Friday, July 9, 2010

'Di Biro ang Maging DrIver

Rebolusyon...
PReNo...
ManiBela...
CLutch...
MakIna...
LanGis...
TuBiG...
GasoliNA...
Gulong...

Ilan lamang ito sa sinisiguro ng Driver na maayos at gumagana ng mahusay bago sya lumarga. Ang pagiging isang driver ay hindi biro, kinakailangan mong maging focus sa bawat oras ng iyong pagmamaneho. Kinakailangan mong siguraduhin ang kaligtasan ng bawat pasaherong sakay mo. Kinakailangan mong mahalin ang sasakyan mo na iyong minamaneho. Ngunit sadya naman talagang kay hirap iwasan kapag antok na ang naging kalaban, bilang isang romantikong Midnight Driver, ang pagmamaneho ng katanghaliang tapat ang siyang iniiwasan ko, dahil sa puntong ito ay palagian ng umaandar ang HAPONTUKIN Syndrome ko. Tama po! Hindi lang estudyante at nagoopisina ang mga antukin sa hapon, gayunman kaming mga Driver, kahit pa sabihin mong madalas kaming makarinig ng busina sa daan, hindi sapat yan para magising ang aming diwa, matagal ko din tiniis ang gantong sitwasyon. Before, "when Hapontukin sets in, itinutulog ko na lamang ito, subalit sa paraang yaon ay apektado maging ang trabaho ko. kaya naman nang malaman ko na mayroon palang mas mabisang panlaban sa Hapontukin, beep beep... dali dali kong sinubukan ang tinatawag nilang mabisang pangontra dito, nung una ay di pa ako gaanong bumibilib dito ngunit paglipas ng mga araw at hapong nalalabanan ko na ang Hapontukin Syndrome ko, aba'y nasabi ko na lamang sa sarili ko na..... EFFECTIVE nga! Kaya para sa mga kapwa ko Driver na nakakaranas ng kanilang sari-sariling Hapontukin Moments, Subukan nyo ang subok na ng panahon, ang Enervon MultiVitamins.. Hindi lang pang-masa ang halaga, pang-everybody's health pa. Beep Beep!!!! Kaya ngayun, everytime Hapontukin sets in, inom kagad ako ng panlaban ko dito kasabay ang pag-tumbling at pagbusina ng malakas, sa paraang ito, hindi lamang ako ang nagigising pati mga nakakakita sa akin (mukha lang daw akong tanga.. lolz) . BEep Beep...

P.S: Hindi lahat ng Driver ay babaero, tandaan nyo yan! Magkaiba ang pagiging babaero at lapitin ng mga babae ok??

6 comments:

gorgeous_MHE said...

bwahaha (i doubt!!!) hahaha at baket may romantikong midnight driver na word ka!!! sus maryosep!!! tsk tsk tsk..

Tama yan enervon, mas energy mas happy...Happy Friday ^.^ yngat sa pag drive

zh3en22 said...

haha, ang kulit naman ng hapontukin moments mo... weeeeeee... gudluck

sikoletlover said...

guilty beyond reasonable doubt! kelangan mag-explain??? nyahahaha

hagisan mo nga ako nyan dito. madalas din akong atakihin ng hapontukin syndrome e :)

Ayie said...

Totoo ba yun? May Hapontukin? hahhhaha!

MiDniGHt DriVer said...

@Ferry: at may doubt talaga ha.. hehe.. romantiko naman talaga ko aahhh.. hehe

MiDniGHt DriVer said...

@zh3en22: mas makulit yung name mo.. nalito ako eh.. haha..

@Sikoletlover: hahaha.. geh geh.. paantay na lang, pinadala ko na sa kalapati ko.. ty

@ayie: hahaha.. ganyan talaga kaming mga driver.. antukin.. totoo po.. duda ka din? hahaha