MiDniGHt DriVer said...

@bulakbolero: naman parekoy... wahahaha

Renz said...

ASTIG! idagdag pa dito ang pagiging makata.. Hanep sa talentSSSSSS.!