Wednesday, July 21, 2010

Misyon sa Quezon


LAST WEEK, napasubo si REd Ranger sa isang mahaba at masayang byahe patungong LUcena City. Sa pagkakataong ito'y kasama ni Midnight Driver ang kanyang Dakilang MU Artist (na ngayun ay busyng busy sa paggawa ng kanyang sariling tambayan) sa pamamasyal..Tama po, pamamasyal.. dahil kahit pa nagpunta kami dito dahil sa trabaho, hindi ko ito kinokonsiderang trabaho sapagkat sa kadahilanang wala naman kaming gagawin sa site kundi ang kuhanan ito ng litrato. Isipin nyo yun, picture taking lang ang gagawin namin, dalawang araw pa kami dun. hehe. ibig sabihin lang nun, mas marami kaming oras para maglamyerda.

Sa unang araw pa lamang ng aming byahe, may mga karanasan na kaming mahirap malimutan, alas diyes na kasi ng umaga ng kami ay lumarga sa opisina kaya naman sinalubong kami ng mahabang trapiko sa daanan, pero ayos lang dahil wala naman kami hinahabol na oras. Binanggit ko lang para lang may masabi ako.

Pero ang totoo, dito pa lamang nag-umpisa ang aming totoong misyon sa quezon, ang lumamon ng lumamon.

@ kainan sa may diversion road sa Tiaong Quezon, Kasarap sana ng bulalo kung di lang dahil sa mga kolonya ng Langaw na nakapaligid dito.

@Ngayun lamang ako nakakain ng gantong pansit, ang luto sa kanya ay parang pinirito na nilaga, ewan ko ba, di ko maintindihan, kakaiba to sa mga nakain ko, sibuyas lang ang rekado at kailangan lagyan mo ng suka at hot sauce para sumarap. Ito ang tinatawag nilang Pansit Lucban. pero infernes sa ganyang itsura nya, masasabi kong pwede ko syang irekomenda. kasarapnglasa!!

@Hapunan sa may KAMAYAN, kung di ako nagkakamali, sa may bandang tayabas quezon na ito, nahirapan si Red dito kasi puro pataas ang daan, masarap din dito, kaya lang mahal. nirekomenda ito sa amin nung lalaking nasa litrato, kaya pala dito nya kami dinala, paborito nya lahat ng pagkain dito, grabe kung sya ay tumira, siguro ay may turbo sya, di ko kinaya, ang lakas nyang lumafhang. peace bry.. hehe

Di ko na isasama yung litrato ng huli naming kinain, pero sinisiguro kong magugustuhan toh ng mga lalaki dito.. hahaha

Para sa Lucena City, handog ko to sa inyo:

Lucena City for me is a place to be,
Kakaibang pagkaing sa mata'y kawili wili,
Hindi ko inakalang doon ako'y magiging happy,
Kahit pa napagod ako'y never na magsisisi.

Meron silang lambanog,
Na galing sa katas ng niyog,
Na kapag sa bibig ay hinulog,
Tyak na ika'y mayuyugyog.

Sikat din sila sa pansit na kakaiba,
na kapag sa una mo nakita, baka mawalan ka ng gana,
pero wag ka, kapag natikman muna.
hahanap hanapin na't babalik balikan pa.

BOW

7 comments:

feRry jHoi ^.^ said...

wow! another master piece naman jhake. Pancit luglog yata ang tawag dyan eh... I have tasted it na nga, pero sakto lang ang lasa, hihi....

Happy trip ka nanaman jhake ^.^
Happy wednesday

khantotantra said...

kakaibang pansit yan ah. sibuyas lang tapos lalagyan ng hot sauce. pag magawi ako ng quezon(sana) ay matikman nga yang pansit

sikoletlover said...

ang pinakamasayang trip...foodtrip!

waaaaaah kakagutom!

Unknown said...

whahaha.. at talagang may dedication pa, huh..
ikaw na.. :)

Emmaleigh said...

I was looking for "comments" and had a hard time finding it lol! anyways, it was a bad idea for me to read this entry on an empty stomach.. now, I'm really really hungry!! the pansit looks yummy!

Anonymous said...

hmmmm...parang alam ko na kung ano ang hulin nyong kinain.

masarap ang pancit lucban sa mainit na pandesal at uber lamig na coke.

MiDniGHt DriVer said...

@Ferry: pansit lucban po yun.. hehe, sarap sya inferness :-)

@khanto:wahaha, sinabi mo pa parekoy, nagpapaluto nga ako sa ermat ko kaya lang dehins daw nya alam yung ganun luto.

@sikolet: how about laughtrip? lolz

@Mharliz: naman.. para pag nagawi ako ulit dun, di na traffic.. lolz

@Em:hahaha, napagtripan ko kasing baguhin, lolz. kainan na.. :-)

@kuri: hahaha..yun na nga yung huli namin kinain parekoy,
at tama ka, masarap ang pansit lucban sa tinapay at uber lamig na kuk, yun ang partner namin :-)